Jelai Andres rises above bullies, bashers, including an idol who made her cry

by Rommel Gonzales
Mar 17, 2022
Jelai Andres 30th birthday party
Jelai Andres on bashers: "Keep it up! Hindi, joke lang. Ano na lang, kailangan na lang natin intindihin, huwag na lang pansinin..." This photo was taken for her 31st birthday on February 12, 2021.
PHOTO/S: Nice Print Photo

Si Jelai Andres ay isang social-media personality na may 5.5 million followers sa Instagram at 7 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Ang kanyang ama ay isang Ilokano, at ang kanyang ina ay isang Bikolano na laki sa Maynila, pero ipinanganak at lumaki siya sa Bonifacio Global City.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga netizens na mas makilala pa ang content creator noong July 17, 2021, nang mag-guest siya sa Beshie Alert, ang YouTube channel ng talent manager niyang si Rams David.

Ayon kay Jelai, batang-kalye raw siya, naranasan niyang umakyat sa bubong ng kanilang bahay at pumalakpak para tumawag ng mga kalapati, maglaro sa baha at sa kanal, at kung anu-ano pa.

"Street-smart" ang paglalarawan niya sa kanyang sarili.

"Sobrang likot ko nung bata," sinabi pa ni Jelai.

Naranasan rin niyang maglaro ng patintero, Chinese garter, tumbang-preso, holen, at siyato—isang larong Pinoy na gumagamit ng dalawang patpat.

"'Tapos mga kalaro ko, mga lalaki."

Continue reading below ↓

ON BULLIES

Hindi raw na-enjoy ni Jelai ang kanyang high-school days dahil maraming nambu-bully sa kanya.

"Kasi ang liit-liit ko nun. Halibawa first year ako, aawayin ako ng mga fourth year. Halimbawa, kasi boyfriend niya may crush sa akin, pero batam-bata pa ako noon, aawayin ako.

"'Tapos mahilig talaga ako magsayaw, ako yung nagtuturo ng sayaw, ganun."

Hindi raw siya lumalaban sa mga umaaway sa kanya.

Hiningan ni Rams si Jelai ng mensahe para sa mga taong nam-bully sa kanya.

"God bless," ang unang sinabi ni Jelai. "Huwag kayong mam-bully kasi kasama siya sa hindi makakalimutan ng isang tao paglaki, yung ginagawa niyo. Mali ang mam-bully, huwag mam-bully."

May mga pagkakataon raw na iniyakan niya ang pambu-bully sa kanya, na umabot pa nga raw sa punto na may sumampal pa sa kanya.

At ang nakakagulat, ngayon ay Facebook friends ni Jelai ang mga nam-bully sa kanya noong araw.

"'Tapos nanghihingi sila sa akin ng video greeting," ang tumatawang kuwento pa ni Jelai.

Continue reading below ↓

Pinagbibigyan naman daw ni Jelai ang mga ito, at kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari noong bata pa sila.

"Natutuwa po ako na natutuwa sila sa mga nangyayari sa akin ngayon."

Ngayon, maraming beshies o matalik na kaibigan si Jelai. Maging sa showbiz raw ay may mga beshies siya.

Tinanong ni Rams si Jelai kung may nanakit na sa kanya na kaibigang celebrity.

"Merong mga nagpaiyak sa akin," pag-amin ni Jelai. "Meron din kasing mga bully na ibang... parang ganun. Pero siyempre, trabaho, tiisin mo na lang, kailangang pakisamahan mo pa rin kasi kahit may ginagawa sila sa iyong masama parang okay pa rin sa akin kasi parang gusto pa rin nila ako, ganun.

"Minsan, gustung-gusto ko pa siya, siya yung artistang gustung-gusto ko 'tapos pinaiyak niya ako," at natawa si Jelai.

"Pero mabait pa rin po ako sa kanila, hindi ako nakikipag-away sa kanila."

Hindi pinangalan ni Jelai kung sino ang tinutukoy niyang artista.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jelai, hindi niya makakalimutan ang sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang: "Hindi na baleng ikaw ang inaapi, huwag lang ikaw ang mang-aapi!"

Pero tinuruan din daw siya ng mga magulang niya na kapag sobra na ay kailangan rin namang ipagtanggol na ang sarili.

ON BASHERS

Bata pa raw siya ay mahilig na si Jelai sa pag-arte. Ilang beses siyang nanalong Best Actress sa mga theater plays na sinalihan niya noon.

"'Tsaka kapag may mga play-play, comedy talaga yung binibigay sa akin."

Pangarap raw talaga niyang maging artista.

Bilang isang sikat na social media personality, ano sa tingin ni Jelai ang responsibilidad niya sa kanyang mga followers at subscribers?

"Siyempre dapat role model ka sa kanila kasi ginagaya nila lahat sa iyo. Nai-inspire sa iyo ang mga tao so dapat laging maayos ang mga ginagawa mo, hindi ka nila nakikitaan na may matututunan silang masama sa iyo."

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa mga bashers?

Continue reading below ↓

"Ang mga basher hindi naman natin maiiwasan talaga. May gawin kang tama, may gawin kang mali, pag ayaw sa iyo, ayaw sa iyo."

Saka niya sinabi ang mensahe sa mga naninira sa kanya, "Siguro ano, keep it up! Hindi, joke lang.

"Ano na lang, kailangan na lang natin intindihin, huwag na lang pansinin. Minsan gawin mo siyang motivation, parang challenge. 'Sinasabi nito hindi ko kaya.'

"Gawin mo mas doble nang makita niya na, 'Ay, kaya niya!'

