Tito Sotto: from Senate President to Vice President?

by Arniel C. Serato
Sep 28, 2021
Tito Sotto PEPtionary
Senate President Vicente "Tito" Sotto III on his bid to be the country's next vice president: “It may sound corny to others but one of the reasons is love of country."
PHOTO/S: Courtesy: Vicente Tito Sotto on Facebook

For love of country!

Iyan ang pangunahing rason ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 73, kung bakit siya tatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 presidential and local elections.

Ang kanyang running mate ay ang kapwa mambabatas na si Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang September 8, 2021, pormal na inilunsad ng dalawa ang kanilang pagsabak sa pagtakbo sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

From showbiz to senate to vice president na nga ba ang itinadhana para kay Tito, na kilala rin bilang si Tito Sen?

EARLY LIFE AND SHOWBIZ

Ipinanganak noong August 24, 1948 si Tito.

Continue reading below ↓

Ang kanyang mga magulang ay sina Marcelino Antonio Ojeda Sotto at Dr. Herminia Castelo Sotto.

Siya ay may tatlong kapatid: sina Val Sotto, Marvic “Vic” Sotto, at Marcelino Antonio Sotto, Jr.

Continue reading below ↓

Nag-aral si Tito ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts (English major).

Itinatag niya ang bandang VST & Co. noong 1977, ang bandang nagpasimula ng Manila sound.

Kabilang din siya sa pioneers ng Eat Bulaga! kasama sina Vic at Joey de Leon.

Continue reading below ↓

Napangasawa niya si Helen Gamboa, na tinuturing na isa sa mga movie queens ng bansa.

Meron silang apat na anak: sina Romina, Diorella Maria, Gian Carlo, at Ciara Sotto.

Continue reading below ↓

POLITICAL CAREER

Noong 1988, nahalal si Tito bilang vice mayor ng Quezon City.

Sa kanyang termino, itinatag niya ang Vice Mayor's League of the Philippines, isang organisasyon na nagbubuklod sa lahat ng mga bise-alkalde sa buong Pilipinas.

Noong taon ding yun, nakilala niya ang mayor ng Davao City, ang ngayo’y Pangulo na ng bansa na si President Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Sotto sa panayam sa kanya ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “1988 nung mag-vice mayor ako, yung tinatatag ko yung Vice Mayor’s League of the Philippines. Ang ginagawa kong vice president for Mindanao ay si Jun Zuño, vice mayor ng Davao...

“So, nung nagpunta ako ng Davao, ipinakilala ako ni Jun Zuño kay Mayor Duterte, nag-usap kami. Pareho kami ng advocacy. Naging magkaibigan kami.”

Taong 1992, tumakbo siyang senador at nanalo.

Continue reading below ↓

Tumakbo muli siya bilang senador noong 1998 at nanalo para sa kanyang pangalawang termino hanggang 2004.

Taong 2007, muli niyang sinubukang tumakbong senador sa ilalim ng Team Unity ngunit hindi siya pinalad.

Ang Team Unity ay ang koalisyon ng mga partidong Lakas-CMD, LP, LDP, at PDSP para sa labindalawang kandidatong senador sa mid-term elections noong taong iyon.

Continue reading below ↓

Noong panahong yun, hindi raw talaga siya naniniwala sa survey.

Dagdag pa ni Senate President Sotto, “Nung 2007, hindi pa rin ako naniniwala sa survey. Nagkasabit-sabit nga yung Team Unity dahil dun, e, dahil hindi naniniwala sa survey.”

Tumakbo muli siya noong 2010 at masuwerteng nasungkit ang kanyang ikatlong termino bilang senador.

Noong 2016 elections, nahalal siyang muli bilang senador, ang kanyang ikaapat na termino sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

THE VICE PRESIDENTIAL RUN

Nitong kalagitnaan ng taong 2021 nagsabi si Senator Sotto na tatakbo siyang vice president ng bansa para sa 2022 Presidential and Local Elections.

Kuwento pa niya sa isang panayam sa radyo noong July, “It may sound corny to others but one of the reasons is love of country.

"Ang tanong natin, saan ba papunta ang Pilipinas?

“Meron ka bang programang maganda para ika nga, e, put the country back on track? Meron ba tayong programang magagawa na mas makakabuti para sa bansa?

Continue reading below ↓

"Yun, e, patong-patong na.

“Siguro nung nag-consultative meeting naman kami at yung ibang mga kasama namin, hindi lang kasama kundi mga consumer group—merong commuter groups, alumni na mga kumakausap sa amin—tingin nila, yung mga programa namin saka yung background, tulad ng pagiging consensus builder ko at pagiging straight fighter ni Senator Lacson, PNP Chief at saka ng pagiging sundalo hanggang siya’y matungtong sa Senado, is a very good combination.

"So, finally, ni-layout na namin yung programa.”

Sa formal launching ng kanilang kandidatura noong September 8, nangako siyang sisikapin nilang simulan na muli ang pagbangon ng bansa sa pagkalugmok daw nito.

