Watch Now

Pearl Gonzales on dealing with "tsararat" bashers, showbiz comeback, and pageant plans

by Julie E. Bonifacio
Oct 2, 2022
Pearl Gonzales
Pearl Gonzales got her first taste of online bashing when netizens thought she was the new girlfriend of popular comedian/vlogger, Pambansang Kolokoy. The former Star Magic talent is now ready to make her showbiz comeback, and is more than willing to try her luck in major pageants.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Naging biktima si Pearl Gonzales ng matinding bashing sa social media dahil sa kanyang ugnayan umano sa sikat na vlogger/comedian na si Joel Mondina, na mas kilala bilang Pambansang Kolokoy.

“Recently, na-isyu ako. Actually, nag-viral yun. Kasi akala ng tao ako yung new dyowa ni Papa Sam Kolokoy, which is hindi kasi uncle ko yun,” pahayag ni Pearl sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Yun daw ang kauna-unahang pagkakataong na-bash siya sa social media and it made her realize so many things.

“Unang-una, hindi pala ako dapat maapektuhan, kasi una, hindi totoo. At ang mga bashers, may gawin kang mabuti, may gawin kang mali, meron silang masasabi.

“At siguro, actually, nakakasakit nga. Kasi sabi sa akin is ‘kabet,’ ‘kukunin mo lang ang pera niyan,’ ‘retokada,’ mga ganyan-ganyan. 'Tapos, yung mga nagko-comment, mga tsararat.

“So, yun. Huwag na lang patulan. Hahaha!"

MAKING A NAME FOR HERSELF

Nag-umpisa ang showbiz career ni Pearl noong 2013, bilang Star Magic artist na si Eileen Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong taon siya sa Star Magic, mula 2013 hanggang 2015. Pero ang nangyari sa kanyang career?

Paliwanag ni Pearl, “Hindi ako nabigyan ng chance… na-push.

“'Tsaka nag-U.S. din po kasi ako. So, hindi na rin po ako nakapag-renew ng contract.”

Nasa Amerika raw kasi ang mga magulang ni Pearl.

“Hindi naman ako nag-aral doon. Nagbi-visit-visit lang. 'Tapos babalik. Saka kasi nag-business din ako, e. Nag-focus ako sa business. Skin care ang business ko, Love Mary. Own brand ko siya. Pero dito lang sa atin yung business ko.”

Noong 2015, nagkaroon si Pearl ng pagkakataong i-represent ang bansa sa Face of Beauty International na pageant. Dito niya inumpisahang gamitin ang screen name na "Pearl Gonzales," na siyang bansag naman ng kanyang dating manager.

Three years later, sumali si Pearl sa Miss Global Philippines Tourism Ambassador, kung saan nakuha niya ang Darling of the Press award.

“Yeah, host country tayo. The event was held sa Okada,” pagkumpirma ni Pearl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nabahiran ng kontrobersiya ang pagsali niya sa naturang pageant.

“Naku, gusto ko nang mag-move on doon,” sabay tawa ni Pearl.

“Kasi parang napaka-unfair talaga. Nahakot ko lahat ng awards.

“And then, biglang hindi ako nakapasok ng top ten which is ang tagal ng announcement noon, e. Dahil hindi rin makapaniwala lahat ng organizers.

“So, nangyayari talaga yun. Hindi talaga yun naiiwasan, may mga dayaan.”

Pero hindi raw siya na-disappoint sa kanyang naging experience sa beauty contest.

“Kasi ganoon naman ang competition, e. May mananalo, may natatalo. Honor pa rin sa akin kasi na-represent ko ang Philippines."

Ngayong isa na si Pearl sa newest exclusive talents ng MPJ Angels Artists' Pool, ang talent management company na pinamamahalaan ng director na si Perry Escaño, nagpasiya siyang gamitin na rin ang kanyang pageant screen name na Pearl Gonzales bilang senyales sa kanyang panibagong simula sa showbiz.

Si Pearl ang special guest ng Simply Exquisite hosted by Nicky Gilbert, na nagsimula nitong Huwebes, September 29, 8:00 p.m. sa KUMU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Simply Exquisite ay isa sa tatlong bagong shows sa KUMU ng MPJ Network ni Direk Perry.

Ang dalawa pang KUMU show na sinulat at dinirek ni Perry ay ang Kids Toy Kingdom hosted by Hannah Ortiz and Tom Leaño with guests Iverson Santos at Aldrin Angeles; at ang Millennials Lifestyle hosted by Sofi Fermazi, Chesca Orolfo, Archie Alcantara, and Lyra Sloan with guest Marie Preizer.

PLANS TO JOIN MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Samantala, kahit na naging kontrobersiyal ang kanyang huling pageant experience, tiniyak ni Pearl na hindi siya nawalan ng gana sa pagsali sa mga pageant.

“Naku, hindi,” ngiti niya.

“Sasali ako ng Miss U [Universe] next year. Hahaha!”

In fact, nagte-training na raw siya under Kagandahang Flores.

