PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza learns how to be practical at a very young age

The young actress uses her short vacation to spend time with her family and friends.
by Ruel J. Mendoza
Published Aug 24, 2010
"Balang-araw, gusto ko na ako na ang mag-take over sa negosyo namin. Gusto kong mas lumaki pa siya. Kaya habang may trabaho, mag-iipon lang ako at ilagay ko ang mga kinikita ko sa alam kong makakatulong sa akin at sa family ko nang matagalan," says 13-year-old Barbie Forteza.

Sa Biyernes, August 27, ay matatapos na ang telefantasya na pinagbibidahan ni Barbie Forteza sa GMA-7, ang Pilyang Kerubin. Nalungkot nga raw ang young star dahil ang bilis ng one season at mami-miss daw niya ang bonding nilang lahat sa cast.

Kuwento pa ni Barbie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), naging isang malaking family na raw kasi sila sa set ng Pilyang Kerubin at nagkaiyakan daw sila nang i-shoot na nila ang last episode nito last week.

Dagdag niya, "Super close kaming lahat talaga. Lalo na kay Miss Ina [Feleo], kay Sir Raymart [Santiago], kay Elmo [Magalona], at sa iba pa. Masaya kami kapag taping kasi nakikihalubilo sa amin si Direk Maryo [de los Reyes]. Mami-miss ko silang lahat at sana nga magkasama ulit kami sa iba pang shows."

WILL NOT MISS EACH OTHER. Hindi naman daw niya masyadong mami-miss ang ka-love team niyang si Joshua Dioniso dahil parati naman daw silang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Joshua kasi, pareho ang mga lakad namin," sabi ni Barbie. "Magkasabay kami sa mga guestings at sa mga ginagawa naming mall shows. Kaya hindi ko na siya mami-miss talaga. Tulad this coming Sunday, nasa Party Pilipinas naman kami. Kaya halos every day, nagkikita pa rin kami kahit wala na ang taping namin for Pilyang Kerubin."

Wala pa nga raw na sinasabi kung ano ang magiging susunod na show nina Barbie at Joshua after Pilyang Kerubin. Okey lang daw kay Barbie dahil magkakaroon na siya ng time na magpahinga at maka-bonding ang buong pamilya niya.

"After po kasi ng First Time, nag-taping kami agad for Pilyang Kerubin. Kaya wala kaming time ni Joshua na magkaroon ng time with our family and friends. Lalo na ako kasi yung ibang relatives at friends ko ay nasa Biñan, Laguna pa.

"Ngayon, since wala pa naman daw bagong series, may time kami to spend with our family and friends. Pero may sinabi naman sila na may gagawin kaming movie ni Joshua. Hinihintay na lang namin kung kelan 'yon," kuwento ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

APARTMENT OVER CELL PHONE. Hindi na rin daw nabili ni Barbie ang gusto niyang bagong cell phone na sana ay regalo niya sa sarili noong 13th birthday niya last July 31. Nakalabas na raw ang naturang cell phone, pero hindi ito binili ni Barbie dahil nagkakahalaga ito ng mahigit P32,000.

Bukod dito, kakalipat lang daw nila sa bagong apartment sa Quezon City at malaki ang upa nila every month. Lumipat sila from Laguna to Quezon City para hindi nahihirapan si Barbie sa mahabang biyahe.

Marami pa raw silang kailangan na gamit sa kanilang nilipatang apartment kaya mas magagamit pa raw nila ang ipambibili niya ng cell phone sa mga kulang nila sa bahay.

"Pinag-isipan ko po talaga yung cell phone," sabi ni Barbie. "Tama naman na hindi ko naman kailangan ng sobrang mahal na cell phone. Masaya naman ako sa gamit ko ngayon. Mas kailangan nga na pagkagastusan namin ang nilipatan naming apartment.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Marami pa kaming kailangang bilhin at magagamit nga namin yung P32,000 sa ibang bagay. Nagre-rent lang kami kaya doon na lang muna igagastos ang pera. Makakabili pa naman daw ulit ako ng cell phone. Mas maganda raw yung maging praktikal ngayon."

Uuwi pa rin naman daw sila sa bahay nila sa Biñan, Laguna, dahil nandoon pa ang nakakatandang kapatid ni Barbie at ilang mga kamag-anak nila. Doon din kasi naitayo ang family business nila kaya kada weekend ay umuuwi ang kanyang magulang para asikasuhin ang kanilang negosyo.

"Business kasi namin yung mga sweets. May puwesto kami sa Biñan kaya hindi namin puwedeng pabayaan 'yon. Maliit pa ako, yun na ang naging business ng family namin. Marami na kaming mga naging suki doon.

"Balang-araw, gusto ko na ako na ang mag-take over sa negosyo namin. Gusto kong mas lumaki pa siya. Kaya habang may trabaho, mag-iipon lang ako at ilagay ko ang mga kinikita ko sa alam kong makakatulong sa akin at sa family ko nang matagalan," ani Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Barbie Forteza, Joshua Dionisio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Balang-araw, gusto ko na ako na ang mag-take over sa negosyo namin. Gusto kong mas lumaki pa siya. Kaya habang may trabaho, mag-iipon lang ako at ilagay ko ang mga kinikita ko sa alam kong makakatulong sa akin at sa family ko nang matagalan," says 13-year-old Barbie Forteza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results