“Ako po ay humaharap sa inyo upang hingin ang inyong tiwala. Tiwala na babangon muli ang bansa.

"Tiwala na magkakaroon muli ng pag-asa ang inyong matibay na paniniwala na sa pagsasama-sama ay kakayanin nating ipanumbalik ang tiwala natin sa ating mahal na bansang Pilipinas.

“Humaharap po tayo sa mga matitinding suliranin, bagsak ang ekonomiya, pagkalat at pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa, laganap na korapsyon, paghihirap ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

"At, gaya ng dati, ang mga ordinaryong tao, ang mga salat sa karangyaan, ang mga dukha, ang mga mahihirap, ang nakararanas ng matitinding pagdurusa.

"Ngunit ang mas malubhang problema ay kawalan ng pag-asa.

“Marami sa atin ay hindi na alam kung kanino na magtitiwala o kung ano ang paniniwalaan.

“Marahil dumating na tayo sa punto na hindi na natin kayang ipagsawalang-bahala na lang ang mga nangyayari sa ating gobyerno, sa ekonomiya.

"Tama na, kailangan na nating tumugon. Kailangan na nating umaksyon. Kailangan na nating magsanib-puwersa upang mapigilan at maitama ang mali.

"Ito na ang simula!"

"MAY THE BEST MAN WIN"

Sa ngayon, may tatlo nang nagdeklara ng kanilang kandidatura sa pagka-presidente: sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Lacson, at Senator Manny Pacquiao.

Makakatapat naman ni Tito Sen si Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections. Bukod kay President Duterte ay makakalaban din ni Senator Sotto si Dr. Willie Ong.

Continue reading below ↓

Ayon pa rin sa panayam ng PEP.ph at iba pang entertainment press kay Tito Sen, matagal na silang magkaibigan ni Pangulong Duterte.

Saad niya, “I’ll set the record straight, siguro sa mga pulitiko ngayon sa Pilipinas, ako na yung pinakamatandang kaibigan ni President Duterte, I mean, pinakamatagal.”

Dagdag pa niya, ngayong Presidente na si Duterte at siya naman ang tagapamuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, hindi maiiwasang may mga isyu silang hindi napagkakasunduan.

Saad niya, “Ngayon, nagkataon na naging Senate President ako, Pangulo siya ng Pilipinas, yung karamihan ng mga programa niya na sinasabi ay sumasang-ayon naman ako, e. Pareho nga kami ng advocacy.

“Lately, hindi mo masasabi na ako naman ay kumontrang bigla. Hindi, e.

"Kumukontra ako sa mga isyu na mali, katulad nung problema sa DOH [Department of Health], yung problema sa mga procurement, e, hindi kami...

"Dun ako nakakontra, hindi ako nakakontra sa pagkakaibigan.

“Magkaibigan pa rin kami, siguro naman alam nila yun.”

Continue reading below ↓

Pahayag ng Tito Sen tungkol sa pagtatapat nila ni Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections, “Ngayon, kung kami magkakaharap, a, wala naman siyang mariring na masamang salita sa akin.

“At ako naman, umaasa na wala naman siyang sasabihing masama tungkol sa akin. Nagkataon lang na ganun. May mga kaibigan talaga na nagkakatapat, e.

"May the best man win.”

TELEVISION

1994–2000

  • Brigada Siete (GMA)

1994–1997

  • Mixed N.U.T.S. (Numero Unong Terrific Show!) (GMA)

1994–1995

  • Rock and Roll 2000 (ABC-5)

1992–1993

  • TVJ on 5 (ABC-5)

1991–1993

  • TVJ: Television Jesters (IBC-13)

1987–1989

  • Hapi House! (IBC-13)

1979–present

  • Eat Bulaga! (RPN-9, 1979–1989; ABS-CBN, 1989–1995; GMA, 1995–present)

1978–1988

  • Iskul Bukol (IBC-13)

1976–1977

  • Student Canteen (GMA)

1975–1976

  • Discorama (GMA)

FILMS

1979

  • Al Magat's Mang Kepweng A Dwende

1980

  • Mr. One-Two-Three Juan
  • Iskul Bukol (Freshmen)

1981

  • Age Doesn't Matter Also composer
  • Mr. One-Two-Three Part 2
  • Iskul Bukol 2 (Sophomore)

1985

  • Ma'am May We Go Out?
  • I Have Three Hands
Continue reading below ↓

1986

  • Horsey-Horsey, Tigidig-Tigidig
  • Send in the Clowns Robin

1987

  • Ready! Aim! Fire!

1988

  • Fly Me to the Moon
  • Smith & Wesson

1989

  • Aso't Pusa

1994

  • Bawal Na Gamot

2006

  • Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and On and On

2008

  • Iskul Bukol 20 Years After: The Ungasis and Escaleras Adventure

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Vicente "Tito" Sotto III on his bid to be the country's next vice president: “It may sound corny to others but one of the reasons is love of country."
PHOTO/S: Courtesy: Vicente Tito Sotto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results