Derek Ramsay and Ellen Adarna: Finding true love at the right time

by Arniel C. Serato
Mar 31, 2021
Derek Ramsay Ellen Adarna love story peptionary
Derek Ramsay on finding true love in Ellen Adarna: "That’s why I’m taking my time to make sure that I find the right one."
PHOTO/S: Arniel Serato

Mula sa isang simpleng dinner party hanggang sa mga sweet moments together sa kanilang social media, kumpirmado na ngang may relasyon na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Pahayag nila sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang February 26, “May relasyon kami, oo.”

Sa mismong bahay pa nga ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa, naganap ang interview ng PEP.ph.

Walang usapan na may interview ukol sa kanila dahil ang pakay lamang ng PEP.ph sa pagpunta sa magarang mansiyon ni Derek ay upang i-feature ito sa PEP.ph Celeb Homes section.

Derek Ramsay on PEP Celeb Homes

Continue reading below ↓

Pero, nadatnan namin ang 32-year-old Kapatid star sa bahay ng Kapuso actor.

Nang makapagpalagayang-loob na, pumayag na rin silang ikuwento sa amin ang kanilang love story, na hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ay parang too soon to be true.

At the time of the interview, lagpas isang buwan pa lamang kasing magkakilala ang dalawa na nagkataon din namang magkapitbahay sa Ayala, Alabang.

Hindi naman nagdalawang-isip sina Derek at Ellen na ipakita at iparamdam ang nararamdaman nila sa isa’t isa habang kausap ng PEP.ph.

Paglalarawan ng 44-year-old Kapuso actor sa relasyon nila ni Ellen, “Wala, wala... It’s not a normal relationship. Hindi siya yung may parang ligawan.

"It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’”

Sabat ni Ellen, “Huy, baka sabihin nila na ako nanliligaw sa iyo.”

Pagpapatuloy ni Derek, “No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun.”

Ibinahagi rin ni Derek sa PEP.ph na may "spark" talaga noong unang nagkakilala sila ni Ellen.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Uhm, tama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark.

“We just really are enjoying each other’s company. Sobra.”

Inamin din ni Derek na bagamat bago pa ang kanilang relasyon ay naranasan na nilang magkatampuhan.

“Like, walang dull moment. Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan... lahat meron na.”

Diretsong tanong ng PEP.ph kay Derek, “Girlfriend mo na si Ellen?”

Pabirong tanong ni Derek kay Ellen, “Bakit ako?”

Hindi nila sinagot ang katanungan, at na-stress daw sila .

Pero di naglaon, diretsong sagot ni Derek: “May relasyon kami, oo.”

Sabi naman ni Ellen, tungkol sa kanilang budding romance, “One month feels like a year. Parang ganun. Parang ang bilis pero parang ang tagal.”

Ellen Adarna and Derek Ramsay on PEP interview

Continue reading below ↓

"WE JUST CLICKED"

Noong November 2020 ay napabalita ang breakup ni Derek sa aktres na si Andrea Torres.

Dalawang buwan ang nakalipas, noong January 11, 2021, kumalat naman sa social media ang cozy pictures nina Ellen at Derek na kuha sa dinner party sa bahay mismo ng aktor.

Simula noon ay nagsunud-sunod na ang pag-a-upload ng dalawa sa kanilang social media accounts ng mga larawang magkasama sila.

Derek Ramsay and Ellen Adarna cozy photo

Continue reading below ↓

Dito na nagsimula ang ispekulasyon ng netizens na maliban sa pagiging magkapitbahay ay may namumuo na ring relasyon sa pagitan nila.

At inamin nila sa PEP.ph noong Pebrero na isang buwan na ang kanilang relasyon.

May official date ba ang kanilang monthsary?

Tugon ni Derek, “Well, di ba, sabi niya [Ellen], one month, feels like one year."

Hindi ba factor sa kanila ang maigsing panahon para ma-in love sila sa isa't isa?

