PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NEWBIE. Miguel Tanfelix gets first big break playing mentally-challenged teener in GMA-7's Niño

Miguel Tanfelix admits big crush on Marian Rivera.
Published Apr 9, 2014
Miguel Tanfelix admits feeling pressured about living up to high expectations for his first starring role. “May pressure din po siya kahit papaano, kasi ito po iyong first na lead role ko po, kaya parang may pressure po talaga, hindi po mawawala iyon.”

Fifteen years old na ngayon at nasa 5'5" ang height ng young actor na si Miguel Tanfelix, na unang nakilala nang maging First Prince sa reality talent search na StarStruck Kids (2004).

Ang mga nanalo noong batch nila ay sina Sam Bumatay at si Kurt Perez. First Princess naman noon si Ella Guevara. Ka-batch rin nila ang teen star na ngayong si Bea Binene.

Ilu-launch na bilang teen star si Miguel, kasama si Bianca Umali, sa upcoming drama series ng GMA, ang Niño.

“Ako po si Niño, parang ano po ako, may problema sa pag-iisip, tapos may kaibigan po ako na Sto. Niño. Nabuhay po siya, tapos siya po iyong magiging kaibigan ko,” kuwento ni Miguel tungkol sa role na kanyang gagampanan.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon para sa kanila ni Bianca sa 17th floor ng GMA Network Center, noong April 1.

PLAYING MENTALLY-CHALLENGED. Gumanap na rin daw siya bilang isang mentally-challenged character sa Tinik sa Dibdib (2009).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nahihirapan na pangalawang beses na itong pagganap niya bilang may kakulangan sa pag-iisip?

Sagot ni Miguel: “Kasi po, parang magkaiba iyong pagka-retarded niya po.

"Iyong sa Tinik sa Dibdib, iyon five years old; dito eight, nine, ten [ang mental age niya]...

“Mabagal po iyong pick-up niya sa mga bagay-bagay,”

Bago pa nagsimula ang taping nila noong April 4, nagkaroon na siya ng ilang preparasyon para sa kanyang role.

“Opo, para magampanan ko po nang maayos iyong role ko," aniya.

“Nag-workshop po kami before kay Direk Maryo po, so iyon po, iyong mga itinuro po sa amin sa workshop ang ia-apply namin para mapaganda ang show.”

Ang tinutukoy niyang Direk Maryo ay si Maryo J. Delos Reyes na siya ring manager ni Miguel.

Dagdag pa niya, kahit raw sa pananalita niya ay nagpraktis siya.

“Kasi po, noong sa Paroa po, parang bubulul-bulol pa ako.

"Tapos, next, sa Love & Lies, iyon, parang praktis lang po talaga para ma-straight iyong delivery ko ng lines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin ni Miguel sa show sina Katrina Halili at Tom Rodriguez.

SHOWBIZ IDOLS. Mistulang paghahanda na nga ang Niño para makilala ng Pinoy audience bilang isang tween star ni Miguel.

At sa mga kasalukuyang tween stars, idolo raw niya si Derrick Monasterio.

“Kakulitan ko po si Derrick Monasterio, kasi talagang sobrang ano po talaga ni Derrick, sobrang kulit talaga.

"Sa set, hindi po talaga puwedeng hindi maingay. Maingay talaga,” at natawa si Miguel.

Sa tinging ba niya as siya ang next Derrick Monasterio sa batch nilang mga tween stars?

Tugon niya: “Bakit po hindi? Kasi, si Kuya Derrick, kilala naman na po siya, 'tsaka iniidiolo po siya ng marami. Marami na pong may kilala sa kanya. Kaya bakit po hindi?”

Maituturing na "bromance" ang pagkakaibigan ni Derrick at ng isa pang GMA teen star na si Kristoffer Martin.

Tulad ng idolo niyang si Derrick, si Miguel ba ay may ka-close rin na male star?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Renz Valerio po," tugon niya.

"Kasi simula pa po noong bata pa kami, magkakilala na po kami.”

Kasama rin si Renz sa cast ng Niño.

Kaibigan din daw ni Miguel ang young male star na si Julian Trono.

Sa mga top actors naman, iniidolo ni Miguel sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

“Pero ang gusto ko po pagdating sa pag-arte, sa professionalism, si Pen Medina,” dagdag pa niya.

Nakatrabaho na raw niya ang beteranong aktor sa Mga Basang Sisiw.

“Kasi po, nakita ko po siya kung paano umarte, tapos magaling po siya. Bakla po siya doon.”

