PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid reveals crying with Regine Velasquez upon seeing each other for the first time after three weeks

Ogie is enjoying her character as Angelina.
by Kate Borbon
Published Apr 18, 2009
"Parang nag-iyakan lang kami, e! Ang tagal kasi naming hindi nagkita, e, halos three weeks. Sinundo ko siya sa airport, April 8. Siyempre, date-date. Tapos 'yon, we went to Batangas for Holy Week. Tapos work na naman after," says Ogie Alcasid about seeing girlfriend Regine Velasquez for the first time after three weeks.

Hindi na talaga mapigilan ang tuluy-tuloy na pagsikat nina Angelina at Yaya, ang mga karakter na ginagampanan nina Ogie Alcasid at Michael V, respectively. Nag-originate sa Bubble Gang ang characters nina Angelina at Yaya, at ngayon nga ay kinuha na rin sila bilang hosts ng bagong game show ng GMA-7, ang Hole In The Wall, na mapapanood na simula sa April 20 bago mag-24 Oras.

PLAYING ANGELINA. Tuwang-tuwa si Ogie sa character niyang si Angelina, ang batang pilya na laging nagsasabi ng, 'You're such a loser, Yaya!' with matching hand sign pa na L.

"Nakakatuwa kahit saan ako magpunta, yung mga bata, ginagaya siya. Meron nga kaming fan na special child, nai-inspire siya dun kay Angelina. Kahit noong nasa Dubai kami, nagsasabi sila, 'Loser, loser!' Ang galing, e, parang weird.

"Si Michael V. ang yaya ko rito na lagi kong iniisahan. Siya ang laging kasama ko kasi working mom yung mother ko, e. Si Yaya ay talagang busilak ang puso!" natatawang pahayag ni Ogie nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang naka-Angelina costume sa presscon ng Hole In The Wall, na ginanap kahapon, April 17, sa Studio 7 ng bagong building ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Ogie sa Hole In The Wall dahil bukod sa gagawin nilang pagpapatawa ni Michael V, talaga namang daw hahalakhak ang mga taong makakapanood sa kanilang game show dahil sa kakaibang konsepto nito. Kailangan kasing makapasok ang grupo ng tatlong contestants sa isang wall na may nakakorteng butas. Kapag hindi nagtagumpay makapasok sa butas ang contestants ay mahuhulog sila sa tubig.

Ang winners ay maaaring manalo ng at least P50,000 sa elimination round, at another P50,000 sa bonus round. Ang premyo sa bonus round ay palaki nang palaki hangga't hindi ito napagtatagumpayang makuha.

BEST FRIEND BITOY. Happy rin si Ogie na ang best friend niyang si Michael V. ang kasama niya sa Hole In The Wall. Matagal nang magkaibigan ang dalawa, kaya naitanong tuloy ng PEP kay Ogie kung bilang magkaibigan, ano na ang best na nagawa ni Michael V para sa kanya.

"A, si Bitoy, marami 'yang nagagawa for me. Kasi ano, 'yan e, parang konsensiya ko siya, e," sabi ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin ni Ogie, bakit nagki-click ang tandem nia ni Michael V.?

"Yung friendship kasi, malaking foundation 'yan, e. Matagal na kaming magkasama kaya gamay na gamay, kilalang-kilala na namin ang isa't isa."

Nagkaroon na ba sila ng tampuhan?

Bago nakasagot si Ogie ay si Michael V, na nasa tabi niya, ang nagpaalala kay Ogie. At sinabi ni Michael V., na nagtampo raw siya kay Ogie noong time na una silang nagtagpo sa Eat Bulaga!.

"Oo nga, oo nga... Kasi contestant siya noon. Rap contest 'yon, e, judge ako. Sa lahat ng judge mataas ang score niya, sa akin mababang-mababa siya kaya talo siya!" balik-tanaw ni Ogie, pagkatapos ay humalakhak nang malakas.

Bakit niya binigyan ng mababang score si Bitoy?

"E, wala naman akong alam sa rap, e. Para sa akin, hindi sila magaling ng partner niyang si Lady Dianne. Ang sama-sama ng loob niya sa akin noon," kuwento ni Ogie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero napag-usapan na ba nila ang tungkol doon?

