PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz willing to give marriage with Cesar Montano another shot

Sunshine admits Cesar is courting her again.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 21, 2008
"Mahal na mahal ko pa rin si Cesar. Whatever problems ang dumadaan sa amin, hindi maipagkakaila na siya lang talaga ang minahal kong lalaki," says Sunshine Cruz about estranged husband Cesar Montano.

Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang aktres na si Sunshine Cruz sa The Buzz kahapon, April 20, tungkol sa hiwalayan nila ng mister niyang si Cesar Montano. Simula kasi nang pumutok ang balita sa paghihiwalay nila ni Cesar bago magtapos ang 2007 ay iba't ibang anggulo na ang lumabas sa tunay na dahilan ng kanilang alitan.

Kapwa piniling manahimik at huwag magsalita on TV ng mag-asawa hanggang sa lumabas ang balita na nililigawang muli ni Cesar si Sunshine. Pero sa taping ng bagong show ni Cesar sa ABS-CBN, ang The Singing Bee—na magsisimula na mamayang gabi, April 21, pagkatapos ng Kung Fu Kids—nagkita at nagkausap ang mag-asawa, na ibinalita ni Sunshine sa The Buzz.

"Nag-text siya sa driver ko, that if we can talk nga daw. So, sabi ko, since I was around the area, I had a guesting, sabi ko sige dadaan na rin ako. Nagkita naman kami, we talked," lahad ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito inamin ni Sunshine na nanliligaw ulit sa kanya si Cesar.

"Oo, nanliligaw siya, totoo yun," pagkumpirma ng aktres. "Pero kahit nanliligaw, paminsan-minsan naman ang nagliligawan din, nagkakaroon pa rin ng misunderstanding at tampuhan. Kasi there are just some things na hindi nase-settle, hindi napag-uusapan.

"But I'm very thankful that last night, when I met to visit him sa Singing Bee, he did not take his dinner break. And we talked. And that was the first ever na pag-uusap namin na naging very healthy at talagang nakatulong naman."

Ipinahayag din ni Sunshine ang tunay na kalagayan ng kanilang relasyon ngayon ni Cesar.

"I'm also hoping for the best, because uulitin ko, mahal na mahal ko pa rin si Cesar. Whatever problems ang dumadaan sa amin, hindi maipagkakaila na siya lang talaga ang minahal kong lalaki... Well, of course, aside from my dad. And I'm willing to give it another shot. I'm willing to give it another try. Because I love him and I know that he still loves me. Kahit minsan pilyo ang asawa ko, alam ko naman na mahal niya ang pamilyang ito," pahayag ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posible rin daw na magkasama ulit sila ni Cesar sa trabaho.

"Not only movie! Bakit hindi sa isang bahay, di ba?" natatawang sabi ni Sunshine.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz, Cesar Montano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mahal na mahal ko pa rin si Cesar. Whatever problems ang dumadaan sa amin, hindi maipagkakaila na siya lang talaga ang minahal kong lalaki," says Sunshine Cruz about estranged husband Cesar Montano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results