Watch Now

Donnalyn Bartolome: the controversial "Social Media Sweetheart"

by Nica Jose
Jan 12, 2023
Donnalyn Bartolome
"Social Media Sweetheart" Donnalyn Bartolome is a controversy magnet because of her posts.
PHOTO/S: @donna on Instagram

Sa pagpasok ng 2023, ang "back to work" post ni Donnalyn Bartolome noong January 3 ang naging isa sa pinaka-kontrobersiyal at pinag-usapang isyu.

Heto ang post na nag-trending sa Twitter (published as is):

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?

"Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun.

"Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet .

"Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! [heart emoji]."

Marami ang hindi natuwa at nag-point out na hindi lahat ng nagtatrabaho ay kasing-suwerte ni Donnalyn. May mga minimum wage earners at iba pang manggagawang hindi nakakatanggap ng tamang compensation na akma sa trabaho nila. May mga kailangang mag-commute at makipagsiksikan sa maraming tao makarating lang sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 5, humingi ng tawad si Donnalyn dahil sa "mali ang choice of words ko."

Hindi ito ang unang beses na pinag-usapan ang post ng dalaga, at hindi ito kataka-taka dahil mayroon siyang 16 million followers sa Facebook, 6.9 million sa Instagram, at 8.1 million naman sa TikTok.

Background

Sino si Donnalyn Bartolome?

Ipinanganak siya noong July 9, 1994.

Ang kanyang mga magulang ay sina Reynaldo Mulawin at Tonylyn Mulawin. May apat siyang kapatid—sina Cassie, Jason, Clarissa, Buknoy, at Junior.

Base sa kanyang mga posts, vlogs, at maging interviews, nagsimula siya sa hirap, kaya lubos-lubos ang pasasalamat niya sa mga biyayang natatanggap.

Sa isa niyang post noong 2018 (published as is), aniya, "I love you Papa God!!! I’m so poor and You’re the maker of all and You choose to bless me."

Nitong January 5, 2023, idinetalye niya (published as is): "Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills.

"Naranasan kong wala nang trabaho kaya siguro sobra ko pahalagahan.. naranasan ko magcommute sa Bus, MRT, Jeep, FX, Tricycle.. yung pila, siksikan, init.. alam ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Career

Donnalyn Bartolome Vlog

Nagsimula ang dalaga bilang vlogger.

Ang YouTube channel niyang Donnalyn—with @d0NSKiEb00 as handle name—ay nasimula noong 2008.

At press time, mayroon na siyang 9.58 million subscribers, at anything under the sun ang tema ng kanyang mga vlogs.

Minsan ay behind the scenes ng kanyang music videos ang itinatampok niya. Minsan naman ay tungkol sa kanyang pamilya o mga kaibigan.

Aside sa kanyang music video na "Kakaibabe," ang most viewed video niya so far ay pinamagatang "ZEINAB HARAKE UMIYAK (DONNALYN AT JELAI ANDRES NAGAWAY)," na may mahigit 14 million views.

Isa itong prank video kay Zeinab.

Ayon sa desciption ng vlog (published as is), "INTENSE 'TO GUYS 'CAUSE WE HAD TO MAKE IT BELIEVABLE."

Nitong December 17, nagkaroon siya ng “sandok pera game” kasama ang pamilya. Nagpamigay siya ng dollars. Hindi na-disclose ang exact amount, pero pinagsama-sama itong mga 1-, 5-, 10-, 50-, at 100-dollar bills.

Donnalyn Bartolome with her family featuring the

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Donnalyn Bartolome Songs and Projects

Ang una niyang sabak sa pelikula ay sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy movie ni Vce Ganda na ini-release noong 2013. Gumanap siya bilang isang saleslady.

The following year, first time niyang nag-viral dahil sa mainit na pagtanggap sa debut single niyang “Kakaibabe.”

Isa ito sa featured song sa pelikulang Diary ng Panget, na pinagbidahan ng tambalang JaDine, th portmanteau ng mga pangalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Nagwagi ang “Kakaibabe” bilang Pop YouTube Sensation sa ASAP Pop Viewers Choice Awards.

