Alam niyo bang apat na beses nagpalit ng screen name ang actress-entrepreneur na si Ara Mina?
Nung inilunsad siya sa showbiz ay Ara Mina na talaga ang kanyang screen name.
Pinapalitan daw ito ng kanyang ina bilang Ara Mina Reyes dahil mukhang bitin daw kung Ara Mina lang.
Taong 1995 iyon, at kasama siya sa ginagawang movie na Si Mario o Si Goko noong panahon na iyon.
That same year ay ginawang Dara Mina naman ang screen name niya habang ginagawa naman ang pelikulang Flor Contemplacion Story.
Taong 1997, pinalitan ulit ng kanyang ina ang screen name ni Ara at ginawang Danica Gomez. Ginagawa niya nun ang pelikulang Jacob C.I.S. kasama si Ace Vergel.
Dahil litung-lito na daw ang publiko sa kanyang screen name, sinabi niya sa kanyang ina na ibalik na lamang ulit ito sa Ara Mina.
Sino nga ba si Ara Mina o Hazel Reyes sa totoong buhay?
FAMILY BACKGROUND
Si Ara ay ipinanganak noong May 9, 1979 sa Mandaluyong. Siya ay 41 years old na ngayon.
Ang kanyang mga magulang ay sina Romeo Reyes at Francis Marie Klenk, na kilala din sa screen name na Venus Imperial.
Si Venus ay dating aktres, Mutya ng Pasig 1967, at tinagurian ding kauna-unahang Eskinol Girl.
Ang kanyang biological father ay ang dating congressman at mayor ng Quezon City na si Ismael “Chuck” Mathay III.
Ang kanyang mga kapatid sa ama ay sina Ismael “Macky” Mathay IV, Christopher "Cris” Mathay, at Nicole Mathay.
Si Macky ay ang kasalukuyang boyfriend ni Sunshine Cruz.
Ang kanya namang mga kapatid sa ina ay sina Heidi Reyes Gatmaytan, Harbin Reyes, Holy King Reyes, ang aktres na si Cristine Reyes, at Mina “Baching” Princess Klenk.
Si Ara ay may anak na babae, si Amanda Gabrielle Meneses, 5, sa dating nobyong si Patrick Meneses, na vice mayor ng Bulacan, Bulacan.
Inamin ni Ara na nagkaroon ng mga away pamilya na labis niyang iniyakan noon.
Kuwento niya, “Nagalit daddy Romy ko nung nagpa-sexy ako kasi di ako nagpaalam sa kanya. Then nagkatampuhan kami sa paglabas about my biological [father].”
Ang isa pa raw ay ang away nila ng kapatid niyang si Cristine noon na humantong pa sa korte.
Ano ang mga natutunan niya sa lahat ng mga pagsubok na napagdaanan niya noon?
Aniya, “Na matututo ka sa mga mistakes mo, magiging better, and strong person ka every time may trials na dumadating sa life mo.
“Learn also to forgive, huwag maging bitter sa life or past. Instead, be thankful for that experience because it will hone you to be the best version of yourself.”
EDUCATION
Sa Maryknoll College (Miriam College) nag-aral si Ara ng pre-school.
Mula Grade 1 hanggang Grade 4 ay sa Alice in Wonderland School siya nag-aral, at lumipat naman sa Roosevelt College (Marikina) noong Grade 5 at Grade 6 siya.
Sa St. Bridget School and Morning Dew Montessori naman nagtapos ng high school ang aktres.
Gumradweyt siya bilang Second Honorable Mention at nakakuha ng mga awards na Most Cooperative, Miss Friendship, at Miss Talent sa high school.
Hindi na siya nakapag-college dahil pumasok na siya noon sa showbiz.
SHOWBIZ CAREER
Nagsimula sa showbiz si Ara sa edad na 14.
Dumaan raw siya sa sangkatutak na audition, naging extra, gumawa ng ilang commercials hanggang sa mapasok sa That’s Entertainment ng namayapang Master Showman German “Kuya Germs” Moreno.
Ara Mina na ang screen name na ginamit niya sa That’s Entertainment.
Naging regular din siya sa Bubble Gang mula 1998 hanggang 2008.
Maldita ang titulo ng launching movie ni Ara noong 1999.
Pero, ang hindi raw niya makalimutang pelikula ay ang Mano Po, “Kasi dun ako unang nanalo ng Best Actress.”
Nakilala si Ara sa ilang sexy films noon, kagaya ng Tapatan Ko Ang Lakas Mo, Phone Sex, at Ang Huling Birhen sa Lupa.
But eventually, nakita rin ang galing niya sa pagiging comedian at actress, pati pagiging singer.
Paano ba niya ito nagawa? Tugon niya, “Hirap at first! Pero ginawa ko for career move kasi dami namin wholesome image, kasi di ako napapansin.
“Pinatitigil na ko ng parents ko. If wala raw mangyayari sa career ko, mag-concentrate na lang daw ako mag-aral.”
Sa larangan ng musika, nakapaglunsad na rin si Ara ng dalawang albums: una na nga rito ang self-titled album na Ara Mina noong 1999 mula sa Star Music.
Ang pinakasumikat niyang kanta noon ay ang “Ay, Ay, Ay, Pag-ibig."
Noong 2001, inilunsad naman niya ang Heavenly, ang kanyang pangalawang album mula pa rin sa Star Music.
SHOWBIZ ROMANCES
- In early 1990s, nag-date sila ni Eric Fructuso.
- From 2002 to 2004, naging sila ni Jomari Yllana.
- In 2006, naging boyfriend niya si Polo Ravales.