Wala ring conflict ang pagsali niya sa beauty pageant at pagte-training sa Kagandang Flores.

“Wala naman so far,” klaro niya.

“Ipinaalam ko rin naman sa kanila beforehand na sasali ako ng Miss Universe Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano niyang sumali sa susunod na Miss Universe-Philippines.

“Mauuna kasi ang Miss Universe-Philippines and sa Binibining Pilipinas kasi parang mga morena. Hindi ako morena, e,” sambit ni Pearl.

GOING SEXY

Marami naman ang nagsasabi na may chance sumikat si Pearl bilang sexy star.

“Parang ang hirap naman noon,” pagdududa niya.

“Kung ano ang unang ibigay. Kasi hindi naman puwedeng sabay din. Hindi rin kasi puwedeng sa Miss U na magpa-seksi ka.

“Kung saan ka mabibigyan ng magandang opportunity.”

Inamin ni Pearl na nakatanggap na rin siya ng offer sa Vivamax at nakapag-audition na rin siya dito nang ilang beses.

“Actually, ilang auditions po ang pinuntahan ko na puro paseksi nga sa Vivamax,” lahad niya.

“Uh, feeling ko naman magaling ako na aktres. So, it’s really hard to decide and I’ll go sa sobrang extreme na paseksi. Depende pa rin, of course, sa management ko.

“Kaya naman… kaya ko na ipakita lahat ng kaya ko sa pag-arte. Wala na talagang natira. Wala namang magagalit. So, push ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi noong audition nagulat ako, ‘Kaya mo bang magpakita ng nipple,’ ganyan.

“So, parang, naniniwala kasi ako na marunong talaga akong umarte since lahat ng workshops ng Star Magic nagawa ko. Sayang naman, di ba?

“I mean, no offense po sa mga nagpapaseksi. Pero gusto ko yung mga role na challenging. Kaya kong magpaseksi but not yung… ganoon.”

Pero naniniwala si Pearl na may challenge pa rin ang pagpapaseksi sa pelikula.

“Meron naman, siyempre. Naranasan ko rin naman yung sexy role but not yung maghuhubad na talaga ako.”

Ang tinutukoy ni Pearl na pagpapaseksing ginawa niya dati ay sa pelikulang Boyfriend 13 na pinagbidahan nina Sue Ramirez and JC Santos, directed by John Lapus.

“Kontrabida ako roon. Ano ako doon, parang other woman ni JC Santos.

"Matagal din ako doon. Naka-three episodes din po.”

Ipinalabas naman ang suspense-horror movie niya titled Kuta sa streaming platform na ktx.ph last month.

Hanggang saan lang ang kaya niyang gawing pagpapaseksi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mag-two piece, ganyan, kissing scenes, pero yung magpapakita na ng katawan?”

PAST RELATIONSHIPS

Natawa naman si Pearl nang tanungin kung may boyfriend ba siya ngayon.

Wala raw siyang boyfriend ngayon, at naghiwalay daw sila ng kanyang huling boyfriend last year.

“Kasi sa work ko, hindi maintindihan. Nagseselos,” diin niya.

Bago ang huli niyang boyfriend, nagkaroon ng relasyon si Pearl sa dalawang taga-showbiz, separately.

“Si Michael Pangilinan, yung una. Pero yung last ko non-showbiz. Politician siya.

“Huwag na nating banggitin pangalan niya. May dyowa na rin siya. Hahaha!

“After ni Michael, si Johan [Santos], and then yung politician,” pagri-reveal ni Pearl.

Umabot daw ng tig-tatlong taon ang relasyon niya kay Michael at Johan.

“Si Michael kasi baby-baby pa po kami noon, e. Puppy love.

“Si Johan, nagbago kasi kami ng career. So, medyo hindi kami nagkaintindihan noon.

“Para maayos yung break-up namin, mutual [decision]. Magkaibigan naman kami.

“Si Michael, magkaibigan din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng huling boyfriend ni Pearl, wala pa raw siyang plano na makipagrelasyong muli.

Paliwanag niya, “Actually, hindi ko naiisip mag-boyfriend kasi noong naging single ako for a year, na-enjoy ko talaga siya.

“Gusto kong mag-focus sa trabaho. Sobrang sarap maging single, ganito pala. Kasi hindi ako nawawalan ng dyowa… hahaha. Pero ngayon, wala pa ring dyowa.”

Pero hindi niya dine-deny na malaki ang paghanga niya sa aktor na si Zanjoe Marudo.

“Naku, crush ko siya!

“Project with Zanjoe? Nakup! Hahaha.

“Pag nag-meet po siguro kami sa trabaho talaga. Ayaw ko munang mag-love life,” diin niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pearl Gonzales got her first taste of online bashing when netizens thought she was the new girlfriend of popular comedian/vlogger, Pambansang Kolokoy. The former Star Magic talent is now ready to make her showbiz comeback, and is more than willing to try her luck in major pageants.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results