Humahalakahak na sagot ni Ellen, “Bakit napunta sa in-love-an?”

Paano sila naging close kaagad?

Nagturuan muna ang dalawa kung sino ang sasagot

Dahil hindi pa rin sila sumagot, iniba na lang ng writer na ito ang tanong.

Para kay Ellen, anong mayroon sa Kapuso actor na wala sa iba?

“Oh, my God, hindi ako ready rito! Out na,” natatawa muling sagot niya sabay tago sa camera.

Kaya kay Derek na lang binato ang perehong tanong.

Seryosong sagot ni Derek, “We just clicked. Talagang magka-vibes, hindi lang kami, friends namin.

Continue reading below ↓

“Uhm, yung mga friends niya, laging andito sa bahay, siya kasundo lahat ng mga friends ko.

“Alam mo, we just clicked. Parang ang tagal na naming magkakilala. Ganung levels.”

Inseparable ngayon sina Ellen at Derek dahil kung may lakad o trabaho ang isa sa kanila ay parang magkasama rin sila dahil palagi raw silang nag-uusap sa telepono.

Ani Derek, “Actually, pinagtatawanan nga namin yun, e. Yung every day, magkasama kami, yeah.

“'Tapos, pag hindi kami magkasama, parang magkasama din kami dahil lagi kaming nasa telepono.”

Sinang-ayunan nito ang sinabi naming “That’s love.”

Inusisa namin kung ano ang terms of endearment nila sa isa't isa kasunod ng kanilang pag-amin.

Natatawang banggit ni Derek, "‘Day, 'Day, 'Dong."

Singit ni Ellen, "Anything."

Pagsang-ayon ni Derek, "Anything, yeah."

Naipakilala na rin daw nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga anak: si Ellen kay Austin Ramsay at si Derek kay Elias Modesto.

Si Austin ay anak ni Derek sa dating asawang si Mary Christine Jolly, at si Elias ay anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Hangang-hanga raw si Derek kay Ellen pagdating sa pag-aalaga ng kanyang anak.

Pagpupugay niya sa girlfriend, "Super ano siya, super mom. Sobra. Super, totoo. And super bait niya kay Austin."

Diretso niyang papuri kay Ellen na nasa tabi niya: "So good job.”

Dagdag pa ni Derek, sa loob ng isang buwan nilang relasyon, marami na silang napuntahang lugar.

Aniya, “Nakapunta na kami sa Batangas, nakapunta na kami sa Caliraya, kung saan-saan na kami nakapunta.

"Not just kami... kasama si Elias, kasama ang friends namin. So…”

HOW DEREK AND ELLEN MET

Hindi naging madali sa PEP.ph na kumbinsihin sina Derek at Ellen na paaminin tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

At sa kauna-unahang sit-down interview ng dalawa bilang magkarelasyon ay inilahad nila kung paano sila nagkakilala at nagkapalagayang loob.

Sa simula ay kinumusta muna namin sila.

Sagot ni Derek, “Okay kami, we’re good. Di kami nag-aaway nang matagal.”

Sa unang attempt naming paaminin ang dalawa, isang malutong na halakhak lamang ang sinagot ni Ellen, sabay tanong niya, “Sa tingin mo?”

Continue reading below ↓

Sagot namin, “Action speaks louder than words.”

Pagsang-ayon ni Derek, “Totoo yun, that’s true.”

Nang mapansin naming kumportable na sila sa daloy ng usapan, inusisa namin kung paano sila nagtagpo at nagkakilala.

Biro ni Ellen, “Ini-stalk niya ako.”

Sabi naman ni Derek, “Wow, wow, wow.”

Seryosong dagdag ng aktor, “Talagang there’s no plan, e. Talagang blindside.

"Talagang it came out of nowhere.Totoo naman. Hindi ko siya kilala, may common friends kami.”

