Vina Morales: From Cebu’s little chorist to Asia's winning soloist

by Arniel C. Serato
Dec 29, 2020
Vina Morales PEPtionary
Vina Morales recounts her humble beginnings in showbiz, and how singing for a church choir in her hometown, Bogo, Cebu, paved the way for her singing career. "I used to sing in a church choir when I was 9 years old and a priest, Father Fritz Malinao, who writes music, saw my potential."
PHOTO/S: Courtesy: @vina_morales on Instagram

Dalawa sana ang “Sharon” sa showbiz kung hindi binigyan ng screen name na “Vina Morales” ang baguhang singer noon na si Sharon Magdayao.

Little Vina Morales

Ang isa pang “Sharon” ay ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Ipinanganak si Vina noong October 17, 1975 sa Bogo, Cebu.

Ang kanyang mga magulang ay sina Enrique Magdayao at Deanna Rose Garcia Magdayao.

Continue reading below ↓

Ang mga kapatid niya ay sina Sheila Magdayao-Moreno, Sheryll Magdayao, at ang aktres ding si Shaina Magdayao.

Vina Morales with Parents and Siblings

Nag-aral siya sa Bogo Central School 2 mula Grade 1 until Grade 3. Sa Immaculate Concepcion Parish School sa Quezon City siya nagtapos ng elementarya, at nag-aral until second year high shool.

Continue reading below ↓

For her third and fourth year in high school, homeschooled na si Vina.

Hindi na siya nakapag-kolehiyo dahil sa kanyang pagiging abala sa showbiz.

VINA MORALES' CAREER

Nagsimula ang singing career ni Vina sa choir ng Saint Vincent Ferrer Parish Church sa kanyang bayang sinilangan sa edad na 9.

Vina Morales choir

Continue reading below ↓

Ang paring si Father Fritz T. Malinao, na isa ring music composer, ang nakadiskubre sa talento ni Vina.

Pinakiusapan niya ang batang Vina na kantahin ang kanyang kinumpose na kanta para sa 6th Cebu Pop Music Festival taong 1986.

Vina Morales Father Fritz

Kinanta ni Vina ang “Paglaum," na ang ibig sabihin ay hope o pag-asa, sa pinakamatagal na singing competition sa Cebu City.

Continue reading below ↓

Ang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I used to sing in a church choir when I was 9 years old and a priest, Father Fritz Malinao, who writes music, saw my potential.

“So he wrote an original song 'Paglaum,' means hope, and sent the song to 6th Cebu Pop Music Festival.

“This is like Manila Pop, all original songs for singing competition, I was 9 and other competitors are all adults.

“I became one of the 12 contestants for the contest, and I won the grand prize and the Best Interpreter in the professional category.”

Napanood daw ng namayapang si Mina Aragon at Viva Entertainment big boss Vic del Rosario ang kanyang performance.

Saad niya, “Mama Mina and Tito Vic del Rosario of Viva Films saw my video and decided to give me an opportunity to be a singer and an actress.

“Dun na nagsimula ang lahat ng mga blessings.”

Continue reading below ↓

VINA MORALES' SCREEN NAME, MOVIE, AND SINGING CAREER

Dahil sa pagpirma ni Vina ng kontrata sa Viva, lumuwas ang kaniyang buong pamilya sa Manila upang dito na manirahan.

Paano nga ba nabuo ang kanyang screen name?

Ang sabi ng 45-year-old star, “Mama Mina and Tito Vic gave me the name of their daughter Vina Vanessa del Rosario who passed away and we were the same age.

“Then they chose a last name na babagay sa name na 'Vina.'

“One of the choices ng last name was Moreno, Vina Moreno but they both choose Morales, it sounded better.”

Ang film debut ni Vina ay ang Nakagapos na Puso kasama ang Megastar noong taong 1986.

At ito rin daw ang hindi niya makakalimutang pelikula.

Lahad niya, “My first movie Nakagapos na Puso with Ate Sharon Cuneta.

“She is my fave and it was a dream come true to work with her.”

Ang ilan pa sa kanyang mga de kalibreng pelikula ay ang Anghel na Walang Langit, The Sarah Balabagan Story, at Ang Utol Kong Hoodlum.

Continue reading below ↓

Ang launching album naman niya sa Viva Records ay may titulong Vina.

Hindi rin matatawaran ang galing ni Vina sa concert stage kaya naman tinagurian din siyang "Ultimate Showgirl."

Ang ilan sa mga hindi makakalimutan niyang concerts ay ang Vina: Revealed, Vina’s Hot, at Vina@Thirty.

VINA MORALES FELL IN LOVE WITH ROBIN PADILLA

Ang pinaka-kontrobersiyal na relasyon ni Vina ay ang sa kanila ng action star na si Robin Padilla.

Nagkadebelopan ang dalawa sa set noon ng Ang Utol Kong Hoodlum taong 1991.

Ang Utol Kong Hoodlum

Continue reading below ↓

Sorpresang naging blockbuster sa takilya ang nasabing pelikula at mainit na tinanggap ng mga tao ang kanilang tambalan.

