Salamat sa kanyang hairdo bilang si Padre Salvi sa hit teleserye na Maria Clara at Ibarra, mas nakilala si Juancho Trivino.
Pero hindi ito ang unang beses na napansin si Juancho. Aside from being an actor, isa rin siyang modelo, host, podcaster, at vlogger.
Knowing more about Juancho Trivino
Background
Juan Carlo Calupitan Trivino ang kanyang birth name.
Ipinanganak siya noong April 13, 1993.
Matatandaang in-announce niya ang kanyang relasyon kay Joyce Pring noong August 2019.
Noong November naman of the same year, ay engaged na sila.
Pagdating ng February 2020, nagpakasal sila sa Pasay City.
May dalawang anak ang mag-asawa: sina Alonso Eliam (ipinanganak noong 2021) at Agnes Eleanor (ipinanganak noong 2023).
Noong November 5, 2022, nagtapos si Juancho ng kurso sa entrepreneurship sa De La Salle University matapos magpahinga mula sa kanyang pag-aaral noong 2009.
Early career
Nagsimula ang kanyang acting career noong nag-audition siya for GMA Network's youth-oriented TV show called Teen Gen, which was believed to be the follow-up to the popular youth drama T.G.I.S., starring Angelu de Leon (as Peachy Real) and Bobby Andrews (as Joaquin "Wacks" Torres III).
Sa series na iyon, gumanap siya bilang si Lucho, ang anak ni Wacks. Naging ka-love team ni Juancho si Dianne Hernandez, who was also a newcomer at the time.
But Juancho got his first acting award nomination many years later, during the 3rd Annual TAG Awards Chicago in 2019, for playing Padre Salvi sa Maria Clara at Ibarra.
But before his fame as Padre Salvi, maraming pinagdaanan si Juancho as far as his career in concerned.
In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2, 2021, sinabi ni Juancho na nagkaroon siya ng short stint sa isang BPO noong 2020, in between his showbiz commitments.
Famous movies and shows
magkaibang mundo (2016)
After his stint as Lucho Torres IV, nagkaroon siya ng main role sa Magkaibang Mundo. Katambal niya sa series na ito si Louise delos Reyes. Gumanap si Juancho bilang si Ellias "Inoy" Cruz or Elfino, isang duwende na iibig sa isang mortal.
Inday will always love you (2018)
Supporting character naman ang naging role ni Juancho bilang si Ernest Pascual sa Inday Will Always Love You. Top-billed by Barbie Forteza, ang comedy series ay tungkol kay Happylou, who moves to Cebu para itaguyod ang pamilya at hanapin ang nawawalang ama. During that time, makikilala niya ang mga taong tutulong sa kanya sa journey niya.
Madrasta (2019)
Supporting role din ang peg ni Juancho bilang si Sean Ledesma sa TV series na Madrasta. Sa kanyang panayam noong August 2019 with GMA News, nabanggit ni Juancho ang challenges sa role na ginampanan niya.
Aniya, "It was nine scenes of dire-diretso, mahabang linya, and heavy drama, so siguro isa [iyon] sa mga pinaka-challenging scene na ginawa ko."
Maria Clara at Ibarra (2022)
Ang role niya bilang si Padre Bernardo Salvi sa Maria Clara at Ibarra can be considered as one of his major projects to date.
Bilang isa sa mga prayle sa fictional work ni Dr. Jose Rizal, si Padre Salvi ang hahalili sa posisyon ni Padre Damaso (Tirso Cruz III) bilang kuro ng San Diego.
Tulad ng karakter sa aklat, may pagnanasa ni Padre Salvi kay Maria Clara (Julie Ann San Jose).
Most viewed vlogs
Aside from his TV stints and other activities on the side, Juancho is also a segment host sa early morning show ng GMA Network na Unang Hirit.
Mayroon din siyang YouTube channel with the handle @JuanchoTrivinoYT.
Kabilang sa mga uploaded videos niya ang ilang videos na kuha sa set ng Unang Hirit.
Juancho's YouTube channel has 41.1k subscribers and 117 uploaded videos, as of this writing.
Surprising The Girlfriend on Set of Unang Hirit | VLOG 06 with 151K views
Ipinakita ni Juancho how he randomly surprised then-girlfriend and co-host Joyce Pring sa set ng Unang Hirit. At the time, magkaiba ang kanilang shoot schedule.
The "couple vlog" video was uploaded last October 22, 2019, with 179 comments as of this writing.
Juanchoyce Work Anniversary | Surprising Girlfriend AT the Airport
Juancho recorded an account on how he surprised Joyce sa kanilang work anniversary.
Juancho and Joyce started working together sa Unang Hirit on October 26, 2018. At the time, Juancho narrated sa caption ng vlog how Joyce has been his long-time crush, kaya naman ganoon na lang ang pagpupursige niya nang ligawan ang host.
The video was uploaded last October 29, 2019, and has 147 comments as of this writing.