"Heart Evangelista is on reset."
Iyon ang nakasulat sa Facebook account ng chinitang artista. "Tinanggal ko lahat ng hobbies, lahat ng sports. It just says there ‘I'm on reset,'" kuwento ni Heart sa July issue ng Cosmopolitan Magazine, kung saan daring na daring siya sa cover, suot ang sequined bra sa ilalim ng itim na jacket. "I'm building up myself again, getting to know myself again—what I really want, stuff like that."
Tatlong taon ding namahinga si Heart sa showbiz. Noon, halos isuko niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Ngayon, nagbabalik-showbiz si Heart sa tulong ng kanyang mga magulang at bagong manager na si Annabelle Rama, na matagal na ring kaibigan ng kanyang ama. "My family wasn't happy with how my life, my career was turning out to be," wika ni Heart, "They felt that if they handled my career, they'd be able to help me a lot."
Masaya ngayon si Heart sa piling ng kanyang mga magulang, na matagal rin niyang hindi nakausap at nakasama. "I missed so many Sundays," sabi niya, habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata, "So much time was wasted that I just want to see them everyday."
Ayon sa Cosmo, madalas ngayon makita ni Heart ang kanyang mommy, na kung minsan ay kasama pa niyang matulog sa gabi. Ang daddy naman niya ay para na niyang kabarkada, na ka-bonding niya sa mga "wine-and-cheese" evenings nilang mag-anak. "We talk about everything na talaga, pati nga yung susuotin ko," tawa ni Heart, "At pag may umaaligid, I tell him right away."
Maaring hindi pa handa si Heart umibig muli, ngunit hindi ito ibig sabihin na tuluyan nang sinara ni Heart ang kanyang puso—kailangan lang ay matagpuan niya ang tamang lalaki para sa kanya. "I'm so excited to meet that someone," kuwento ni Heart sa Cosmo, "I'm not going to look for him. I know it'll just come and I'm still going to get my happy ending. Lahat naman tayo makukuha natin yun, we just have to make the right choices."