Ngayong nagsimula na ang campaign period para sa 2016 elections, naghayag na rin ang ilang mga artista kung sino ang kanilang susuportahan at iboboto.
Ang Kapatid singer-comedian na si Ogie Alcasid ay para sa tambalang Grace Poe-Chiz Escudero.
Ayon kay Ogie, “Since the beginning naman, I have signified my support for Grace.
“Hindi ako makakasali dun sa lahat ng kanyang provincial sorties, pero kausap ko na yung staff niya, I might join sa Lipa, sa Iloilo, at sa kanyang miting de avance.
“I wrote two songs for her na kakantahin ko dun sa sortie.”
Kahit hindi niya napanood ang kauna-unahang presidential debate noong nakaraang Linggo, February 21, masaya pa rin si Ogie sa magandang ipinakita ni Grace.
Papuri niya sa mambabatas, “I’m very happy na ang ganda ng response niya sa mga tanong.
“I’m happy that she fared well sa debates.
“I think she was able to… parang consistently maganda yung sinasabi sa kanya.
“And I’ve always known that naman ever since. I’m happy na maganda yung resulta.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa grand presscon ng Happy Truck HAPPinas noong Miyerkules, February 24.
NOT IMPOSING. Bukod kay Grace, suportado rin ni Ogie ang ka-tandem nitong si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagka-bise presidente.
“Tandem sila ni Chiz so dun ako sa kanila.
“Solid na ‘yan, pero si Regine [Velasquez, Ogie's wife], hindi ko naman siya isinasali sa ganyan, this is my thing…
“Pero alam mo naman yung asawa ko, kung saan ako, dun siya. But I don’t impose on it on her.
“As a father, as an almost-senior in this country, that’s my opinion.”