Watch Now

Big reveal ni socialite-vlogger Small Laude, nag-apply siya sa GMA Supershow bilang host

by Mavell Macaranas-Dojillo
Dec 8, 2022
small laude socialite vlogger
Mas kilalanin ang socialite na si Small Laude. Ano nga ba ang nagtulak sa kanya na mag-venture sa pagiging content creator kahit na tinutulan ito ng kanyang pamilya?
PHOTO/S: Belo via @smalllaude on Instagram

Nang pasukin ni Small Laude, 53, ang mundo ng vlogging, she was in it “just for fun,” na famous line din niya sa intro ng kanyang self-labeled YouTube channel.

Pero di nagtagal ay nagsilbi na itong a dose of hope and happiness sa karamihan ng kanyang mga tagasubaybay, na ngayon ay umabot na sa 1.55 million subscribers.

Patuloy na nakikilala si Small dahil sa pagpasok niya sa mainstream media, tulad ng telebisyon.

Pag-amin ni Small may longtime dream din siyang mag-artista.

Sinubukan daw niya noon na mag-reach out kay German Moreno upang mapabilang sa GMA Supershow.

Paglilinaw niya sa GMA News Online, “I did not audition for that. I just [sent] my biodata. I don’t know if it reached Kuya Germs or not.”

Mas kilalanin natin ang vlogger na trade mark ang linyang “no bashing!” sa kanyang content at pagiging closely associated sa mga artista.

Narito ang pasilip sa kanyang buhay bilang socialite, entrepreneur, fashionista, vlogger, at ngayon ay artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

small laude hotel

FAMILY BACKGROUND

Si Small ay ipinanganak bilang Marissa Eduardo noong June 17, 1968. Lumaki siya sa isang well-off family.

Ang pamilya Eduardo ay kilala sa pagma-may ari ng garments exports business sa Maynila, rice milling business sa Bulacan, at rice trading business sa Nueva Ecija.

Ang kanyang nickname ay nagmula sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya sa isang interview ni Ogie Diaz noong December 16, 2021, “When I was small, yung dad ko sabi nya sobra akong small.”

At hanggang sa lumaki ay Small na ang kanyang naging nickname.

Samantala, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Alice Eduardo ay kilala sa social circle bilang founder at chief executive officer ng Sta. Elena Construction and Development Corporation.

Itinatag noong 1995, isa ito sa pinakamalaking construction firms sa bansa at nasa likod ng ilang malalaking proyekto tulad ng SM Mall of Asia, SM Seaside City Mall (Cebu), SMDC residential complexes, City of Dreams, at Solaire Resort and Casino.

Mayroon pang dalawang nakababatang kapatid si Small, sina Melba Eduardo-Solidum at Joel Eduardo.

Noong October 31, 1993, ikinasal siya kay Philip Laude, na ang pamilya ang siyang may-ari ng Candyman, ang manufacturer ng Viva, Kendi Mint, at White Rabbit.

Ibinahagi niya sa Toni Talks ni Toni Gonzaga na nagkakilala sila ng kanyang mister through a common friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aaral noon si Small sa St. Paul University, habang si Philip ay estudyante naman sa De La Salle University.

Lahad ni Small sa Toni Talks tungkol sa unang pagkikita nila ng asawa, “The first time he saw me, nakatunganga sya sa face ko!

“Seven years kami ng husband ko [mag-boyfriend, bago nagpakasal].”

Dagdag kuwento niya, “I had a hard time getting pregnant, three years married wala pa akong baby.”

Nagsayaw sila noon sa Obando at sumailalim sa fertility treatmets bago nagkaroon ng apat na supling—sina PJ, Michael, Timothy, at Allison.

Sa kasalukuyan, nakatira sina Small sa isang multi-million, six-story resort-inspired home na idinisenyo ng tanyag na arkitektong si Ed Calma.

Mayroon itong anim na deck for outdoor entertaining at dalawang scenic elevators.

small laude bag collection

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa family businesses, may sariling ventures ang mag-asawang Small at Philip, tulad ng Timson Printing at Timson Securities, na isang brokerage firm.

FRIENDS IN SHOWBIZ

Bago pa man umingay ang kanyang pangalan sa social media tulad ng YouTube, madalas na namataan si Small sa mga celebrity events at society balls.

Well-connected din siya sa celebrities. Ilan sa kanyang matatalik na kaibigan sa showbiz ay sina Pops Fernandez at Cristina Gonzales.

Nakikita rin siya sa mga pagtitipong dinadaluhan rin nina Dra. Vicki Belo, Korina Sanchez, at Karen Davila, na siyang nagkumbinsi kay Small na pasukin ang mundo ng vlogging.

small laude karen davila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

small laude pops fernandez

SMALL YOUTUBE VLOGS

Sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya, lalo na ng bunsong anak na si Allison, binuksan ni Small ang kanyang bahay at buhay sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog entry noong August 17, 2019.