"Oo, palagi. Hindi namin makalimutan 'yan. Ang tagal na noon, siguro mga 19 years ago."

Bukod sa TV show, kaabang-abang din ang gagawing pelikula nina Ogie at Michael V, still as Angelina at Yaya. Kailan magsisimula ang shooting ng movie?

"Siguro by May. Kasi ngayon, pinu-polish pa yung script. Pero expect the movie na mas malaki yung scope kaysa sa ginagawa namin sa TV."

Anong feeling niya na ang layo na ng nararating nina Angelina at Yaya?

"Siyempre, we're very happy and very, very excited," sagot ni Ogie. "I think first time na nagkaroon ng second, third life yung character na ginawa namin. Hopefully, makagawa pa kami ng ibang characters na magiging ganito katindi ang dating sa tao."

Bukod sa paghu-host ng Hole In The Wall ay regular pa ring napapanood si Ogie sa Bubble Gang at SOP ng GMA-7. Sinimulan na rin niya ang shooting ng pelikula nila ni Judy Ann Santos sa Regal Entertainment, ang OMG! (Oh, My Girl!).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dami ng trabaho ni Ogie, may time pa ba siyang magpahinga?

"May time pa naman akong makatulog nang konti," biro ni Ogie.

Mabuti rin may time pa siya sa love?

"Oo naman, diyan tayo kumukuha ng inspirasyon e. Love is always there."


REGINE'S BIRTHDAY. Aminado si Ogie na mas natutuwa ang kanyang girlfriend na si Regine Velasquez sa karakter niyang Angelina kumpara sa ibang characters na nagawa na niya.

"Parang mas natutuwa siya kay Angelina kasi bata, e, makulit. Siyempre Angelina, iba ang dating, e," aniya.

Speaking of Regine, birthday na nito sa April 22. Anong balak nilang gawin ng Asia's Songbird sa birthday nito?

"Balak? Well, baka mag-barbecue-barbecue lang kami. Mahilig kasi yun mag-barbecue. Originally kasi, dapat dadalhin ko siya sa Goma Cup. Pero may taping ako ng Hole In The Wall sa 24, so parang bitin. Gusto naman sana niyang mag-Hong Kong kaya lang... Kagagaling lang din niya ng States, so baka barbecue-barbecue lang kami. Sina Juday [Judy Ann Santos] siguro kasama namin. Sina Bitoy, Jaya, and some other friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron na ba siyang regalo for Regine?

"Nabili ko na."

Pwede bang malaman kung ano ito?

"Basta sa kanya n'yo na lang tanungin. Naibigay ko na sa kanya kahapon. Excited, e. Kunwari pa ayaw niya, pero talon nang talon."

Mahilig kasi si Regine sa bags, so bag ba ang regalo mo sa kanya?

"Tanungin n'yo na lang sa kanya. Basta it's something na alam kong gustung-gusto niya, e."

Pero mapilit pa rin ang press sa pagtatanong kung Hermes ba ang tatak nito?

"Hindi naman ganun. Basta makikita n 'yo na lang," giit ni Ogie.

HOLY WEEK WITH REGINE. Saan sila nag-Holy Week ni Regine?

"Sa Batangas kami, doon sa beach house ng friend ko, ka-golf ko. Nakita ko nga sina William [Martinez] doon, si Yayo [Aguila], at saka yung family. Nagkasama-sama kami doon. Kasama ko yung daddy ko, si George [alagang aso ni Regine], yung kapatid ko. Kasi yung mommy ko nasa Europe siya kaya hindi siya sumama. Tapos birthday ng dad ko, kaya 'yon, nag-celebrate din," kuwento ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa ang Holy Week vacation ay nasa Pilipinas na si Regine after ng successful Divas For Divas concert tour nila sa U.S. Nung pagdating ni Regine from the States, ano ang unang sinabi sa kanya ng Songbird?