Kuwento ni Vina, niligaw-ligawan na raw siya ni Robin noon sa set pero hindi pa daw niya ito sinagot.

Hanggang sa magkaroon ng sequel ang pelikula, ang Miss Na Miss Kita (Ang Utol Kong Hoodlum II) noong 1992.

Miss Na Miss Kita (Ang Utol Kong Hoodlum II)

Continue reading below ↓

Dito na raw siya todong niligawan ng aktor.

Hanggang sa sinagot na niya ito.

Vina Morales Robin Padilla sweet photo

Pero, marami ang tutol sa kanilang relasyon noon kabilang na ang kaniyang mga kapamilya.

Nitong taong 2019, habang nagpu-promote ng kinabibilangang pelikulang Damaso, inalala ni Vina ang kanyang kabaliwan noon kay Robin na para bang sa karakter niyang Sisa sa movie.

Continue reading below ↓

Si Padre Damaso at ang baliw na si Sisa ay mga karakter sa nobelang Noli Me Tangere ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Kuwento niya, “Very clear to me, medyo matagal na—yung first boyfriend ko na si Robin. Yun ang naalala ko na sobra kong ewan.

“Yung daddy ko, e, wala nang magawa sa akin. Si Mama Mina, e, walang nagawa noong 18th birthday ko.

“Dapat may iba akong escort, e, that time, hindi ako tinantanan ni Robin kaya siya ang naging escort ko sa 18th birthday ko sa party ko. Naging Sisa naman si Mama Mina sa akin!”

Dagdag ni Vina, “Of course, I had other relationships din naman na naging ganun din ang sitwasyon, but not as clear na naaalala ko na parang feeling ko, gumuho ang mundo ko.

“Kasi, ganun naman yata kapag first boyfriend mo, di ba? Saka magulo yun, Robin Padilla. Yun ang mga naging Sisa ko sa pag-ibig."

Continue reading below ↓

Napakarami nang pinagdaanan ni Vina, pero walang nakahigit sa karanasan niya kay Robin?

“Parang siguro, oo, kasi yun ang mga naalala ko. I had problems with my family.

"Kasi, wala na silang magawa, naloka-loka na ako. Si Mama Mina, si Tito Vic.”

Ano ang pinakamatinding nagawa niya na nagpaka-Sisa o baliw-baliwan siya kay Robin?

“Oh my God! Kasi, noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa.

"Yun ang peak ni Robin, di ba?

“Parang lahat yata, na-in love sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon.

“I’ve learned to be strong and mabait naman talaga si Robin.

"Kung paano siya makisama sa mga katrabaho niya. Sa cast, staff, crew, kung paano siya makisama, yun ang nakita ko.

“And napaka-down-to-earth niya, he’s really humble. At yung pagmamahal niya sa trabaho niya, yun naman ang mga good lesson na nakuha ko.”

Sa ngayon, may isa ng anak na babae si Vina, si Ceana, sa dating nakarelasyon na non-showbiz guy na si Cedric Lee.

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Umaasa naman daw siya na makakahanap din siya ng tamang lalaki sa darating na panahon.

Aniya, “In God’s time, mas gaganda na ang love life ko, I claim it and amen to that.”

Naging mabuti na rin silang magkaibigan ni Robin na may sarili na ring pamilya.

Sa kasalukuyan, magkasama ang dalawa sa sitcom ng Net-25 na Kesaya-saya.

VINA MORALES' BUSINESS

Marami na ring negosyo sa ngayon si Vina. Isa na nga rito ang matagumpay na salon business nila, ang Ystilo Salon.

View this post on Instagram

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Kuwento niya, “We have 21 branches of Ystilo Salon now, we are grateful na maski may pandemic we are surviving.”

Kakabukas lang din ng kanyang food business, ang Inday Beena’s Best.

View this post on Instagram

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Sabi niya, “Due to pandemic, I was able to open a new business, Inday Beena’s Best Products.

“Ako mismo ang gumagawa ng Sukang Binisaya, lahat ng products namin is made with love. Available siya for distributorship.

“I am also coming up with a new business partnering with Renegade Branding concept and Ayannah Company called MONEYSENT.”

Continue reading below ↓

Vina Morales Moneysent

AWARDS AND RECOGNITIONS

Dalawa na mga awards ang maituturing ni Vina na mahalaga sa kanyang buhay.

Ang isa sa mga ito ay ang Awit Awards noong 2000 para sa kanyang album na No Limits.

Pero, ang hindi talaga niya malilimutang award para sa kanyang karera ay ang panalo niya mula sa IKON Asean music competition noong 2007.

Continue reading below ↓

Vina Morales Ikon Award

Siya ang kauna-unang winner sa nasabing kumpetisyon.

Ang IKON Asean ay isang regional music competition para sa mga professional singers at banda na deserving na magkaroon ng mas malawak na pagkilala sa Southeast Asia.

Kabilang sa mga bansang kasali dito ay ang Malaysia, Indonesia, at Pilipinas.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Vina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2007, “I am proud to be the first Ikon winner sa category soloist.