Binansagan siya ng Viva Records bilang "Social Media Sweetheart."

During the latter part of the year, nagkaroon siya ng mas mahabang exposure sa Talk Back and You're Dead, na pinagbidahan rin ng JaDine.

Noong July 2018, na sungkit niya ang isa sa main roles sa pelikulang Jacqueline Comes Home, kung saan gumanap siya bilang si Marijoy Chiong, isa sa Chiong sisters na in-abduct, ni-rape, at pinaslang sa Cebu noong July 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In the same year, nakatanggap siya ng nominasyon as Best New Female TV Personality sa 28th PMPC Star Awards.

Screencap of

Donnalyn Batolome Controversies

Samantala, hindi na bago sa dalaga ang putaktihin siya ng bashers. Alam niyang ito ang kultura sa social media.

Balikang-tanaw natin ang mga controversies na kinaharap ni Donnayn:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Allegedly plagiarizing a K-pop song (October 2019)

Isang project na naging kontrobersiyal ang HBD song, kung saan siya nakipag-collab siya kina Smugglaz, Zaito, Pio, and Bassilyo (FlipTop rappers). Nagkaroon din ng special appearances from Raffy Tulfo, Cong TV, Viy Cortez, Mikey Bustos, Mika Salamanca, Jelai Andres, Zeinab Harake, at iba pa.

Aniya ng ibang netizens, rip-off ng “Birthday” ni Somi (isang K-pop star) ang HBD.

Matatandaang pinabulaanan ni Donnalyn ang isyung ito nang ilatag niya ang mga resibong naunang na-release ang kanta niya noong October 2018 (music video released on October 2019).

Na-release ang awitin ni Somi noong June 2019.

Vlog game (May 2021)

Samantala, tila nadismaya ang vlog guests niyang sina Super Tekla at Marco Gumabao sa pool game ni Donnalyn.

Sa larong ito, ang huling aahon ng pool ay makakatanggap ng isang milyong piso mula sa kanya. Para magkaroon ng thrill ang laro, nilagyan niya ng ahas, palaka, maliliit na buwaya, at ipis ang pool.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-upload si Donnalyn ng video bilang resibo at tugon sa mga katanungan ukol sa nangyari sa pag-shoot ng vlog. Pinamagatan itong "EXTREME LAST TO LEAVE THE POOL PART 2 (THE TRUTH + RAW CLIPS)."

It turned out na ang "pagkadismaya" pala nina Super Tekla at Marco Gumabao ay prank pala nila kay Donnalyn.

Luxury car purchase (June 2021)

Bumili si Donnalyn ng ikatlong luxury car niya in time for her birthday.

Na-bash ulit siya dahil may netizen na nagbanggit sa napapabayaan niyang lola, pero nilinaw ni Donnalyn na ang tinutukoy na lola ng nasabing netizen ay, in fact, malayong kamag-anak na tinulungan niya.

Picture of a luxury car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baby-themed photo shoot (July 2022)

Nagkaroon naman si Donnalyn ng backlash nang nag-publish siya ng mga photos na may baby-themed aesthetics para sa kanyang 28th birthday.

Donnalyn Bartolome apologizes after being called out for insensitive birthday photoshoot

Ayon sa mga netizens, parang sinusuportahan niya ang pedophile at pagiging sexual subjects ng mga minors.

Humingi ng tawad si Donnalyn at isinaad na hindi ito ang intensiyon niya. Tinake down niya rin ang mga larawang in-upload.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanto-themed birthday party (August 2022)

Poverty porn naman ang reklamo ng mga commenters sa kanyang posts nang inilabas niya ang mga litrato ng kanyang birthday celebration na ginanap sa kalye.

Guests at Donnalyn's kanto-themed birthday party feasted over lumpia, isaw, kwek-kwek, betamax, mani, and balut.

Ayon naman kay Donnalyn, nais lamang niyang balikan ang buhay niya dati, at sariwain ang saya ng pagkakaroon ng birthday sa kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Social Media Sweetheart" Donnalyn Bartolome is a controversy magnet because of her posts.
PHOTO/S: @donna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results