Always the proud and loyal twin to Richard Gutierrez, present din si Raymond Gutierrez sa grand launching ng pampitong primetime soap ng kanyang kakambal sa GMA-7, ang Zorro, last March 16. Double duty na rin ito para kay Raymond dahil mag-i-interview siya para sa kanyang Sunday showbiz talk show na Showbiz Central.
Pagkatapos ng presscon, nilapitan agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Raymond para interbyuhin tungkol sa pinakabagong issue na kinasasangkutan ng Showbiz Central.
Noong nakaraang linggo kasi, pagbalik ni Rufa Mae Quinto from a series of shows abroad, imbes na sa Showbiz Central siya lumabas, na-taped interview siya sa katapat na show nito na The Buzz. Ang naging topic ay ang co-host nila sa Showbiz Central si Mo Twister tungkol sa Dra. Vicki Belo interview. (Click here to read related story.)
"Surprised," ang paulit-ulit na description ni Raymond sa ginawang interview ni Rufa Mae sa The Buzz. "SC knows na hindi pa lalabas si P-Chi sa Showbiz Central for the next two weeks. This Sunday kasi, may show pa siya sa Dubai. Pero pagbalik niya, the production plans na pag-usapin ang dalawa [Mo and Rufa Mae] para maayos ito. Pero sa amin na lang yun, hindi na ilalabas para pag nag-on air ang dalawa, ayos na.
"Alam mo, the production were surprised noong nakita si Rufa Mae na nagsasalita sa The Buzz," dagdag ng TV host.
Na-cut muna namin si Raymond dito para sa point na nanonood ang Showbiz Central ng The Buzz habang on air ang dalawang showbiz talk shows.
"It's standard. We watch their show para alam namin kung anong segment na. What they wear na rin, pero walang audio ito. It's competition," paliwanag ni Raymond.
Going back to Rufa Mae, hindi naniniwala si Raymond na may ulterior motive ang co-host para magpa-interview sa katapat na show.
"She just arrived from the States. Maybe she was ambushed. Hindi rin natin alam," sabi niya.
Paalala namin, hindi ba dapat kapag ambushed, mas dapat na mag-ingat ang isang artista sa pagsasalita?
"I know her. Maybe she's really upset kaya niya nasabi yun. Pero once magkausap sila ni Mo, I'm sure magiging okay sila ulit," pagtatanggol ni Raymond sa kanyang co-host.
Going back, The Buzz co-host Kris Aquino made a comment na hindi raw siya nanonood ng Showbiz Central.
"Ah, talaga? Kami nanonood. But we're very happy. Topic pala ang Showbiz Central sa The Buzz last Sunday. Mileage din sa amin yun kasi people watching them will be curious at baka panoorin naman kami. Advantage yun sa amin.
"Saka thankful nga kami na napapag-usapan kami sa The Buzz. Kasi sa amin, never namin silang pinag-usapan on air," buwelta naman ni Raymond.
Natawa kami sa sagot ni Raymond at sinabi namin na baka pagsimulan na naman ito ng balitaktakan.
"I love our show!" sabi niya sabay tawa. "Saka wala naman yun, this is just competition. My sister [Ruffa Gutierrez] is in The Buzz. Wala ito."