Pagtatama ni Ellen, “Uy, kilala mo na ako, but we don’t know each other personally.”

Paliwanag ni Derek, “Yeah, hindi, of course, kilala kita, Ellen Adarna.

“But hindi pa kami nagmi-meet ever. Dapat may movie kami dati, hindi natuloy.

“And we follow each other on Instagram. And then, meron siyang show with John Estrada.

"And so lumipat siya from Cebu and she lives, like, two streets down from me.”

Sa pagkakataong ito, ikinuwento ni Derek ang istorya sa likod ng kontobersiyal na dinner party sa kanyang bahay para sa mga kapitbahay niya noong Janruary 11, 2021.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “'Tapos, tinawagan ako one night ni John Estrada na kung gusto ko daw pumunta sa Shangri-La kung saan sila nagmi-meeting.

“Dumaan ako dun and na-meet ko siya [Ellen]. Na-meet ko si Ruffa [Gutierrez]. Ang sabi ni Ruffa, dito rin siya nakatira sa street mismo.

“Sabi ko, ‘Okay, I’ll throw a dinner for all of us. So, nagpa-dinner ako dito, so yun, dun kami nagkakilala.”

Sa dinner party na iyon pinaniniwalaang nagsimula ang pagkakamabutihan nina Derek at Ellen.

At makalipas ang mahigit isang buwan ay naging opisyal ang kanilang relasyon.

NEXT QUESTION PLEASE

Dahil isang buwan pa lang ang relasyon nina Derek at Ellen, masyado pang maaga para sabihing sila na hanggang sa huli at kung magtatagal ang kanilang relasyon.

Derek and Ellen on PEP interview

Continue reading below ↓

Pero para kay Derek, handa na siyang mag-level up mula sa kanyang pagiging bachelor.

Seryosong pag-amin niya, "Yeah, I mean, lahat naman ng tao or marami ang nagsasabi na hindi ko gusto magpakasal. Opinyon nila yun.

"Pero ako, gusto ko. Kaya ilang beses ko na sinasabi na gusto ko, ganun pa rin ang iniisip ng tao.

"Kaya nga sinabi ko, I'll have the last laugh because I know one day I’ll get married. For sure.

"Ayoko lang magpakasal sa tao na hindi pala yun ang tama para sa akin."

Diin pa ng aktor na tila patama sa mga naysayers: "I'll have the last laugh because I know one day I’ll get married."

Marami kasi ang nag-akalang magpapakasal na noon si Derek nang makarelasyon niya ang dating girlfriends na sina Joanne Villablanca at Andrea Torres.

Pero nauwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa mga ito.

Para sa aktor, patuloy pa rin niyang hinahanap ang tamang babae para sa kanya.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Di ba, ang dami na mga marriages na nangyayari, 'tapos they realized na they are not supposed to be married then separated.

"Ang marriage, di ba, supposed to be, this same infinite thing that walang hiwalayan.

"So, it’s no joke. That’s why I’m taking my time to make sure that I find the right one."

Tinanong din namin si Ellen kung si Derek na ba ang right one for her.

Pero natatawa niyang sagot: "Next question. please."

CRUSHING ON ELLEN

Well, ang next question namin ay nagli-livein na ba sila o nag-i-sleepover lamang ang aktres sa bahay ng aktor?

Mabilis na sagot ni Derek, natatawa, "No, hangout!" natatawang sagot ni Derek.

Noong hindi pa sila magkakilala nang personal, crush na ba ni Derek si Ellen?

Diretsong pag-amin ni Derek, "Of course, before pa. I followed her because of her jump rope.

"Ang galing niya mag-jump rope, ang galing niya mag-workout. I find it funny."

Continue reading below ↓

Dahil sa workout routine na ito ni Ellen, humanga raw si Derek sa pagiging totoong tao ng aktres dahil kahit pawisan ito ay hindi nahihiyang mag-post sa kanyang Instagram.