- Taong 2007, nalink naman si Ara kay Manny Pacquiao, na nakapareha niya sa Anak ng Kumander para sa 33rd Metro Manila Film Festival. Pero marring dinenay na nagkaroon sila ng relasyon.
- Taong 2010, naugnay naman si Ara sa Filipino-Chinese businessman na si Raymond Yap. Naghiwalay sila after two years.
- Noong taon ding iyon, napabalita namang nagkamabutihan na sina Ara at Patrick Meneses, na noo’y Mayor ng Bulacan, Bulacan. Kalaunan, umamin din siya sa kanilang relasyon. Nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Amanda Gabrielle, na limang taong gulang na ngayon. Taong 2015, naghiwalay ang dalawa pero napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan.
- Noong 2018, napabalitang may bagong dini-date si Ara, si Dave Almarinez, ang undersecretary ng Philippine International Trading Corporation (PITC). Pero, hindi nagsalita ang dalawa ukol dito. Nitong nakaraang November 9, 2020 lamang umamin si Ara na nasa dating stage na ang relasyon nila.
BUSINESS
Samu’t-saring negosyo na ang pinasukan ng Ang Probinsyano actress sa loob ng sampung taon, ngunit dito lang siya sa Hazelberry talagang nagtagumpay.
May apat na branches na ang kanyang cake at restaurant business na matatagpuan sa Don Antonio (Quezon City), Molito (Alabang), Ayala Feliz (Pasig), at Angeles (Pampanga).
Naniniwala si Ara na ang pagkakaroon niya ng mabait at mapagkakatiwalaang business partner ang susi ng tagumpay ng Hazelberry.
Kuwento niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nito lamang March 8, 2020 bago magkaroon ng Luzon-wide lockdown, “Hindi biro mag-business, e. Ang hirap.
“Hindi, sa totoo lang, ang lakas ng loob ko, pero it’s really hard to have a business that… thank you, Lord, for giving me a good partner kasi ang dami na nanloko sa akin dati.
“So, thank you for giving me a good one.
“Hindi, totoo naman, e, makaka-relate sa akin ang mga may business, nakakapagod pong mag-business, tayo ka nang tayo, 'tapos niloloko ka sa pera.
“Niloloko ka sa kung mga anu-ano.
“It’s really hard, kasi dugo’t pawis mo. Iyong effort mo.
“And this is my passion. I love baking. I love… and thank God ngayon ko lang niri-reap iyong success sa business.”
Payo pa niya sa mga nais magtayo ng kanilang sariling negosyo, “It’s such a relief, in a way.
"Naniniwala ako na kapag may tiyaga pala may nilaga.
“And napatunayan ko na totoo rin iyong quote, iyong favorite quote ko na ‘Try and try until you succeed.’
“Quote ko iyan nung bata pa ako kasi I think 12 years old pa lang ata ako, try ako nang try mag-audition hanggang matanggap ako sa That’s Entertainment noon.
“Natanggap naman akong artista. So sabi ko, ‘Hay, naging artista rin ako.’
“So ginawa ko, in-apply ko iyang quote na iyan pagdating sa business dahil marami na rin akong triny na business, mapa-restaurant, mapa-videoshop, mapa-canteen, modelling agency.
“Marami akong restaurant na nag-fail.
“But this time kailangan ko pang gamitin ko iyong pangalan kong Hazel.”
MOVIES
1999
- Phone Sex
- Alyas Pogi: Ang Pagbabalik
- Tatapatan Ko Ang Lakas Mo
- Maldita
2000
- Ayos Na Ang Kasunod
2002
- Diskarte
- Mano Po
2003
- Ang Huling Birhen Sa Lupa
- Fantastic Man
2004
- Singles
- Minsan Pa
2005
- Shake, Rattle, and Roll 2K5
2007
- Selda
2008
- Anak ng Kumander
- Ate
2011
- Tumbok
- Shake, Rattle, and Roll 13
2013
- Menor de Edad
2016
- Girlfriend for Hire
2017
- My Ex and Whys
- This Time I’ll Be Sweeter
2019
- Unforgettable
TV SHOWS
1992-1996
- That’s Entertainment
1998-2008
- Bubble Gang
2000
- Kiss Muna
2002
- Kung Mawawala ka
2004
- Mulawin
- Te Amo, Maging Sino Ka Man
2005
- Mars Ravelo’s Darna
2007
- Prinsesa ng Banyera
- Lupin
2008
- Ligaw na Bulaklak
2009
- Sine Novela: Tinik sa Dibdib
- Sine Novela: Dapat Ka Bang Mahalin?
- Carlo J. Caparas’ Totoy Bato
2010
- Ilumina
2011
- Ang Utol Kong Hoodlum
- Untold Stories Mula sa Face to Face
2012
- Yesterday’s Bride
- P.S. I Love You
2013
- Teen Gen
2014
- Trenderas
2016
- Tasya Fantasya
- Karelasyon
2017
- Pinulot Ka Lang Sa Lupa
2017-2018
- Ika-6 Na Utos
2020
- FPJ’s Ang Probinsyano
AWARDS
1999
- Popular Princess of RP Movies, Guillermo Mendoza Memorial Awards
2000
Most Promising Female Singer, Guillermo Mendoza Memorial Awards
2002
- Best Actress, Metro Manila Film Festival for Mano Po
2003
- Best Actress, Manila Film Festival for Ang Huling Birhen sa Lupa
- Ms. RP Movies, Guillermo Mendoza Memorial Awards for Mano Po
- Best Actress, Golden Screen Awards for Ang Huling Birhen sa Lupa
2004
- Best Supporting Actress, Golden Screen Awards for Mano Po
2005
- Best Supporting Actress, 21st PMPC Star Awards for Minsan Pa
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.