Ngayong halos dalawang linggo na lamang at eleksyon na, nadadagdagan pa ang bilang ng mga artistang nagpapakita ng suporta kay PDP-Laban standard-bearer Mayor Rodrigo Duterte.
Sa Instagram, ibinahagi ng ilang celebrities ang kanilang dahilan kung bakit si Duterte ang iboboto nila sa May 9.
Narito ang ilan sa mga artistang nagdeklara ng suporta kay Duterte:
DUTERTE-ROBREDO. Marami na ring artista ang nagsasabing kung si Duterte ang iboboto nila sa pagka-presidente, ang Liberal Party candidate naman na si Congresswoman Leni Robredo ang kanilang susuportahan bilang bise presidente.
Nagdeklara na kahapon ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na si Leni ang kanyang bise-presidente.
Read: Angelica Panganiban supports Leni Robredo for VP; consistently roots for Duterte
Sumunod naman dito sina Mariel Padilla, Melissa Mendez, at Rica Peralejo.
Sabi ni Rica, si Leni ang kanyang susuportahan baka magkaroon na ng pagbabago sa bansa.
Ayon naman kay Mariel, nagustuhan niya ang pagiging simple nina Duterte at Leni.