Watch Now

Bambbi Fuentes recounts "walang bayad" days as make-up artist

by Melba R. Llanera
Mar 24, 2022
Bambbi Fuentes
Beauty expert Bambbi Fuentes on managing her newbie talents: "Baka akala nila full of glam lang ito, baka di nila alam hard work ito... Yun ang ini-impart ko sa kanila. Be nice to everyone... How to discipline themselves... There is no easy way. Mahirap ang showbiz. It takes time."
PHOTO/S: @bambbifuentes Instagram

Higit dalawang dekada nang make-up artist to the stars si Bambbi Fuentes.

Ang sikreto sa kanyang pagtagal sa industriya: pagmamahal sa trabaho.

Lahad ni Bambbi, "Siguro I love my work more than anything else kasi I'm passionate about it. Saka siguro I never get tired of doing make-up.

"Parang nakaka-inspire kasi every time na nagme-make-up ako, iba-ibang face, iba-ibang personality.

"I tend to have a lot of friends because of them. Nagiging friends ko sila after."

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binalikan din ni Bambbi kung paano siya nagsimula at kung paano niya narating ang estado niya sa ngayon.

"Nung college, nung nag-aaral pa ako, mine-make-up-an ko ang mga kaklase ko sa prom, sa ball, basta may kaunting ilaw, nagme-make up na ako dun.

"College na mismo, I started subscribing to Vogue magazine. Inaaral ko na, binabasa ko na ang lahat, nauubos ang pera ko.

"Make-up ako nang make-up kahit sino, along the way nagme-makeup, siyempre walang bayad. Para akong lawyer, pro bono."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHOWBIZ CELEBRITIES AMONG EARLY CLIENTS

Ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen ang mga naunang kliyente ni Bambbi, at nagkasunud-sunod na ang mga artistang nagtiwala at kumuha sa kanya bilang make-up artist ng mga ito.

"Kay Gelli de Belen saka kay Janice, we became super friends. One thing led to another. Nag-make-up ako kay Dawn Zulueta, napunta ako kay Dina Bonevie...

"Napunta ako kay Michelle Aldana, napunta ako kay Dindi Gallardo, Kris Aquino... up itong huli si Marian Rivera. Ninang ako ni Zia, di ba?"

Si Zia ang panganay na anak ni Marian at Dingdong Dantes.

"One thing I can be proud of siguro, naging personal make-up artist ako during that time ng mga superstars."

Kung ang ibang mga nagsimulang make-up artists ay nakaranas kung paano masupladahan ng mga artista, naging istilo naman ni Bambbi na iwasan iyong mga mataray ang imahe para di makuha ang kanyang serbisyo.

"Kasi kapag alam kong pag may ganitong reputation ang artist na ito, I tried to avoid na mag-meet kami. Let's say in a party, I will try to avoid them para di ako matarayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag may naririnig naman akong superstar na may pagkamaldita, kinukuha ako—let's say itong isang make-up artist na ito binurahan ng makeup—I turn them down politely.

"Iwas ka na lang kaysa kami naman ang magka-encounter."

Bambbi Fuentes, Janice de Belen, Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez

BECOMING A TALENT MANAGER

Sa kasagsagan ng COVID-`19 pandemic nabuo ni Bambbi ang Dragon Talent Management, ang pag-aari niyang talent management company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binubuo ito ng 21 talents na masusi niyang pinili at hinihinang ang talento bilang artista.

READ: Bambbi Fuentes, ipinakilala mga alagang showbiz newbies kabilang ang apo ni Rosanna Roces

Kuwento niya, "Last year I was.able to be productive. Nakapagpatayo kami ng Dragon Talent Management.

"We're able to select talented, beautiful newbies na hopefully magkaroon ng name sa industry.

"It all started with one talent na galing siya sa isang agency... Sabi ko, 'Why don't we put up a management group?'

"That was February last year. I was doing nothing, I was idle, wala akong make-up, wala akong appointment. All my weddings, all my appointments were cancelled."

Sa halip na matengga sa trabaho, nag-isip ng ibang negosyo si Bambbi.

"Di ako puwedeng maging ganun. I don't wanna be idle.

"Saka I've been in the business for almost twenty five years na. I had worked with the superstars so more or less may idea ako how they should act, how they should look...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So alam ko na yung idea ng peg, so yun ang mga hinanap ko na quality ng mga artista.

