Who is Representive Claudine Bautista?

by KC Cordero
Aug 19, 2021
Mula sa pamilya ng mga pulitiko, maagang nagkainteres si Representative Claudine Bautista na pasukin ang public service, at naging Davao del Sur Sangguniang Kabataan Federation president noong siya ay 15 years old. Photo courtesy of DUMPER PTDA Partylist FB

Talk of the town ang kasal ni Representative Claudine Diana "Dendee" Bautista at ng kanyang childhood friend at schoolmate na si Jose French “Tracker” Lim.

Si Bautista ang kinatawan ng party list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER sa mababang kapulungan.

Ginanap ang wedding sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon nitong Agosto. May ulat na nagkaroon na ng civil wedding ang couple noong February 2021.

Bukod sa magarang venue na dinisenyo ng celebrity event stylist na si Gideon Hermosa, pinuna rin ng netizens ang wedding gown ni Bautista na likha ng sikat na international fashion designer na si Michael Cinco.

Noong August 15, naging laman siya ng balita dahil maging mga artista ay nagkomento tungkol sa enggrande niyang kasal.

Kahapon, August 18, nag-apologize si Enchong Dee dahil sa kanyang reckless tweet, kung saan sinabi niyang, "The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise."

Continue reading below ↓

Marami tuloy ang nagkainteres tungkol sa buhay ng mambabatas.

Sino si Claudine Bautista?

CLAUDINE BAUTISTA IS FROM A FAMILY OF POLITICIANS

Isinilang si Claudine Diana "Dendee" D. Bautista sa Davao City noong December 2, 1985.

Panganay na anak siya ni Governor Claude Bautista, ang pinakauna at incumbent governor ng Davao Occidental.

Pamangkin siya ni Representative Lorna Bautista-Bandigan ng lone district ng nasabi ring probinsya.

Sa Davao City lumaki si Dendee. Ayon sa profile niya sa Philippine Star, tinuruan siya ng kanyang ama ng mga laro at aktibidad na panlalaki gaya ng billiards, basketball, pagmomotorsiklo, at pagmamaneho.

Ang naging training niya sa ama, ayon sa kongresista, ang naging daan para makaya niya ang mga responsibilidad at aktibidad na karaniwang ibinibigay sa kalalakihan.

Pagbabahagi niya, “He taught me how to speak in public and how to speak with the public. I was also heading the family business.”

Noong 2005, nagtapos siya ng Hospitality Management sa L’Institut de Hautes Etudes Glion sa Glion, Switzerland.

Nag-aral din siya ng BS Entrepreneurship sa Ateneo de Davao University at nag-graduate noong 2013.

HOT STORIES

CLAUDINE BAUTISTA ENTERS POLITICS AT AGE OF 15

Dahil lumaki sa pamilya ng mga pulitiko, maagang nagkainteres si Dendee na pasukin ang public service.

Tumakbo at nanalo siya bilang Sangguniang Kabataan Federation president sa Davao del Sur noong siya ay 15 years old.

Nang manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City noong 2011, isa siya sa mga volunteers na lumahok sa Habitat for Humanity para muling itayo ang mga bahay ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

Nang ang bagyong Pablo naman ang tumama sa Davao de Oro noong 2012, pinangunahan ni Claudine ang isang fundraising campaign kasama ang Habitat for Humanity para magsagawa ng relief operations para sa mga biktima ng bagyo.

Kalaunan, siya ang nahirang na Habitat for Humanity Philippines ambassador sa Davao at sa CARAGA Regions.

Continue reading below ↓

Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ang pagtatayo ng mga classrooms and mini libraries sa mga public schools sa Davao.

Nang maging opisyal na lalawigan ang Davao Occidental noong 2013, naging aktibo si Dendee sa mga isyung pangkababaihan doon.

Siya ang naging provincial head ng Women’s Council of Davao Occidental at napaulat na nagtrabaho para sa mga kababaihan ng lalawigan kasama ang kanyang ama, na nanalo bilang governor noong 2016 at muling nahalal noong 2019.

Continue reading below ↓

Siya ang naging first nominee ng DUMPER-PTDA party list at naupo bilang baguhang kongresista noong 2019.

Pahayag niya sa isang artikulo na lumabas sa local news website na Edgedavao, “I truly understand the life of a driver and their economic conditions.”

Sa nasabi ring artikulo ay binanggit na nagtapos si Dendee ng International Politics and Military Strategies program sa London, England sa tulong ng PrimApp, isang consultancy firm na ang espesyalisasyon ay tungkol sa student placement and travel assistance abroad.

“Our objective is toward uplifting their conditions by instituting a comprehensive reform and program,” aniya.

“It will also offer protection for drivers such as accident insurance and free legal assistance.”

CLAUDINE BAUTISTA BILANG MAMBABATAS

Batay sa datos ng House of Representatives website, si Dendee ang kasalukuyang vice chairperson ng Committee on Transportation at assistant majority leader ng Committee on Rules.

Continue reading below ↓

Miyembro rin siya ng lima pang committee: Creative Industry and Performing Arts, Games and Amusements, Good Government and Public Accountability, Legislative Franchises, and Sustainable Development Goals.

Sa nasabi ring profile niya sa website ng congress.gov.ph, nakatala siya bilang principal author ng halos 80 house bills at co-author ng 38 bills.

Karamihan sa mga panukalang batas na nabigyan siya ng kredito bilang may akda ay pawang may kaugnayan sa mga isyung pangtransportasyon at kapakanan ng public utility drivers.

Kabilang dito ang HB 05029 o “An Act Establishing The Professional Driver's Academy,” HB 05988 o “An Act To Protect And Promote The Rights Of Public Utility Drivers," HB 05992 o “An Act Defining And Protecting The Rights And Duties Of Commuters Using Public Utility Vehicles," at iba pa.


Continue reading below ↓

Samantala, noong 2020, isa siya sa 70 kongresista na bumoto para huwag pagkalooban ng extension ang legislative franchise ng ABS-CBN.

CLAUDINE BAUTISTA ON BASHING

Matapos ang kanyang termino bilang SK Federation president ay nagpahinga muna siya sa pulitika.

Ilang buwan bago ang 2019 elections, sa edad na 33 ay muli siyang nagbalik sa public service.

Ayon kay Dendee, isa sa mahalagang aral na natutunan niya sa paglaki sa loob ng isang political family, lalo ngayon na isa na rin siyang public servant, hindi lahat ng tao ay matutuwa sa iyo.

Sabi niya sa panayam ng Philippine Star, “Regardless of your good intentions, some people will always have something to say.

“It is vital that you should take other comments as constructive criticism and a motivation to do better at your job.”

Natutunan niya na ring hindi maapektuhan ng opinyon ng iba. “And should it affect you, it should affect you in a positive way.

Continue reading below ↓

“Disregard any negative vibes that will affect your peace of mind.”

Kaya siguro sa kabila ng mga batikos sa kanya sa social media, tahimik lang siya sa isyu.

Nag-repost lang si Dendee sa kanyang personal Facebook account ng announcement mula sa Facebook page ng DUMPER PTDA Partylist tungkol sa pakikipagtulungan nito sa LGU ng Davao sa isinagawang pagbabakuna para sa PUV drivers.

Nilagyan niya ito ng caption na, "Successfully delivered for our PUV sector."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pamilya ng mga pulitiko, maagang nagkainteres si Representative Claudine Bautista na pasukin ang public service, at naging Davao del Sur Sangguniang Kabataan Federation president noong siya ay 15 years old. Photo courtesy of DUMPER PTDA Partylist FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results