“Hipon Girl” Herlene Budol: maagang natikman ang saya at pait ng showbiz

by KC Cordero
Aug 1, 2021
After two years sa showbiz, natuklasan ni Herlene Budol o "Hipon Girl" na hindi talaga permanente ang kapalaran sa TV industry. Matapos na pagpahingain siya sa Wowowin (L), inamin niyang walang-wala siya ngayon.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

Unang ngumiti ang magandang kapalaran kay Herlene Nicole Budol, 21, nang sumali siya sa noong May 2019 sa Wowowin na umeere sa Kapuso network.

Nakilala siya sa showbiz industry bilang si "Hipon Girl."

Doon pa lang ay obvious agad ang kanyang pagiging kikay at confident.

Nang tanungin siya ni Willie Revillame, host ng Wowiowin, kung maganda siya, ang sagot ni Herlene, "Hindi ako sure. Sabi nila, seksi ka lang. Shrimp nga ang tawag nila sa akin.”

Ayon sa Urban Dictionary, "hipon" ang tawag sa isang tao na may "nice body but an ugly face."

Paliwanag pa ni Herlene, "Di ba, kapag kakain ka ng hipon, tatanggalin mo iyong ulo, kakainin mo iyng katawan?"

Kaya umpisa noon ay "Hipon Girl" na ang itinawag kay Herlene.

Agad nag-viral ang dalaga, at iyon ang naging daan para maging co-host siya sa Wowowin.

Continue reading below ↓

HIPON GIRL'S FAMILY

Tubong Angono, Rizal, isinilang si Herlene noong August 23, 2000.

Kumukuha siya ng kursong B.S. Tourism Management nang sumali sa Wowowin.

Sa panayam sa kanya sa vlog ng Kapamilya actress-TV host na si Toni Gonzaga noong July 25, 2021, galing daw ang Herlene sa pinagsamang pangalan ng kanyang parents.

Herber ang kanyang ama, Len-Len naman ang kanyang ina.

Hiwalay na ang kanyang mga magulang simula noong bata pa siya.

Siya lang ang naging anak ng kanyang ama, habang may tatlo naman siyang kapatid sa ina.

Lumaki si Herlene sa kanyang lolo at lola, at hanggang ngayon ay ang mga ito ang kasama niya sa bahay.

Continue reading below ↓

HOW HIPON GIRL ENTERED SHOWBIZ

Ayon kay Herlene ay iba’t ibang trabaho na ang napasok niya bago siya naging co-host ng Wowowin.

Aminado siyang ever since ay raketera na siya.

Sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2019, ang kuwento niya, "Okey naman ang buhay ko, nakakakain ako ng tatlong beses isang araw.

"Pero siyempre, hirap. Hirap kung saan kukunin, kung saang lupalop ka kukuha ng pangkain…

"Dati kasi, raketera lang ako, hindi ako umaasa na sa isang buwan, meron akong ganito [suweldo].

"Ngayon kasi, regular na."

Noon ay naging tagapayong o umbrella girl siya ng mga naglalaro ng golf.

Naranasan rin niyang maging tindera sa palengke.

Nagtrabaho rin siya sa kanilang munisipyo, at naging crew ng isang coffee shop sa Angono.

Dahil sa kanyang height na 5’ 9” at seksing katawan ay isinasali rin siya ng kanyang ina sa mga beauty pageant.

Tinanghal siyang "Binibining Angono in Sining" noong 2017.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

HIPON GIRL AS ONE OF WILLIE REVILLAME'S CO-HOSTS IN WOWOWIN

Malaki ang naging pasasalamat niya kay Willie Revillame na siyang nagbigay sa kanya ng break sa telebisyon.

Pahayag niya noon sa panayam pa rin ng PEP.ph, "Sobrang thank you ako. Sobrang thank you talaga ako kay Sir Willie.

Hindi umano niya ito nasabi sa TV host, pero sa palagay niya, "Siguro si God, ginawa si Sir Wil para sa akin.”

Dahil rin sa TV host kaya na-experience ni Herlene ang unang out-of-the country trip niya at unang pagsakay sa eroplano.

Aniya, "Actually, lahat ng first time ko, sa Wowowin ko na-experience.

“Dati sa tricycle lang ang sinasakyan ko, saka mga jeep, pedicab. Ngayon, naka-airplane na ako, private airplane.”