"Parang nag-iyakan lang kami, e!" natatawang sabi ni Ogie. "Ang tagal kasi naming hindi nagkita, e, halos three weeks. Sinundo ko siya sa airport, April 8. Siyempre, date-date. Tapos 'yon, we went to Batangas for Holy Week. Tapos work na naman after.

"Pero noong Holy Week, naka-relax siya, nakatulog siya. Ang sarap! It's one of my most enjoyable Holy Week. Siyempre, wala lang yung mga anak ko, but aalis naman ako ng May, pupunta naman ako ng Sydney."

Hindi ba nila kayang matagal na maghiwalay?

"Siyempre," sagot ni Ogie. "At saka feeling ko, tama na yung ganun. Dapat siguro by next year, tama muna yung matagal na hindi nagkikita, di ba? Feeling ko, dapat ganun. Feeling ko, kung magto-tour kami, dapat kami yung magkasama. Kasi ilang taon na ako, di ba, 41? Dapat naman lubus-lubusin namin yung time na magkasama kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun din ba ang gusto ni Regine?

"Oo. Pag magkahiwalay kami, parang hindi kami makatulog."

Pero nagtatawagan naman sila, di ba?

"E, kasi, magkaiba nga ng oras. Minsan tulog pa, yun. But anyway, sabi ko nga sa kanya, hopefully, eto, may tour kami by December. I think we're going to Europe. Sana matuloy 'yon. Three weeks yun, pero trabaho yun. Pero at least, kasama ko siya."

Sa dami ng trabaho nila pareho ni Regine, paano pa sila nagkakaroon ng time sa isa't isa?

"Yun nga, oo. E, iniisip ko na lang siguro na by November, medyo maluwag."

Sino sa kanila ang nag-a-adjust ng time?

"Pareho kami kasi siyempre, siya may Totoy Bato, and then aalis na naman siya for the States for Part 2 ng tour niya. Tapos meron siya nung [Are You] The Next Big Star. Pero magkikita kami sa Celebrity Duets [Season 3]. I think by November siguro. Matagal pa nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero alam mo ang maganda kay Regs... Kasi nakikita niya yung sa movie ko, movie namin ni Juday [OMG]. Nakikita kong sobra siyang proud kasi nakuwento ko sa kanya niya noon na, 'Alam mo, Hon, parang na-miss ko yung movies. Kakarerin ko ito,' sabi ko. Pag medyo pinalad ako, itutuluy-tuloy ko. E, after Desperadas, nagkaroon ng mark yung brand of comedy ko doon, and thank you to Mother Lily [Monteverde], you know, binigyan niya ako ulit ng movie with Juday, and with GMA Films. So, parang panahon ng comedy ulit, so nakakatuwa."


MARRYING REGINE. Sabi ni Regine, ang pinaka-sweet na ginagawa ni Ogie for her ay yung pagbibigay niya ng letters at mga tula. Si Regine, ba ano ang pinaka-sweet na nagawa para sa kanya?

"Lagi 'yang nagluluto for me," sagot ni Ogie.

Does he still believe in marriage?

"Of course!" mabilis niyang sagot.

So, kailan niya pakakasalan si Regine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm sorry, I cannot answer that question. Wala pa sa isip ng bata 'yan!" patawa ni Ogie, na biglang nag-shift sa character ni Angelina para makaiwas sa tanong.

Napag-uusapan na ba nila ni Regine kung magkakaroon sila ng mga anak?

"Hindi ko pwedeng sagutin ang mga tanong na 'yan kasi bata pa ako," ani Ogie na naka-Angelina character pa rin. "Alam n'yo naman, hindi ko pa pwede sagutin. Pag pwede na."

Hindi pa ba sila nagli-live in ni Regine?

"Hindi... bawal, magagalit ang kuwan," iwas pa rin ni Angelina, este, Ogie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang nag-iyakan lang kami, e! Ang tagal kasi naming hindi nagkita, e, halos three weeks. Sinundo ko siya sa airport, April 8. Siyempre, date-date. Tapos 'yon, we went to Batangas for Holy Week. Tapos work na naman after," says Ogie Alcasid about seeing girlfriend Regine Velasquez for the first time after three weeks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results