| Register
Karylle leaves Angeli Valenciano


  Karylle is still mum about her rumored breakup with Dingdong Dantes, but STAGES admits that the young singer-actress has broken her ties with Angeli Pangilinan-Valenciano to transfer to STAGES.

Karylle leaves Angeli Valenciano's Genesis for STAGES management

Rose Garcia

Rating

  • Bookmark and Share


Kailan lang nang may makarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na balitang wala na raw si Karylle sa pangangalaga ng Genesis Entertainment ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

 

Unang tinanong ng PEP si Karylle kung totoo nga ba ang balita at kung totoo rin ba na tulad ni Christian Bautista, na nakasama niya sa musical play na West Side Story, ay iisa na lang ang manager nila—si Carlo Orosa ng STAGES.

 

Hindi kami nakatanggap ng sagot mula kay Karylle, kahit wala naman kaming tanong tungkol sa rumored breakup nila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes. Balita kasi na hangga't maaari, umiiwas daw talaga si Karylle na magpa-interview muna about the issue.

 

Inisip na lang ng PEP na baka busy si Karylle, na ang balita namin ay nasa out of town. Kaya minabuti na lang ng PEP na idiretso ang tanong sa publicist ng STAGES na si Oliver Oliveros. Mabilis naman itong sumagot through text na bago pa man ang final run ng West Side Story, nasa ilalim na ng STAGES management si Karylle.

 

Pero ilang oras pa rin ang lumipas bago kami binalikan ni Oliver nang tanungin namin ng ilan pang impormasyon tungkol sa paglipat ni Karylle ng management. Base sa text message na ipinadala ni Oliver, maayos naman daw ang paglipat ni Karylle ng management mula sa pangangalaga ng asawa ni Gary Valenciano na si Angeli.

 

"Manila Genesis management knew that Karylle would transfer to Stages talent group prior to the final weekend run of West Side Story. We are in a period of peaceful transition. We are initially planning to work on Karylle's new studio album," ang ibinigay na statement ng STAGES sa PEP.

 

Sa mga naririnig naman ng PEP, isa raw sa reason ni Karylle ay dahil nag-enjoy raw talaga ang young singer-actress sa musical play. At ngayong nabigyan na siya ng pagkakataon, plano ni Karylle na ituloy ang theater career niya hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad. Ang STAGES kasi ang isa sa mga management na may link sa mga stage play here and abroad.

 

Makakasama na ni Karylle ngayon sa STAGES ang iba pang talents na mina-manage nito gaya nina Christian Bautista, Sam Concepcion, Iñaki Ting, Raki Vega, Isabella Chen, at Aria Clemente.

 

Samantala, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang statement nina Karylle at Dingdong kung ano nga ba ang totoo sa likod ng usap-usapan na break na silang dalawa. Pero mukhang sa ngayon, ang kumpirmado lang ay ang pakikipagkalas ni Karylle sa dati niyang manager.

 



Pages: 1  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
121 Comments
page    1    2    3   
pagelocation: views


Advertisement