Si Sunyee Maluche ang pinakabatang female cast member ng Teen Gen. Kasalukuyang nag-aaral siya sa isang German-European international school sa Bicutan.

Photo: Noel Orsal

Filipino-German ang newcomer ng GMA-7 na si Sunyee Maluche, isa sa mga ipapakilala sa Teen Gen.

Dito na sa Pilipinas ipinanganak si Sunyee na malapit ang pagkakahawig kay Solenn Heussaff.

Ang unang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay kung bakit tunog Chinese ang first name niya.

“Nung pinanganak po ako, yung tita ko, Sunyee rin ang pangalan. Nandun siya, siya yung nagbigay ng pangalan ko,” natatawang pagkuwento ng newbie.

First audition at first exposure ba sa showbiz ni Sunyee ang Teen Gen?

“Sa showbiz talaga, yes... Dati sa commercials, but I only did three. Pero basically, one lang kasi yung dalawa, as in extra lang, so hindi ako masyadong nakita. Parang eksena lang sa gilid, ganyan...

"Tapos before Teen Gen, I did yung music video po nina apl.de.ap at Jessica Sanchez.”

Bakit hindi  siya sumali sa Protégé o iba pang artista search sa telebisyon?

“Nahihiya po ako.”

Dahil dito, muntik na rin daw siyang hindi mag-audition para sa Teen Gen.

“Actually kasi, I didn’t really wanna join. I was shy, kaya sabi ko, ayoko. But my dad said it’s also better for the future."

Isang freelance photographer at artist ang ama niyang si Andreas Maluche.

Sa pagpapatuloy ni Sunyee, "Nung una, ayoko kasi wala akong kasama. Tapos pagdating ko dito, nakasabayan ko sa pila yung best friend ko, hindi niya sa akin sinabi.”

Hindi sinuwerteng makuha para sa nasabing youth-oriented show ang best friend ng 15-year-old Kapuso.

Sa Teen Gen, si Sunyee ay gaganap sa papel ni Drew.