PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matt Evans denies falling for Melissa Ricks

Matt swears he is still loyal to girlfriend Olyn Membian
by Vinia Vivar
Published Jan 20, 2007

Habang tumatagal ang pagsasama nina Matt Evans at ng kanyang leading lady sa Pedro Penduko na si Melissa Ricks sa Pedro Penduko ay lalo silang nagiging close. Napapansin na ito ng kanilang mga kasamahan sa set kaya naman hinihinalang baka maging true-to-life na ang love triangle nila kasama si Olyn Membian.



Si Olyn ang real-life girlfriend ni Matt, pero sa Pedro Penduko ay si Melissa ang leading lady ng young actor. And later on, naging love triangle na nga sila sa ABS-CBN show.

Nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Matt sa taping ng Pedro Penduko, inusisa namin siya kung naa-attract na ba siyang talaga kay Melissa.



Hindi agad nakasagot si Matt na parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Then, he said, "Ano, mas close kami ngayon."



Nagkataon namang wala si Olyn sa set dahil tapos na raw ang mga eksena nito kaya lalo tuloy kaming naghinala.



Ipinagpapalit na ba niya si Olyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Naku, hindi po! E di binugbog ako nun!" natatawa niyang sagot.

"Siyempre, si Olyn pa rin po," pahabol pa niya.



Seven months na raw ang relasyon nila ni Olyn. Wala rin daw balak si Matt na ipagpalit ito sa iba dahil mahal niya ang dalaga at almost perfect daw ito as a girlfriend.

Tinanong din namin ang isa pang kasamahan nila sa Pedro Penduko na si Kitkat kung ano ba talaga ang napapansin niya kina Mat at Melissa.



"Mas close sila ngayon talaga. Siguro dahil na rin sa tagal ng pagsasama. Mas kumportable na sila ngayon sa isa't isa," sabi ni Kitkat.



Samantala, medyo bothered si Matt ngayon dahil may sakit ang kanyang lola. Nang kausap nga namin siya ay isinugod na naman daw sa hospital dahil mataas ang sugar level nito.

"Kaya ayoko munang gumastos ngayon dahil ipinapagamot ko ang lola ko," sabi niya.

Pero masayang-masaya naman si Matt dahil patuloy na mataas ang rating ng kanyang pinagbibidahang weekly series, na napapanood every Saturday sa ABS-CBN. May kasunod na agad na project si Matt after Pedro Penduko, ang Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Matt Evans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results