Without a doubt, Coco Martin is the most daring among the members of the all-male group Studs. Launched in the critically-acclaimed indie film Masahista, Coco did not hesitate to do all the nude and love scenes in the movie.
Coco Martin is the most daring member of Studs
Saturday, October 20, 2007
08:19 PM
Hindi lang ang hubad at seksing katawan ng sexy actor na si Coco Martin ang kaya niyang ipagmalaki. Dahil sa pagsali niya sa grupong Studs, papatunayan niya na may iba pa siyang talento.
Dahil sa Studs ay nasabak din si Coco sa sexy calendar ng grupo para sa X-Ray magazine. Hindi nahiyang ilantad ni Coco ang kanyang pinagpagurang katawan, kaya naman hindi siya nagpatalo sa mga kasama niya sa grupo na sina Mike Tan, Dion Ignacio, JC Cuadrado, Lance Oñate, Kevin Santos, Felix Roco, at Edgar Allan Guzman. Sa katunayan, siya nga ang pinaka-daring sa lahat.
Kung tutuusin ay hindi na bago para kay Coco ang maglantad ng kanyang katawan. Sa launching film pa lang niya na Masahista ay nagpakita na siya ng kanyang hubo't hubad na katawan.
"Pero never pa naman akong nag-frontal nudity," nakangiting paglilinaw ni Coco. "Tama na itong hanggang buttocks lang ang ipakita ko. Para naman meron pa silang aabangan sa akin. Hindi maganda yung lahat ipapakita mo kasi mawawalan ka na ng misteryo."
Sa pamamagitan ng bagong manager ni Coco na si Noel Ferrer ay marami raw siyang pinagdaanang workshops sa pagkanta at pagsayaw. Kaya sa launching ng Studs sa November 16 sa Ratsky's Morato ay handang-handa na siyang makipagsabayan sa mga production numbers nila.
Nasa cast din ng Ataul For Rent si Coco, kasama sina Joel Torre at Jaclyn Jose. Rated A ang naturang indie movie ng Cinema Evaluation Board at na-exhibit pa sa Montreal International Film Festival. Dadalhin din ang naturang movie for exhibition sa Cairo International Film Festival sa Egypt.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
Most Popular
- POSTSCRIPT: Dr. Margie Holmes analyzes the Kris-James-Mayen "love triangle"
- KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom Sharon
- Shalani Soledad says she has a good relationship with Kris Aquino
- Ariel Rivera and family will migrate to Canada in 2015
- Kapuso stars Rhian Ramos and Victor Aliwalas receive Model Star Award citations in Korea
- ELECTION WATCH: Joy Belmonte says her father did not react harshly to Aiko Melendez's tirades against her
- PEP EXCLUSIVE: Phil Younghusband's talent manager explains issue about ward's endorsements
- Derek Ramsay clarifies rumors linking him to Jinkee Pacquiao and a radio jock
- Showtime returns on air tomorrow
- Francine Prieto: "Hindi naman dapat maging hadlang ang weight ng isang tao, dapat yung talent pa rin."
Advertisement