Aniya, "So, tunay na tao. Hindi yung itinatago niya yung tunay na pagkatao.

"I like how she is, straightforward. How she is. Wala siyang pakialam. Walang kiyeme-kiyeme. Kaya kami magkasundo."

Sabat ni Ellen, ganun din daw si Derek.

"He’s the same," maiksing sabi niya.

Derek Ramsay crushing on Ellen Adarna

Continue reading below ↓

Dagdag naman ng Kapuso actor, basta wala siyang nasasaktang tao, tuloy lang siya kung ano ang nakagisnan ng publiko sa kanya.

Saad ni Derek, "You’ve known me since how long, wala akong pakialam.

"Kahit idya-judge ako, gagawin ko pa rin. Uhm, it's my life and you should live your life the way you want to.

"Basta wala kang sinasaktan na tao. I think that’s why we get along so well."

Sa parte naman ni Ellen, hindi raw niya type noon si Derek. Nasabi na rin niya ito sa aktor.

Kuwento niya, "Hindi ko siya type dati sa pictures. Hindi talaga."

Pero nang nakilala raw niya ang ang aktor, "Yeah! 'Tapos nung nakita ko siya..." sabi ni Ellen na nakamuwestra na parang natulala.

"Sabi ko kay Jessa, 'Okay lang naman si Derek.'"

Si Jessa ang yaya ng anak ni Ellen na si Elias.

Sumabat naman si Derek sa usapan.

"Actually, totoo yun, ha. Pinuntahan ko sila sa Shangri-La, sabi ko, 'Hi.' Sabi niya..." nagmuwestra rin ang aktor na mukhang natulala.

Continue reading below ↓

"Palakad siya 'tapos biglang tumingin," muwestra ulit ni Derek na na nakatulala.

Ayon naman kay Ellen, "Pero hindi ko in-expect na guwapo pala siya. Shit."

Ano na ang plano nila ngayon?

"We are just enjoying," maiksi ngunit may kilig na sagot ni Ellen.

BASHERS AND SUPPORTERS

Hindi na rin raw apektado ang dalawa sa bashers, pero pakiusap lang daw ni Derek huwag naman sanang sobrang bastos ang bashers kapag nagkokomento ang mga ito sa kani-kanilang Instagram posts.

Couple Ellen Adarna and Derek Ramsay

Continue reading below ↓

Partikular na binanggit ni Derek ang komentong ito ng isang bastos na basher sa Instagram post ng aktor noong February 24: "Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang.. Tinikman mo."

Reaksiyon ni Derek dito: "I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen."

Ipinaliwanag ng Kapuso actor kung bakit niya ito sinagot.

Saad niya, "Sinagot ko yun kasi bastos yun, e. Puwede ka namang, you know, express your opinion kahit na hindi... negative siya sa amin.

"Pero there are proper way na sabihin, di ba? Ang daming words diyan na puwedeng gamitin. Goes to show kung anong pagkatao nila."

Para naman kay Ellen, wala na siyang magagawa kung paano mag-isip ang bashers nila.

Sabi niya, "Ganun mag-isip, e. I cannot change how they think and what they say.

"So, yun lang, di ba? I'm not going to argue. Ganun lang. YOLO [you only live once]."

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, maraming netizens ang kinilig at ayon kay Derek, "Mas maraming kinikilig kaysa nangba-bash."

Hindi rin mapigilang magparamdam ng kanilang kilig sa isa't isa ang dalawa habang kinakapanayam namin.

Tanong namin kay Ellen: masaya ba siya sa pagkakataong ito?

Balik-tanong niya, "Do I look like I am sad?"

Na sinegundahan naman ni Derek ng "Do I look like I am sad?"

Sumunod rito ang kanilang malulutong na halakhakan.

Dahil daw sa mga tanong ng PEP.ph ay pinagpapawisan sila kahit malamig ang aircon sa loob ng bahay ng Kapuso actor.