"Susunod kasi, iyang mga basher na iyan, love ka na rin nila.

"Kasi kahit ano'ng pilit nila sa iyo na galitin ka ng galitin, kapag hindi ka nagagalit, 'Ay!'

"Mapapagod rin sila, 'Ay, ang bait pala niya.'

"Sa susunod matatawa na sila sa ginagawa mo, matatawa na sila so mare-realize din nila. So yung mga hindi naman nakaka-realize ng ganun, e buhay naman nila yun, sila naman magdadala nun."

Kahit na may bashers ay marami rin siyang supporters at followers, na tinatawag niya "Mi Loves."

Continue reading below ↓

Kuwento ni Jelai, "Hindi ko naman sinasadya na 'mi loves' ang maging tawag nila sa akin, tawag ko yun sa pamangkin ko na nasa ibang bansa. May 's' talaga.

"Hanggang sa nung pino-post ko yung mga pamangkin ko, 'mi loves' tawag ko sa kanila, ang naging tawag na rin nila sa akin 'mi loves.' Konti na lang ang tumatawag sa akin ng Jelai.

"Kapag poging artista ang tumatawag sa akin ng 'mi loves,' iba ang feeling e, nakakalimutan ko na ako pala yung tinatawag," at tumawa si Jelai.

ON FUTURE PLANS

Bukod sa social media at showbiz, isa ring negosyante si Jelai.

Meron siyang Jelai Andres Perfume na siya mismo ang nagtimpla ng iba-ibang amoy na mabibili sa kanyang Facebook page at iba pang social-media accounts.

Pero kung siya ang tatanungin, nais rin niyang maging isang recording artist at sexy comedienne.

Dati raw ay may offer sa kanya na isang sexy na proyekto pero hindi niya tinanggap dahil hindi pa siya handa noon.

Continue reading below ↓

Ngayon raw ay handa na siya sa mga intimate scenes, "Pero comedy pa rin."

May pinagsisihan na ba siyang desisyon sa kanyang personal at propesyonal na buhay?

"Para sa akin, bilang isang tao normal sa atin na meron tayong pagsisisi, e. Yung sisi na, 'Dapat pala, sana pala.'

"Normal sa atin yung may ganun. Pero yung pagsisisihan mo talaga, na pinagdudusahan mo, siguro sa akin, wala. Kasi naniniwala ako na lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng... kahit nagdusa ka minsan or nahirapan, is nakaplano iyan ng Diyos.

"Preparation iyan para sa mas better na mangyayari sa iyo sa future. Iyon ang lagi kong iniisip. Kaya kahit na down ka ngayon, iniisip ko, 'Ah, bakit ito ginawa ni God?'

"Hindi mo minsan maintindihan, magku-question ka, e, 'Lord, bakit sa akin ito nangyayari? Hindi ko maintindihan.'

"Maiisip mo na meron itong dahilan. Kailangan alam mo, at matututunan mo kung bakit. At malalaman mo someday so wala akong pinagsisisihan kasi happy... minsan kahit hindi tayo happy, magiging happy ka din unti-unti at marami kang bagay na pagpapasalamatan at mararamdaman mo yung mga taong nagmamahal sa iyo."

Continue reading below ↓

Lumaki raw si Jelai na isang batang-simbahan, tumutugtog pa raw siya sa choir ng simbahan nila. Kaya ganun na lang ang pananalig niya sa Diyos.

Pagtuloy niya, "At saka ako po yung taong hindi ako madaling sumuko, e. Iniisip ko lagi na sa isang tao, kahit na may ginawa siya sa iyo, iniisip ko lagi na hindi, may mabuti dito, kaya niya ito.

"Mapag-intindi ako, e, pero kapag dumating ka na sa point na dinadasal ko na, 'Lord, ipakita mo sa akin kung mali na itong ginagawa ko.'

"Pero minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, 'Hoy, tama na!'

"Lagi akong ganun, lagi akong nagpe-pray, inaantay ko kaya tumatagal ng tumatagal."

Naging laman ng balita ngayong araw, March 17, si Jelai dahil sa pag-file niya ng concubinage sa estranged husband na si Jon Gutierrez.

Bukod sa concubinage, una nang naghain si Jelai ng reklamong paglabag sa Violence Against Women (VAWC) Act laban kay Jon.

Continue reading below ↓

Tuluyan silang naghiwalay noong March 2021 matapos ang tatlong taon nilang marriage at halos anim na taong relasyon.

Samantala, si Rams ay head ng Artist Circle Talent Management Services na namamahala sa showbiz career nina Jelai, Mosang, Mel Kimura, Ces Quesada, Duncan Ramos, Rico Robles, Teri Onor, DJ Durano, Carlos Agassi, mag-inang Wilma Doesnt at Asiana Doesnt, Jen Rosendahl, Boom Labrusca, BJ Forbes, Archie Alemania, Joshua Zamora, Miko Aytona, ang mga Sexbomb Girls na sina Aira Bermudez, Jopay Paguia, Mia Pangyarihan, Aifa Medina, Dang Cruz, at Shyr Valdez, among others.

Nasa pangangalaga rin ni Rams ang career ng mga batikang aktres na sina Celia Rodriguez, Chanda Romero, Odette Khan at Sheryl Cruz.

Ilan pa sa mga artistang naging parte ng buhay ni Rams bilang talent manager ay sina Maine Mendoza at Marian Rivera.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres on bashers: "Keep it up! Hindi, joke lang. Ano na lang, kailangan na lang natin intindihin, huwag na lang pansinin..." This photo was taken for her 31st birthday on February 12, 2021.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results