Si Miguel ba ay ay handang tumanggap ng gay role kung sakali?

Natatawa nitong pahayag: “Puwede naman po. Kung iyon po ang ibibigay na role sa akin, bakit hindi po?”

SHOWBIZ CRUSH. Samantala, crush naman ni Miguel ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

May kopya ba siya ng men's magazine kung saan si Marian ang cover?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay wala po,” natatawang sagot ni Miguel.

“Kasi po, wala pa po iyan sa isip ko. Pag-aaral po muna.”

Kung bibigyan siya ni Marian ng kopya, tatanggapin ba niya?

“Kasi po, ano po, e... Parang wala pa po sa isip ko pag ganoon,” nahihiya pa niyang pag-amin.

Bakit niya gusto si Marian?

Sagot nito, “Kasi mabait po at magaling umarte.”

Nakasama na raw niya ito sa mga events ng GMA. At kung balang-araw ay maging leading lady niya si Marian, saad ni Miguel ay: “Why not po?”

Sa mga tween stars naman, sino ang crush niya?

“Sa akin po, hinahangaan ko naman po silang lahat.

“Pero kung isa lang... Siguro po kung bibigyan ako ng chance na maka-partner, siguro po si Barbie Forteza, kasi po magaling umarte, mabait... Parang katulad po sila ni Marian."

Sa kabilang istasyon naman ay gusto raw niya sina Kathryn Bernardo at si Julia Barretto.

PRESSURE ON LEAD ROLE. Pressure ba kay Miguel na siya ang magdadala ng Niño bilang lead star nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May pressure din po siya kahit papaano, kasi ito po iyong first na lead role ko po, kaya parang may pressure po talaga, hindi po mawawala iyon.

“Kahit sa lahat ng show, kahit mapa-support man po iyan, hindi po mawawala ang pressure para sa ikagaganda ng show po,” pag-amin niya.

ON BIANCA UMALI. Malamang naman ay ma-link sila ng kanyang ka-partner sa show na si Bianca. Sa ngayon ba ay wala pang epesyal na pagtitinginan sa pagitan nila? Nililigawan na ba niya si Bianca?

Mabilis niyang tanggi, “Naku po! Wala pa po sa isip ko po iyan!

"Pag-aaral po muna talaga at career. 'Tsaka na po iyan, 'tsaka na po ang love.”

Maraming beses na silang nagkasama ni Bianca, pero ito ang nang pagkakataon na gagawin silang magkapareha sa show.

CRUSHES IN SCHOOL. Never pa umanong nanligaw ng babae si Miguel, kahit sa mga schoolmates niya.

Fourth year high school na siya sa darating na pasukan, at sa Cavite School of Life sa Dasmariñas, Cavite, siya mag-e-enrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Miguel, may mga crushes din siya sa school nila, pero wala pa raw sa isip niya ang panliligaw.

Tila ilag siya sa mga girls. Choice ba niya iyon o ng mga magulang niya?

“Hindi po, kasi gusto ko pong unahin muna ang studies. 'Tsaka na po iyan pag stable na iyong buhay ko. Dadating naman po iyan sa tamang panahon,” deretsahan niyang sagot.

Nitong nakaraang JS Prom nila ay wala raw siyang naka-date.

Rason niya, “Para po maisasayaw ko po iyong marami, para may chance akong isayaw lahat.”

Kapag may babaeng may crush sa kanya, paano niya naha-handle? Umiiwas ba siya?

“Hindi naman po ako umiiwas,” lahad ni Miguel na isa ring mabuti at protective na kuya sa nakababata niyang kapatid na babae

NOT AFRAID OF GAYS. Napaka-wholesome ni Miguel. Pero dahil nasa showbiz siya at guwapo, hindi maiiwasang maraming gays and posiblemng magkagusto sa kanya.

Hindi naman raw siya natatakot at ilag sa mga bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman po, hindi naman po, kasi parang wala naman po silang magagawang masama sa iyo, 'di ba po?” depensa niya.

Sa mga mall shows daw ay hindi rin siya nagagalit kahit may bading na kumukurot sa pisngi niya o humahalik sa kanya.

“Kasi kung ako po, kung manonood po ako sa mall show ng isang artista, parang iba iyong feeling na maka-kiss ng isang artista, e.

“Kaya okay lang po,” pangwakas niyang sabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix admits feeling pressured about living up to high expectations for his first starring role. “May pressure din po siya kahit papaano, kasi ito po iyong first na lead role ko po, kaya parang may pressure po talaga, hindi po mawawala iyon.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results