Bago magtapos ang taon, marami ang nag-abang sa panig ng mga Ranillo hinggil sa isyung kinasangkutan ni Krista Ranillo, na may relasyon daw sa famoso, at may-asawang, boxer na si Manny Pacquiao.
Last week ay may balitang kumonsulta si Krista ng duktor para lang patunayan na hindi siya buntis.
Sa Startalk kahapon, ang tiyahin ni Krista na si Suzette Ranillo ay nagpaunlak ng interview at nagbigay ng pahayag partikular sa aktres na si Gina Alajar at sa Kapuso star na si Bianca King.
Matatandaang naging controversial ang status na nai-post ni Gina sa kanyang Facebook account patungkol kay Krista. Samantala, ikinagalit naman ni Bianca ang pagkakatanggal niya sa tent na ginagamit nilang dressing room ni Krista noong shooting ng Wapakman, at si Suzette ang itinuro ng ibang tao na naglabas ng mga gamit niya.
Ayon kay Suzette, "The family has been tried by bad publicity. This whole thing has been blown out of proportion by everyone, except by them. I think with Manny, who has given so much fight [sic] with our country, siguro dapat i-focus natin ang energy sa contribution sa ating bansa. So, kung anuman yung mga problema nila, let's set that aside. Alam niyo, ang na-contribute ni Manny sa bansa, palagay ko, mahirap na or hindi na mapantayan ng kahit sino lang na Filipino."
MESSAGE FOR GINA. "Kay Gina, kung anuman ang naging marital issues mo, sana huwag kang mag-fault-find, lalung-lalo na kay Krista. You know in your heart what's the real reason kung bakit nagkaganyan ang marriage ninyo."
Dugtong pa niya, "I pray that sana, you can rise above these trials of yours just like anyone else kung meron mang trials. We can all rise above our trials, so we can be an amazing witness to God's grace."
MESSAGE FOR BIANCA. Aniya, "Okay, kay Bianca, pasensiya ka na kung may mga naglabas ng gamit mo sa tent. But I just want to let you know and once and for all, hindi ako ang naglabas ng mga gamit mo sa tent.
"So, whatever reason that you got offended, pasensiya na lang. That's part of showbiz. But, just like what I've said, I did not take your things out of the tent. If people said that I did, that's pure hearsay. So, alamin muna natin kung ano ang totoo."
MESSAGE FOR KRISTA. "My family is not perfect. But one thing I can say, Krista is not a bad person. She may not be perfect but she's not a bad person. As a matter of fact, she's a very loving person. She's a very giving person.
"And I'm proud of my family, I'm proud of Krista."
"Well, no matter what, in spite of everything, our love for you, Krista, is unconditional. And that will always be that way. Always be the same."
