Tuwing Pasko ay hindi maiwasang maparami ang kain ng mga tao, lalo pa't sunod-sunod ang mga kainan na ating dinadaluhan.
Kapag ganitong panahon, paano kaya napapanatili ng mga artista ang kanilang magandang pangangatawan?
Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sikreto ng tatlong celebs sa pagpapanatili ng kanilang maganda at malusog na katawan.
BURN, BABY, BURN! Hindi ipinagkaila nila Gwendoline Ruais, Iya Villania, at Aljur Abrenica na mas masarap ang pagkain tuwing pasko.
Pero importante pa rin daw na piliin ang kakainin at katamtaman lamang ang uubusin.
GWENDOLINE RUAIS: "I think you just have to make choices, good choices, like if you eat too much, you go the gym the next day.
"It's all about balance, I think.
"So, if I really want to enjoy this chocolate, I'm gonna eat it. Siyempre, I'll spend an hour in the gym the next day.
"It's all about balance, and choosing your priorities is what matters the most. What matters to me most is to enjoy the food."
IYA VILLANIA: "Iyon nga lang, 'pag ganitong panahon kailangan mo pa ng konting tulak pa. So, constant exercise, healthy diet, of course, with the help of supplements."
ALJUR ABRENICA: "Siyempre, continuously working out, and siyempre tinitignan ko pa rin 'yong kinakain ko.
"Pero, eventually, pagdating ng holiday masarap talaga kumain! Well, ako hindi ko talaga pipigilan ang sarili ko.
"Pero ime-maintain ko, ime-maintain ko 'yong this fit body by working out."
Kaya paalala nila ngayong Pasko, masasarap man ang mga pagkaing nakahanda, huwag nating kalimutan na panatilihing malusog ang ating mga katawan.