Nagbabalik-showbiz ang StarStruck First Prince na si Rainier Castillo.
Sa kanyang guesting sa Tonight with Boy Abunda kamakailan, binanggit ni Rainier sa Fast Talk With Boy Abunda na nagbabalik na siya sa showbiz through Black Rider, a show with the release date yet to be announced.
Read: Rainier Castillo on showbiz absence for 10 years: “Nalihis, namali ng landas.”
Pero bakit nga ba siya nawala sa limelight?
On the hiatus of Rainier Castillo
Huling napanood si Rainier sa ilang TV5 projects noong 2016.
Pero ayon kay Rainier, “nasa mga 10 years” na mula nung nawala siya sa showbiz.
Aniya, “Sa tingin ko po nasa mga 10 years, mga ganun po, e."
Tinanong din siya ni Tito Boy kung bakit ganoon katagal ang naging pamamahinga niya?
“Siguro po medyo nalihis, namali ng landas, parang ganon, ewan…”
Isa raw sa mga dahilan ang “mga maling taong” pinagkatiwalaan niya.
“Siguro ang nire-regret ko sa mga nangyari, siguro nagkaroon ako ng mga maling mga nakilalang mga tao.
“Mga maling napagkatiwalaan ko na, ngayon, yun na yung nabago ko na.”
He did not elaborate on his statement.
Dahil matagal nawala si Rainier sa showbiz, hindi nakapagtataka kung karamihan sa mga viewers ngayon ay hindi aware kung paano at saan ba siya nakilala dati.
Background and early career
Ipinanganak si Rainier Joseph Diaz Castillo noong October 21, 1985, which makes him 37 years old, as of this writing. Nakatira ang kanyang ama sa Winnipeg, Manitoba, Canada.
Naging popular si Rainier dahil sa kanyang kanyang "killer smile" at hairstyle na aakalain mong miyembro siya ng F4 ng Meteor Garden, isang phenomenal hit series sa Asia, maging sa Pilipinas.
First year college si Rainier sa AMA Computer University noong sumali siya sa unang season ng reality-based artista search na StarStruck. During the competition, na-link siya sa apat na female survivors na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Jade Lopez, at Sheena Halili.
Read:
Jennylyn Mercado back to doing Pilates after C-section delivery
Yasmien Kurdi narrates how her daughter experienced cyberbullying
Una siyang na-link kay Jade, na parang nagpahiwatig na may paghanga siya kay Rainier.
Naging ka-love team ni Rainier si Sheena sa isang contest sa StarStruck, but this was short-lived dahil na-eliminatel ang huli.
He and Sheena got in a relationship after StarStruck, but eventually called it quits. For a time, may awkwardness sa pagitan nila, ngunit naging okay din naman eventually.
Nabanggit ito ni Rainier sa kanyang panayam with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2009.
"Mas magaan na ngayon, wala nang ilangan, hindi tulad dati na kabe-break pa lang namin, may ilangan pa noon.
"Ngayon, okay na okay kami bilang magkaibigan," paglilinaw ni Rainier.
Naging isa si Rainier sa Final Four ng StarStruck, and eventually bagged the title First Prince.
Bagamat natalo siya sa kompetisyon, naging daan ang reality show para makapagsimula siya ng career sa GMA-7 noong 2004.
Lumipat siya sa TV5 noong 2010 at pumirma ng dalawang-taong non-exclusive contract sa network. Naging manager niya ang isa sa PEP Troika na si Noel Ferrer.
Rainier Castillo TV shows
Click (1999)
Si Jerry ang ginampanang karakter ni Rainier sa youth-oriented show.
Kasabay niyang ipinakilala sa show ang mga StarStruck batchmates na sina Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Jennylyn Mercado.
Bianca King and Warren Austria also joined the roster around this time.
Mulawin (2004)
Pagaspas naman ang naging role ni Rainier for this series top-billed by Richard Gutierrez, Angel Locsin, and Dennis Trillo.
Bakekang (2006)
Gumanap si Rainier bilang si Joshua for this prime-time series na pinagbidahan ni Sunshine Dizon.
Dito nakatambal ni Rainier si Yasmien Kurdi, who played the role of Charming, one of Bakekang’s daughters.
Hokus Pokus (2006)
Ang role ni Rainier dito ay si Prince.
Interesting ang show na ito dahil tuwing napapabalitang nalalapit na ang pagtatapos nito, biglang umaariba ang ratings.
Kaya in the end, nagkaroon ito ng extensions to accommodate the requests of the viewers.
Co-star ni Rainier si Bong Revilla sa sitcom na ito.
Bleach (2007)
Rainier had the chance to try out his voice acting prowess sa Tagalog-dubbed anime na ito. For this project, he was the voice actor of Uryu Ishida, isa sa mga kaklase ni Ichigo Kurosaki, ang main character sa anime series. Si Marky Cielo ang nagbigay-boses kay Ichigo.
Tasya Fantasya (2008)
Drama, romance, at fantasy ang genres ng Tasya Fantasya, kung saan gumanap si Rainier bilang si Raz. Like the other series in which Rainier starred, katambal niya ulit dito si Yasmien Kurdi, who played as the main character Tasya.
Lokomoko U (2008)
This is one of Rainier’s shows noong lumipat siya sa TV5. Similar ang initial format ng show sa now-defunct Wow Mali (1996), which Joey De Leon originally hosted. Noong 2009, naging full time gag show na ang format nito. Rainier joined the cast around 2010 to 2011.