Sa ilang interviews, nabanggit ni Small kung paano siya dumaan sa isang phase ng depression at anxiety dahil halos wala na siyang ginagawa, at konting tulong na lamang ang kailangan sa kanya ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bahagi kasi ng pagpapatakbo ng kanilang negosyo ay computerized na.

Kaya’t nag-isip siya ng bagong pagkaka-abalahan. Pinagpilian kung tatakbo ba siyang congresswoman o magva-vlog.

Sa huli, sinunod niya ang payo ni Karen. Naging content creator si Small.

Kuwento niya sa interiew sa kanya ni Ogie Diaz, nagmakaawa ang bunsong anak sa kanya na huwag ituloy ang balak.

Pakiusap daw ng bunsong anak ni Small, “Mommy, please don’t do that.”

Pagbabalik-tanaw ni Small, “Oh my God, hindi sila supportive. Yung husband ko walang care.”

Matapos ang unang entry tampok ang bakasyon sa Los Angeles, California, sa America, naisipan niyang mag-lie low.

Itinuloy na lang niya ito nang mismong ang mga anak na niya ang nag-encourage na mag-upload siya ng bagong content.

Pati raw kasi mga kaibigan ng kanyang mga anak ay napanood ang videos ng kanilang ina at inaabangan ang mga susunod niyang content.

Marahil marami ang na-intriga sa content ni Small dahil ipinapasilip nito ang kanyang lavish lifestyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking factor din ang likable personality ni Small dahil sa kanyang charm at positive vibe.

Aliw na aliw ang kanyang viewers, lalo na sa kanyang pakikitungo sa mga kasambahay na itinuturing niyang mga “angels.”

Katunayan, ang ilan sa entries na may pinakamaraming views ay tampok ang kanyang mga angels.

Katulad ng kanyang vlog entry na “Grocery All You Want for Our Staff with Ate Alice” na in-upload noong June 26, 2021. Mayroon na itong 2.8 million views at halos 100,000 likes.

Bukod sa adventures kasama ang kanyang angels, patok din ang mga nakakalulang virtual tour sa mansiyon at ekta-ektaryang farm ng pamilya niya.

Kinagigiliwan din ng netizens ang kanyang shopping spree ng branded items here and abroad, lalo na ang kanyang mga damit at accessories na designer brands, tulad ng Christian Dior, Louis Vuitton, Fendi, at Prada.

Maging ang kanyang pagbiyahe sa mga pinaka-cool na travel destinations at pag-attend ng elite parties kasama ng iba pang celebrities ay umaani ng daan-libo hanggang milyong views.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bentang-benta rin ang content niya tungkol sa kanyang mga pangkaraniwang gawain sa araw-araw, tulad ng gardening, paggupit ng buhok ng kanyang mga anak sa panahon ng pandemic, pagluluto, at grocery shopping.

Inspired si Small na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa hindi lamang dahil nakakabawas ito ng boredom, kundi dahil na rin sa mga taong nagpapahatid ng mensahe kung paano siya nagpapakalat ng good vibes.

Sambit niya kay Ogie, “You know what at first hindi ko alam that I make people happy.”

At nang magsimulang bumuhos ang private messages sa kanya ng mga tagasuporta saka niya na-realize ang “big difference” na nagagawa ng kanyang vlog.

“Some people na nagki-chemo, nawalan ng work and they were depressed, and they said, ‘’Ma’am, you know, nung napanood ko kayo, parang nagkaroon naman ako ng hope at napapasaya nyo ako.’”

TELESERYE STINT

Noong November 22 nga ay nagkaroon si Small ng guest appearance sa GMA prime-time series Mano Po Legacy: The Flower Sisters as herself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

small laude mano po

Ang Mano Po ay umeere Weekdays, 9:35 p.m. at pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at Aiko Melendez.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ni Small bilang social media personality.

Patuloy ang paglago ng kanyang YouTube channel.

Ilang beses na rin siyang nag-appear sa covers ng society magazines sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging host siya ng It’s a Small World sa cable TV channel na Metro Channel.

Pero tuluy-tuloy na ba ang pag-venture niya sa pagiging artista?

Aminado si Small na nahihirapan na siyang mag-memorize ng mga linya.

Say ng socialite/vlogger/celebrity: “My gosh, I think yung mga movies or mga continuous [series] baka no, kasi ang hirap umarte, ang hirap mag-memorize.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas kilalanin ang socialite na si Small Laude. Ano nga ba ang nagtulak sa kanya na mag-venture sa pagiging content creator kahit na tinutulan ito ng kanyang pamilya?
PHOTO/S: Belo via @smalllaude on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results