"Ang tagal ko na, I'm nothing naman for being in the industry for more than twenty years 'tapos wala akong natutunan, di ba?

"Yun na nga, we auditioned [talents], we went to Pangasinan to search for beauty queens."

Ibinabahagi ni Bambbi ang mga natutunan niya sa industriya sa mga baguhang artista na pinapakilala niya sa showbiz ngayon.

"Baka akala nila full of glam lang ito, baka di nila alam hard work ito... Yun ang ini-impart ko sa kanila.

"Be nice to everyone... How to discipline themselves... There is no easy way. Mahirap ang showbiz. It takes time.

"Alam niyo naman yun, there are a lot of sikat ngayon, di nila nare-realize, ten years ago pa pala yun nag-start. Nabigyan lang ng break, ten years after.

"You have to be patient, you have to hone your craft," paliwanag ni Bambbi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "I also believe that show business is fate. It's either you have it or not.

"Puwede rin naman you [are destined to be a star] pero tamad ka. You can blow it away.

"Kailangan yung discipline, di siya nawawala."

Bambbi Fuentes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

producing movie starring janice

Bukod pa sa pagma-manage ng mga baguhang artista, nag-produce din si Bambbi ng pelikula sa tulong ng kaibigan niyang movie director na si Danni Ugali,

Ito ay ang short film na Sugat sa Dugo (2021) na pinagbidahan ni Janice de Belen kasama ang ilang Dragon Management talents.

Nanalo si Janice bilang Best Actress sa short film category ng 2021 Film Festival Manhattan dahil sa role niya roon.

Inspirasyon ng proyektong iyon ang pagkamatay ng best friend niya na mayroong AIDS.

Lubos na nagdalamhati noon si Bambbi nang magkatipun-tipon siya at ilang close friends sa San Francisco.

"Tamang-tama, a friend of mine is a mayor in a town in San Francisco. Wala kaming mapuntahan na place, nag-drink kami sa bahay.

"You know naman when you gather brains together, we came out with a productive idea.

"Sabi ko, 'I'll make na lang AIDS an advocacy.' Kasi ang advocacy ko talaga is home for the aged."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob lamang ng isang linggo ay nakasulat daw si Bambbi ng script.

"Actually, intended yun for YouTube lang. It's a 10-minute advocacy film.

"Then when I finished the script, sabi ni Direk Danni, 'Bambbi, di pang-10 minutes ang material mo, it's too nice to be a 10-minute film.'

"Sabi ko, 'What should I do? Ilang minutes ba iyan?' 'More or less 40 minutes.'

"We don't have the funds. Kung di pandemic, I can easily make money, pero pandemic ito, everybody is looking for money."

Humingi ng financial help si Bambbi sa mga malapit na kamag-anak at kaibigan.

"Unang nagbigay pamilya ko from the States. Until we were able to [raise] enough [funds].

"And then we started shooting in Cavite, lock-in for four days."

Malaki ang pasasalamat ni Bambbi na nag-yes si Janice sa proyekto.

"Fortunately, natapos namin siya ng walang problema and Janice de Belen agreed to do her part to be the mother of the kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because of Janice, nagmukhang malaki ang pelikula even though lahat ng kasama niya newbies.

"From Dragon artists ang mga yun, pero I can proudly say na lahat sila magagaling na," pagmamalaki ni Bambbi.

"Pinadala namin sa international film festival, sa Manhattan Autumn 2021, and fortunately Janice won as Best Actress.

"Actually, we didn't expect [that recognition] because when we were doing the film, ang nasa isip ko lang is to impart HIV awareness to the audience, sa mga bata [her talents], at saka yung mga bata ma-experience how to be in a film.

"Nung nanalo si Janice, super thank you Lord, it's a bonus."

Bambbi Fuentes, Janice de Belen, Sugat Sa Dugo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty expert Bambbi Fuentes on managing her newbie talents: "Baka akala nila full of glam lang ito, baka di nila alam hard work ito... Yun ang ini-impart ko sa kanila. Be nice to everyone... How to discipline themselves... There is no easy way. Mahirap ang showbiz. It takes time."
PHOTO/S: @bambbifuentes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results