Watch Now

Noel Trinidad's illustrious career as radio/theater/movie/television actor

by Nica Jose
Dec 29, 2022
Noel Trinidad
Si Noel Trinidad ay isa sa mga pinakamalakas na contenders para sa best actor sa 2022 Metro Manila Film Festival. GInampanan niya ang karakter ni Francisco sa pelikulang Family Matters.
PHOTO/S: Noel Orsal

Isa sa mga pinakamalakas na contenders para sa best actor sa 2022 Metro Manila Film Festival ay si Noel Trinidad.

Sa edad niyang 81, nakasungkit siya ng lead role sa entry na Family Matters, at kinukunsidera niya itong "last hurrah" ng kanyang five-decade showbiz career.

Sa kabila ng kanyang hearing problem ay naibigay niya ang emosyon na kinakailangan para sa pagganap niya bilang padre de familia na si Francisco.

Kitang-kita ang galing niya sa pag-arte sa nakakaiyak na trailer, na tumabo na ng mahigit 20 millions views sa iba't ibang social-media platforms.

At sa mga bagets na netizens na nagtatanong kung sino nga ba si Noel Trinidad, heto ang pasilip sa mahaba at makulay niyang journey as an actor.

Read: Noel Trinidad, 81, considers lead role in Family Matters as last hurrah

FAMILY BACKGROUND

Sino si Noel Trinidad?

Siya ay nagsimula bilang isang radio voice actor.

Hindi naman nakapagtataka ito dahil institusyon kanyang mga magulang na sina Lina Flor at Koko Trinidad sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang ama na si Koko Trinidad ay tinaguriang "Father of Philippine Radio and Dean of Filipino broadcasters."

Ang kanyang ina na si Carolina Flores, o mas kilala bilang Lina Flor, ang sumulat ng sikat na radio drama noong 1949 na Gulong ng Palad, na naging hit movie rin noong 1950 at drama series noong 1987 at 2006.

Samantala, ang kanyang naging kabiyak ay si Lally Laurel, na siyang ina ng nag-iisa nilang anak—ang kilalang theater actor na si Joel Trinidad.

FROM RADIO TO THEATER TO MOVIES AND TV

Bukod sa pagiging voice actor, sumali rin si Noel sa Avellana’s Barangay Theater Guild at Repertory Philippines.

Isa sa recent notable works niya ay ang The Producers (2013), kung saan nakatrabaho niya ang anak.

Bukod dito, gumanap din siya bilang Shylock sa The Merchant of Venice na pinalabas sa Ateneo High School.

Sa larangan naman ng telebisyon, siya ang creator at producer ng 1980s hit comedy series na Champoy sa RPN9 TV station.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasama niya rito ang best friend at partner na si Subas Herrero, gayundin si Tessie Tomas, na gumanap bilang asawa niya sa Abangan Ang Susunod na Kabanata, isang political satire comedy series sa ABS-CBN noong 1990s.

NOEL TRINIDAD'S PROJECTS FROM 2010 to PRESENT

Pepito Manaloto (2010)

Gumanap siya rito bilang abugado, at lumabas sa mga unang tagpo. Matatandaang si Michael V. ang bida na si Pepito, isang family man na nakabuwenas sa pagtama sa lotto.

Be Careful with My Heart (2012-2014)

Nakilala siya rito bilang si Don Roberto Lim, ang ama ni Sir Chief (Richard Yap), na siyang leading man ng bida na si Jodi Sta. Maria.

Bukas na Lang Kita Mamahalin (2013)

Lumabas si Noel sa telenobelang ito bilang si Senator Renato Angeles. Namatay man ang karakter niya pagkatapos ng ilang eksena, pero ito ang naging mitsa ng mga susunod na kaganapan at plot twists sa buong istorya na umiikot sa istorya ni Miguel Dizon, ang karakter ni Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuhog (2013)

Kilala siya sa palabas na ito bilang si Carding Dacanay, ang may dementia na ama ni Fiesta (na ginampanan ni Eugene Domingo).

Let the Love Begin (2015)

Gumanap ang veteran actor sa romantic comedy/drama series na ito bilang si Milton Villasanta.

Ang istorya ay tungkol sa dalawang magkababata—na ginanampanan nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid—na pinaghiwalay ng pag-aaway ng mga magulang.

Nagtagpo rin sila kalaunan dahil sa tadhana ngunit pilit pa ring pinaghihiwalay ng mga tao sa paligid nila.

Isa si Milton sa mga naging pangunahing karakter at naging instrumento sa pag-iibigan ng dalawa.

Till I Met You (2016)

Hindi malilimutan dito si Noel bilang si Lolo Soc, ang tumayong lolo ni Iris (na ginampanan ni Nadine Lustre) kahit na hindi naman sila magkadugo.

Paki (2017)

Gumanap siya rito bilang si Uro, ang asawa ng babaeng gustong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ng animnapung taon na pagsasama. Ito ang pelikulang nagbigay kay Noel ng dalawang nominasyon—Best Supporting Actor sa C1 Originals Award at Best Actor sa FAP Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

La Luna Sangre (2017)

Ang karakter ni Noel dito ay si Gabriel Torralba, ang lolo nina Apple (Maymay Entrata) at Tristan (Daniel Padilla).

Sa kalagitnaan ng palabas, nadakip siya at kalaunan ay napatay ni Sandrino (Richard Gutierrez).

Magikland (2020)

Siya ang nagbigay-buhay sa karakter ni Lakay Baldo, ang ama ng karakter ni John Ace Zabarte at lolo ng karakter ni Kim Belles.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Noel Trinidad ay isa sa mga pinakamalakas na contenders para sa best actor sa 2022 Metro Manila Film Festival. GInampanan niya ang karakter ni Francisco sa pelikulang Family Matters.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results