Kamakailan ay umani ng batikos ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Lie Reposposa.
Kumalat kasi ang isang TikTok video, na ayon sa ilang netizens, ay pruweba ng cheating ni Lie, na very vocal sa relasyon nito sa British boyfriend na si Paul Joshua Marsden.
Sa video, makikita ang babaeng nakikipaghalikan sa isang foreigner sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
Dahil dito, marami ang na-curious at nagtatanong kung sino si Lie Reposposa.
Narito ang ilang detalye tungkol sa kanya.
Read:
Netizens accuse Lie Reposposa of cheating on British fiancé
Lie Reposposa, British fiancé post sweet photo amid "cheating" issue
Knowing more about Lie Reposposa
Background
Lie's full name is Angelie Reposposa.
Ipinanganak siya noong October 22, 2003, which makes her 19 years old as of this writing.
Tubong Tagum, Davao del Norte ang dalaga. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Andres Soriano Colleges of Bislig.
Bukod sa pagiging singer, isa rin siyang actress, model, content creator, at social-media influencer. Karamihan sa content ng kanyang vlog ay tungkol sa make-up and travels.
Her show and competition appearances
Sinimulan ni Lie ang kanyang showbiz journey sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime noong 2018.
Naging finalist siya sa kumpetisyon, ngunit hindi pinalad na manalo.
Pero ang "Tawag ng Tanghalan" ang nagbigay-daan para tuluyan siyang makapasok sa showbiz.
Sa show segment na ito niya binanggit ang pagnanais na makasali sa PBB.
Dahil sa kanyang sinabi on-air, napansin siya ng mga producers ng Star Hunt, ang caravan na naghahanap ng posibleng mga housemates para sa PBB.
Binigyan siya ng chance mag-audition sa PBB Otso, at pinalad na makapasok sa Bahay ni Kuya.
Tinagurian siya bilang “fan favorite” sa batch, kung saan nakilala siya bilang “The Teenig ng Tawanan of Davao del Norte.”
Lie was declared the Big Winner of batch 1, at nakatanggap ng 38.48% ng total votes noong Big Night.
Nang taong ding iyon, inilabas ni Lie ang kanyang single na "Sana Sana."
It was also around this time that she started her contract with Star Music, formerly known as Star Records.
Nakasama naman si Lie sa cast ng musical version ng Tabing Ilog, na umere mula March 8 hanggang April 26, 2020. Gumanap siya bilang si Sammy, isang karakter na wala sa original show.
Nagkaroon din ng chance si Lie na maging kalahok sa Your Face Sounds Familiar Season 3 noong 2021.
Sa naturang programa, tinagurian siyang "Pinoy Big Belter," at nakasama siya sa final 10 celebrity contenders.
Samantala, sa social media, sumikat din siya noong nag-post tungkol sa kanyang pagkadismaya sa mga gurong napabalitang nagsasalita nang masama tungkol sa kanya.
Ibinahagi ni Lie sa kanyang social-media accounts ang screenshot ng pag-uusap ng kanyang mga guro at classmates.
Binanggit sa chat na "feeling artista" raw si Lie.
Ano ang nasabi niya nang makarating ito sa kanya?
“Di ko alam ano ang mararamdaman ko; maiiyak ba ako o maiinis?
“Gusto ko lang namang pagsabayin yung pag-aaral at pagtatrabaho. Kaya nag-ALS ako para matulungan ko ang mga magulang ko.”
Lie Reposposa’s boyfriend and their relationship
Sa panayam ni Lie with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2023, ibinunyag niya na sa social media sila nagkakilala ng kanyang British boyfriend.
Kapwa sila 19 years old noon.
Sa guesting naman niya sa Magandang Buhay noong April 25, 2023, inamin ni Lie na siya ang gumawa ng first move sa Instagram.
Aniya, “Nag-search ako ng mga pangalan kasi bored ako nun. Wala akong magawa kaya pumunta ako dun sa IG.”
Nag-type siya ng pangalang “Paul” sa search box, ngunit walang malalim na dahilan sa likod nito.
Paglalahad niya, “Tapos pagka-search ko, nakita ko yung picture niya, klinick ko. Tapos timing nun, meron siyang [IG] Story kaya hineart ko para may first move, ganon.
“Tapos sabi niya sa akin, nakita niya yung profile [picture] ko, maganda daw kaya pinindot niya din daw.
“Tapos hindi ko siya finollow, kaya siya yung nag-follow sa akin.
“Tapos hineart niya lahat ng mga post ko. Tapos nun, e, di nag-story din ako, tapos nun chinat niya ako, ‘You look so beautiful.’”
Nag-follow back ang aktres kay Paul. Doon na nagsimula ang pag-uusap ng dalawa.
It was December 18, 2022, when Lie declared through her Instagram account that she’s officially in a relationship with boyfriend Paul Joshua Marsden.
Kalakip ng mga post niyang photos that day ang caption na ito (published as is): “Your my sun and moon your everything between in the middle of the stars collide with you.”
Naglagay din siya ng #rodtoo4ever (road to forever) na hashtag.
Sa kanilang joint vlog channel sa YouTube, nagpost ang magkasintahan ng video titled “A Day in Our Life #1” noong February 23, 2023.
Sa vlog na ito, maririnig na ilang beses na tinawag ni Paul si Lie na “my wife.”
Sambit pa ng binata, "I'm gonna marry her in about approximately one year. Less than a year, probably.”
A day after, Lie announced that she and her boyfriend are engaged.
Ginawa niya ang big reveal sa kanyang Instagram account with the caption “It’s a YES. Parents approved.”
She took down the post a few hours later.
lie and paul's reaction TO "CHEating" ALLEGATIONS
Noong August 8, 2023, inakusahan si Lie of cheating on her fiance Paul.
Ayon sa isang netizen, naganap ang mapangahas na eksena noong August 5, 2023.
The caption of the video uploaded on August 8 read (published as is), “can’t deny talaga na hindi yan si ano. pag ka post na pag ka post ng video na to kagabi nakita agad ni guy. nasaktan siya talaga ng sobra. #cheating #foryou #foryoupage #liereposposa #pbb #viral”
Magkahalo ang reaksiyon ng mga netizens sa viral TikTok post na ito. May mga nagsasabing si Lie nga ang babae sa video. May mga nagbanggit ding malabo ang video at hindi sigurado kung si Lie nga ba ang kasama ng foreigner sa controversial post.
Kinagabihan, the couple clapped back by posting a picture of them together. Makikita sa litratong nakakandong si Lie sa kanyang boyfriend habang nakayapos naman ang isang kamay ng huli sa dalaga.
Walang caption ang naturang post sa Instagram, ngunit mapapansing parehong litrato ang nakapaskil sa accounts nina Paul at Lie. Tila nagpapahiwatig ito na maayos naman ang relasyon ng magkasintahan.
At press time, the comment sections for both of their posts are turned off.