Continue reading below ↓

Mula nang maging bahagi ng Wowowin ay lumabas na rin siya sa ibang TV program ng Kapuso.

Una siyang gumanap bilang Jenny na isang OFW sa episode ng Magpakailanman noong November 31, 2019.

Iyon din ang taon na naging bahagi rin siya ng seryeng Madrasta, at nakasama sa One of the Baes.

Naglabas din siya ng single na “Talikodgenic Man Ako" noong August 23, 2019.

THE CONTROVERSIES SURROUNDING HIPON GIRL

Gaya ng ibang celebrity ay hindi ligtas si Herlene sa kontrobersiya.

Noong December 18, 2020 ay naging guest si Miss Manila Alexandra Abdon sa Wowowin, at dito ay pinagharap silang dalawa.

Nagsagutan sina Alexandra at Herlene kung sino sa kanila ang mas maganda, mas sosyal, mas sexy, at mas angat.

Dito ay nabanggit ni Alexandra ang pagiging “squammy” o “iskwater” ni Herlene.

Sagot ni Herlene, hindi niya ikinahihiya ang pagiging iskwater.

Nakarating din sa kanya ang pagtawag sa kanya ni Alexandra ng “iskwater” sa isang event na pinagsamahan nila kamakailan.

Continue reading below ↓

Pinag-ayos naman ni Willie sina Herlene at Alexandra.

Na-bash ng netizens si Alexandra, na sinabing scripted lang ang naging talakan nila ni Herlene sa show.

Samantala, napabalita ring nabuntis ni Willie si Herlene.

Sa isang portion ng Wowowin noong July 1, 2021, habang namimili ng lucky online winners si Willie sa TV screen, napahinto siya nang makita ang larawan ni Herlene sa screen.

"Sandali, iki-clear ko lang, si Hipon ‘to,” ani ng TV host.

“Si Hipon, natsitsismis ho, e, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw.

“Hindi ho totoo iyan. Fake news ang ginagawa niyo.”

Sa panayam naman kay Herlene ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras noong July 14 ay ipinakita ng dalaga ang kanyang flat na tiyan bilang patunay na hindi siya buntis.

Reaksiyon niya sa tsismis, “Hello? Buntis? Sa tingin niyo papatulan ako ni Kuya Wil?”

Continue reading below ↓

HIPON GIRL AFTER WOWOWIN

Nang pumutok ang pandemya ay isa si Herlene sa mga naapektuhan ang hanapbuhay. Kasama siya sa iba pang staff ng Wowowin na inalis muna sa show.

Ikinuwento niya sa vlog ni Toni Gonzaga na dahil sa pandemya ay naubos na ang PHP100,000 na inipon niya noong co-host pa siya ng game show.

“Buti nga nag-ipon ako, kung hindi, wala, patay na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na ito.

“Hindi alam ng lolo’t lola ko na nag-ipon ako. 'Tapos, gate pa lang ang napapagawa ko sa bahay namin, hindi man lang pumasok ng bahay.

“Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa]. Talagang walang-wala.

"Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na.

"Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami.

“Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga kasi sa akin lahat umaasa talaga ang pamilya ko.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Naging kampante din po ako, naging parang mali din po ako. Naging kampante po ako.

“Akala ko may pagkukunan pa ako pagkatapos ng Wowowin, wala po talaga.

"Nahihiya nga po ako kapag may nanghihingi ng tulong sa akin, wala akong maibigay kasi wala din po ako.

"Hindi ko masabi sa kanila na ako nga walang nabibili para sa sarili ko."

Sa ngayon ay nagba-vlog si Herlene. Tinuruan siya ni Alex Gonzaga, kapatid ni Toni, pero hindi pa raw siya kumikita sa vlogging.

Nagta-try din siya ng online selling ng kanyang mga damit at makeup.

Continue reading below ↓

Bilang tulong naman sa dalaga, ang kikitain ni Toni sa kanyang YouTube channel sa naging interview kay Herlene ay ibibigay niya nang buo kay Herlene.

Pinayuhan rin niya si Herlene na bata pa ito, marami pang opportunity ang darating at magiging magandang muli ang takbo ng kapalaran para kay Hipon Girl.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After two years sa showbiz, natuklasan ni Herlene Budol o "Hipon Girl" na hindi talaga permanente ang kapalaran sa TV industry. Matapos na pagpahingain siya sa Wowowin (L), inamin niyang walang-wala siya ngayon.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results