PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE: Nadia Montengero plans to file a case against Cristy Fermin

Nadia admits that she has two adopted children.
by Archie de Calma
Published Oct 6, 2008
"Tungkol sa reaksiyon niya [Cristy], palagay ko hindi na sa talk shows 'yan dapat pag-usapan kung hindi sa korte na. Hindi naman ako ang maraming kasong pupuwedeng makuwestiyon ang kredibilidad ko. Bahala na ang mga taong maghusga," says Nadia Montenegro (left) about Cristy Fermin (right).

Isang humahalakhak na Nadia Montenegro ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono pagkatapos na lumabas ang side niya sa Showbiz Central at ang live interview kay Cristy Fermin sa The Buzz ay umere nitong Linggo ng hapon, October 5.

"How ridiculous!" bulalas ni Nadia. "Hindi ko ma-imagine how she [Cristy] can concoct outrageous lies. E, kung totoo sana 'yan, dapat sana'y hiniwalayan na ako ni Boy [Asistio, Nadia's husband]!"

Ito ang reaksiyon ni Nadia sa pasabog ni Cristy na sa isang parte raw ng buhay ng dating aktres ay nabuntis ito, nagluwal ng sanggol na hindi si Boy Asistio ang ama.

Ayon kay Cristy, naitago raw ito sa publiko dahil gumamit daw ng ibang pangalan si Nadia sa tinukoy na hospital kung saan isinilang ang bata.

"My gosh, walang ganyang pangyayari sa buhay ko! Maililihim ba 'yan samantalang marami ang nakakakilala sa akin? At may mga anak din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"If she wants to create another scandal or controversy, I guess I have to seek legal help na regarding that. I will talk to my lawyers tomorrow [October 6] regarding what moves I should take against Cristy Fermin's statements," diretsahang sabi ni Nadia.

Ayon kay Nadia, kinailangan niyang magsalita dahil mabigat ang pasabog at mga akusasyong inilahad ni Cristy, lalo pa't at stake dito ang sarili rin niyang kredibilidad at ang reputasyon ng kanyang pamilya.

"Nagsalita na kasi ako, at yun lang ang gusto kong sabihin. Tungkol sa reaksiyon niya [Cristy], palagay ko hindi na sa talk shows 'yan dapat pag-usapan kung hindi sa korte na. Hindi naman ako ang maraming kasong pupuwedeng makuwestiyon ang kredibilidad ko. Bahala na ang mga taong maghusga.

"Tungkol sa sinasabi niyang nagtaksil daw ako kay Boy at nagbunga yun, produkto na lang yun ng imahinasyon niya. Nagulat nga rin ako, at natawa!" sabi ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para raw kasi siyang "bawang o suka" na nakikisawsaw o sumasahog sa mga isyu.

"Ako'y nananahimik naman at hindi nakikisali. Sila ang unang nagkaladkad ng pangalan ko sa mga ganyan. Hindi na nga ako nag-aartista, so why should I be part of all the mess? Sumagot lang ako sa mga akusasyon nila.

"Yung tungkol kina Gabby [Concepcion] at Rose [Flaminiano], sino ba ang unang nagbanggit ng pangalan ko na kesyo nagsulsol, hindi ba't si Rose? E, ano naman ang kinalaman ko sa isyu nila ni Gabby? Kaibigan ko lang naman yung tao.

"At yung sinasabi nilang text messages, inaamin ko naman kung nanggaling talaga sa akin. Kung nagpasalin-salin yun sa iba at naiba na ang ibig sabihin, hindi ko na problema yun," pahayag ng dating aktres.

Walang klarong ideya si Nadia tungkol sa kinukuwestiyon na anak daw niya sa ibang lalaki. Pero aminado siyang may dalawa siyang ampon.

"Hindi ko itinatago ang dalawang batang yun," diin ni Nadia. "Yung isa nga, kamag-anak pa yun ni Boy. Yung isa naman, inihabilin sa akin. Isang five-year-old, at isang three-year-old. Ang sa akin lang, wala naman silang kamalay-malay para masangkot sa ganitong mga problema. Bakit ako magsasalita? E, maski siya [Cristy], hindi niya matukoy kung sino ba yung batang sinasabi niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagulat nga rin kami dahil sinabi ni Nadia na noon pa naman ay aware na siyang may tsismis sa kanyang ganoon, at ang pinagbibintangan pa ngang ama raw ng ipinagbuntis niya ay si Baron Geisler.

"Hindi ako mapagpatol sa ganyang mga tsismis. Kung mayroon silang claim na ganyan, e, patunayan na lang nila sa korte dahil wala naman akong pupuwedeng sabihin. Kahit na yung sinasabi nilang artistang babae na pinag-iwanan ko muna sa bata at ibinalik na lang sa akin, well, hindi ko alam kung saan nila napulot ang istoryang 'yan.

"Mas mabuting patunayan na lang nila 'yan, hindi sa talk shows, kung hindi sa korte dahil nagpaplano talaga akong mag-file ng kaso laban sa kanya [Cristy]," pahayag ni Nadia.

Tiyak na hindi rito matatapos ang isyung ito sa pagitan nina Nadia at Cristy. Kaya ang PEP ay bukas palagi at hindi namamahinga para sa side ng mga kuwento ng mga nasasangkot sa kontrobersiyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tungkol sa reaksiyon niya [Cristy], palagay ko hindi na sa talk shows 'yan dapat pag-usapan kung hindi sa korte na. Hindi naman ako ang maraming kasong pupuwedeng makuwestiyon ang kredibilidad ko. Bahala na ang mga taong maghusga," says Nadia Montenegro (left) about Cristy Fermin (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results