Kasunod nito, muling binalikan ni Derek ang topic tungkol sa bashers.

Sabi niya, "I mean, they’ll always be there. Kahit anong gawin mo, they’ll always be there. You can't make everybody happy."

Pagsang-ayon ni Ellen, "Yeah, if you have lovers, you have haters. So it's just a balance."

Sabi pa ni Derek, kung makapagbigay raw ng opinyon ang iba tungkol sa kanila ay parang ang lilinis ng buhay ng mga ito.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Pero yung iba diyan, kung at least nagbibigay kami ng joy na, sa mga opinions... Hindi nga siya opinion, e, kabastusan lang talaga, e.

"Kung masaya sila sa mga sinasabi nila, e, di sige. Continue do it, at least nakakatulong kami, nagiging masaya kayo."

Diin pa ng actor, "Uhm, but sad lang na isipin mo, ito na nga ang pinagdadaanan ng mundo ngayon, may pandemic, na ganun pa rin ang tao.

"It’s a time na dapat tayo magkasama-sama, magtulungan. But mas uunahin pa nilang maging bastos, nega.

"Okay na. Baka may pinagdadaanan."

Kasunod naming inusisa kay Derek ang opinyon niya dahil may mga taong inuungkat ang kanyang past relationships.

Saad niya, "Wow, alam niyo, sige, gusto niyo i-compare ang relationships ko sa lahat ng ibang [nakarelasyon ko], bilangin niyo ilan ang akin?"

Sinabihan namin siyang parang tatlo lang ang hayag na naging relasyon niya sa showbiz.

Sabi niya, "It's like every relationship is like... 'Andami niyang babae,' o ilang years yung mga relationships ko?"

Continue reading below ↓

Matagal ang mga relasyon ni Derek.

Anim na taon silang magkarelasyon ni Angelica Panganiban, halos limang taon sila ni Joanne Villablanca, at halos dalawang taon naman sila ni Andrea Torres.

Aniya, "O. That’s why people don’t think, time to actually think, about this before opening their mouth."

DEREK PROPOSES TO ELLEN

Isang buwan matapos nilang aminin ang relasyon sa PEP.ph, nag-propose si Derek kay Ellen.

May mga nabibilisan sa pangyayari. Mayroon ding masaya para sa kanila.

But after going through a lot pagdating sa pag-ibig, hindi panahon ng pagsasama ang mahalaga sa dalawa kundi yung pagkakataong makasama ang bawat isa.

Nang tanungin nga sila tungkol sa pakahulugan nila sa salitang "love"?

Ang sagot si Derek, "It's definitely not what the bashers say love is.

"Love is supposed to be complicated, love is supposed to be confusing.

"Get, get, get to find the thing you can actually find on love is. You just feel it.

Continue reading below ↓

"And if you find true love now, that I learn now. Iyan, that I like."

Masasabi ba ni Derek na "true love" niya si Ellen ngayon?

Tugon niya, "Yeah, that’s the thing. You can love, but if you find true love, you know, it’s there, sapul, pak."

Derek Ramsay with fiancee Ellen Adarna on PEP interview

Continue reading below ↓

Dagdag naman ng Kapuso actor, basta wala siyang nasasaktang tao, tuloy lang siya kung ano ang nakagisnan ng publiko sa kanya.

Saad ni Derek, "You’ve known me since how long, wala akong pakialam.

"Kahit idya-judge ako, gagawin ko pa rin. Uhm, it's my life and you should live your life the way you want to.

"Basta wala kang sinasaktan na tao. I think that’s why we get along so well."

Sa ngayon, ang aabangan ng marami ay kung kelan ang kasal.

And seeing how happy they are together, mukhang hindi na mag-aantay nang matagal.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on finding true love in Ellen Adarna: "That’s why I’m taking my time to make sure that I find the right one."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results