PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor picks Grace Poe for president and Bongbong Marcos for VP

Nora Aunor gives her reasons for her choice of Poe and Marcos for the top two positions in the land.
Published | Updated Mar 31, 2016
<p>Nora Aunor: "Alam ko kung sino yung gusto ko. Hindi ko naman iboboto yung hindi ko masyadong kilala. E, kilala ko iyong mga taong iboboto ko kaya boboto po ako talaga."</p>

Bukas na sa publiko, kahit noon pang isang taon, ang pagsuporta ng Superstar na si Nora Aunor sa kandidatura ni Senator Grace Poe sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa May 2016 elections.

Sa artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 21, 2015, ay lantaran nang naghayag ng suporta si Nora sa senadora, hindi pa man ito pormal na nagdedeklara ng kanyang political plans noong panahong iyon.

Read: Nora Aunor endorses Senator Grace Poe for President in 2016

Sa presscon ng bagong pelikula ni Ate Guy, ang Whistleblower under Unitel Productions at Quento Media, hindi maitatangging tuluy-tuloy ang pagsuporta ng Superstar kay Grace.

Ginanap ang presscon sa Gloria Maris restaurant sa Gateway Mall nitong Martes, March 29, kunsaan nakasuot pa si Nora ng sumbrero na may nakatatak na: “Grace Poe Ang Aking Pangulo 2016.”

POE BELIEVER. Kinausap na ba siya ni Grace para kuning celebrity endorser?

Sabi ng Superstar, “Ay, wala po, sarili ko pong ano iyon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa sobrang paniniwala ko sa kanya na magiging mabuti siyang lider ng ating bayan, ng buong Pilipinas.

“Nagkusa po talaga ako, noon pa, malaki na ang paniniwala ko sa kanya talaga.

“Siya lang talaga ang makakatulong sa taong bayan, sa problema natin na napakatagal na panahon.

“Uhaw na rin tayo sa magiging lider na tama ang pamamalakad, e.

“Sa palagay ko, tamang-tama si Senator Grace Poe.”

Alam kaya ni Grace na sinusuportahan ng kaisa-isang Superstar ang kandidatura nito?

“Alam po niya siguro, at naniniwala kasi ako na napakadali niyang lapitan.

“Kapag may taong nangangailangan ay nandiyan po siya, tutulong siya.”

SHOWBIZ BOOST. Kung iimbitahan ba siya sa kampanya ng senadora ay pupuntahan niya ito?

Sagot ni Nora, “Opo naman, actually, hindi ako inimbitahan, pero ako yung kusang nagsabi kay Atty. Jimenez na ready na ako ngayon.

“Katatapos ko lang ng Little Nanay… nagkataon na noong araw na dapat akong pumunta sa kampanya, e, iniskedyul naman ako sa shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero na-pack-up yung shooting kaya nanghinayang ako na hindi ako nakapunta.

“May gagawin kami na parang reunion ng Noranians, iimbitahan namin si Senator Grace Poe para naman makilala siya ng mga Noranians.”

Naniniwala rin daw si Ate Guy na malaki ang maitutulong ni Grace sa showbiz industry.

“Naniniwala ako… na tutulungan niya ang industriya.

“Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit sa akin iyon noon na iyon ang unang-unang ipinagbilin ni Kuya Ronnie [Fernando Poe Jr., yumaong ama ni Grace], na tulungan ang industriya, ang mga artista.”

Kilala ang mga magulang ni Grace na sina FPJ at Susan Roces bilang hari at reyna ng pelikulang Pilipino, “Kaya alam ko na maiaangat niya ang industriya ng pelikulang Pilipino, pati mga artista.”

VICE PRESIDENCY. Inihayag din ni Nora na si Bongbong Marcos ang napili niya sa pagka-bise presidente.

Paliwanag niya, “Nakilala ko rin naman kasi ang pamilyang Marcos noong araw at naging malapit din ako kay Imee 0Marcos, Bongbong's sister].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya kahit papaano nakilala ko na rin sila, mabait silang tao.

“Kaya minsan, noong araw na napag-initan ako ng mga tao… hindi pa rin ako tatalikod doon kasi naging mabait naman sa akin si President [Ferdinand] Marcos noong araw.

“Noong may problema ako sa BIR, na sinisingil ako ng two and a half million pesos, tapos wala akong magawa.

“Kinausap ko siya at sinabi niya sa akin na pumunta ka sa ganito, ‘Sabihin mo na nakausap mo ako, ayusin nila yung problema mo kung ano iyon.’

“Naayos naman po sa loob ng isang linggo.”

Ayaw niya ba sa taga-Bicol na katulad niya?

“Bicolano na po ako, e, kaya kilala ko na po sa sarili ko, e.”

Parehong Bicolano ang vice-presidential candidates na sina Chiz Escudero at Leni Robredo.

READY TO VOTE. Sa senatoriables naman, pinangalanan ni Ate Guy sina Atty. Lorna Kapunan at Cong. Neri Colmenares bilang kanyang mga iboboto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited at handa na raw si Ate Guy na bumoto sa Mayo.

“Boboto po ako ngayon, ready na ako dahil alam ko kung sino yung gusto ko.

“Hindi ko naman iboboto yung hindi ko masyadong kilala.

“E, kilala ko iyong mga taong iboboto ko kaya boboto po ako talaga.”

Saan siya boboto?

“Sa may Eastwood.”

UNAFRAID. Samantala, naniniwala rin si Ate Guy na timing ang pagpapalabas ng pelikula niyang Whistleblower sa panahon ng kampanya bago ang eleksyon.

Ipapalabas na ang pelikula sa April 6 at naniniwala ang Superstar na makakatulong ito upang makapili ng karapat-dapat na ibobotong kandidato ang mga tao.

Socio-political kasi ang tema ng drama movie na tumatalakay sa nangyayaring korupsyon sa gobyerno.

Bagama’t fictional ang characters sa pelikula, hindi maiwasang maikumpara ang ilang eksena rito sa nililitis pa rin hanggang ngayon na Priority Development Assistance Fund scam o PDAF scam, sangkot ang businesswoman na si Janet Lim Napoles at ilang pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Nora, “It’s about time na mapanood ito ng mga tao para maipakita rin yung mga nangyayari sa loob ng gobyerno at malaman ng lahat na totoo itong nangyayari.

“Although hango sa talagang totoong pangyayari, may konti na siyempre hinaluan lang naman… pero halos lahat iyon totoong nangyari.”

Wala naman daw siyang pangamba sa makatotohanang pagtalakay ng pelikula sa government corruption.

“Matatakot ba kami? Ako lalo na, hindi ako matatakot, lalo na sa mga isyung ganyan.”

Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor, #eleksyon2016
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nora Aunor: "Alam ko kung sino yung gusto ko. Hindi ko naman iboboto yung hindi ko masyadong kilala. E, kilala ko iyong mga taong iboboto ko kaya boboto po ako talaga."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results