"I'm very proud to bring the trophy to our country. Hindi ko ma-explain ‘yung nararamdaman ko. It was a mixed emotion.

"Before the competition, I was very nervous. Kasi siyempre, big risk yun sa isang katulad ko who has been in the business for a long time.

"You're talking about professionals here. Lahat kami may sariling album.

"Marami na kaming napatunayan in this industry. It's a big risk kung hindi ka ma-appreciate ng judge.

"Good thing I won the hearts of the judges, at the same time the Malaysian people and the Indonesian people.”

VINA MORALES' SECRET TO SUCCESS

Masasabing mula noon hanggang ngayon ay nanatiling andiyan ang pangalang Vina Morales pagdating sa pagkanta at pag-arte.

Payo niya sa mga nais magtagal sa industriya, “Be humble always and respect all your co-workers.”

Continue reading below ↓

Para naman sa mga nais magtagumpay sa negosyo: “Patience and courage. Maging masipag at huwag mang-isa sa kapwa.

“And to always include God in all your businesses.”

ALBUMS

1990

  • Vina (Viva Records)

1992

  • Forbidden (Viva Records)

1993

  • Best of Vina (Viva Records)

1994

  • Pag Katabi Kita (Viva Records)

1995

  • Easy To Love (OctoArts EMI)

1996

  • Look at Me Now (OctoArts EMI)

1998

  • All That I Want (OctoArts EMI)

1999

  • No Limits (OctoArts EMI)

2001

  • Total Control (OctoArts EMI)

2002

  • Reflections (OctoArts EMI)

2004

  • Mamahalin Ka Niya (Star Music)

2006

  • Vina: Silver Series (Viva Records)

2010

  • Awit ng Ating Buhay (Star Music)

2016

  • Vina Morales (30th Anniversary Album)” (Star Music)

MOVIES

1986

  • Nakagapos na Puso
  • Captain Barbell

1987

  • Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin

1988

  • Kumander Bawang: Kalaban ng mga Aswang

1989

  • Ang Lahat ng Ito Pati na ang Langit
  • Bondying: The Little Big Boy
  • Bakit Iisa Lamang ang Puso
  • Abot Hanggang Sukdulan
  • Estudyante Blues
  • Wooly Booly: Ang Classmate Kong Alien
Continue reading below ↓

1990

  • Tootsie Wootsie: Ang Bandang Walang Atrasan
  • Petrang Kabayo 2: Anong Ganda Mo! Mukha Kang Kabayo
  • Teacher’s Enemy No. 1
  • Wooly Booly 2: Ang Titser Kong Alien

1991

  • Ang Utol Kong Hoodlum
  • Maging Sino Ka Man
  • Alyas Batman en Robin
  • Darna

1992

  • Miss Na Miss Kita (Utol Kong Hoodlum II)

1993

  • Hanggang Saan, Hanggang Kailan
  • Sala sa Init, Sala sa Lamig
  • Sana’y Ikaw Na Nga

1994

  • Kadenang Bulaklak
  • Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko
  • Pinagbiyak na Bunga: Lookalayk
  • The Untold Story: Vizconde Massacre II – May the Lord be with Us!
  • Anghel na Walang Langit

1995

  • Grepor Butch Belgica Story
  • Campus Girls
  • Love Notes
  • The Floor Contemplacion Story
  • Huwag Mong Isuko Ang Laban

1996

  • April Boys: Sana’y Mahalin Mo Rin Ako
  • Wag na Wag Kang Lalayo

1997

  • Lab en Kisses
  • The Sarah Balabagan Story

1999

  • ‘Di Puwedeng Hindi Puwede!
  • Ako’y Iibigin Mo… Lalaking Matapang
  • Ang Boyfriend Kong Pari

2000

  • Eto Na Naman Ako
  • Sagot Kita Mula Ulo Hanggang Paa
Continue reading below ↓

2014

  • Bonifacio: Ang Unang Pangulo

2019

  • Damaso

TV SHOWS

1987-1996

  • That’s Entertainment

1993-1995

  • Vina

1996-1997

  • Lyra

1997-1999

  • SOP

2000

  • Codename: Verano

2001-2019

  • ASAP

2003

  • Darating Ang Umaga
  • 2007 Maria Flordeluna

2010

  • May Bukas Pa
  • Agua Bendita

2011-2012

  • Star Circle Quest: The Search for the Next Kiddie Superstar
  • Nasaan Ka Elisa?

2013-2014

  • May Isang Pangarap
  • Maria Mercedes

2015

  • Nasaan Ka Nang Kailangan Kita

2016

  • Born For You

2018

  • Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi

2019

  • Sandugo

2020

  • Tagisan ng Galing
  • Kesaya-saya

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales recounts her humble beginnings in showbiz, and how singing for a church choir in her hometown, Bogo, Cebu, paved the way for her singing career. "I used to sing in a church choir when I was 9 years old and a priest, Father Fritz Malinao, who writes music, saw my potential."
PHOTO/S: Courtesy: @vina_morales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results