Standing room only ang Music Museum noong Sabado ng gabi,
September 6, nang itinanghal ang first night ng gag concert ni Brod Pete at
Long Mejia titled Ka Pete Na, Ka Long Pa! Sa opening act ng show nilinaw
ni Brod Pete na para lang sa matatalino ang show na mapapanood ng mga nasa
Music Museum at pinalalabas ang mga bobo. Sa simula't hanggang matapos ang show
talaga namang humahalkhak ang audience.
Muling binuhay nina Brod Pete and Long Mejia ang sikat na "Dating Doon" at talagang napasabi rin sila ng "Alien! Alien!" ang mga nanood ng show. Isa rin sa highlight ng show ang kanilang "Tough Hits" na pinasikat nina Tito, Vic, at Joey kasama ang tinatawag nilang "Singing B," isang bulag pero napakahusay na gitarista.
Ang pinakahihintay na spoof ng Bench Fashion Show ay tinawag nilang "Backout
with the BenchWarmers" kung saan talaga namang dumagundung sa kakatawa ang
buong Music Museum dahil rumampa ang dalawa at sa huli ay naghubad silang
pareho. Naloka ang audience nang makitang naka-T-back lang si Long.
Si Angelica Jones ang guest sa first night ng Ka Pete Na, Ka Long Pa! Matatandaan na nagkaroon ng ugnayan noon ang
bida ng show na si Long kay Angelica. Nandun din builang guest ang dating
kasama nina Brod Pete at Long na si Dennis Padilla na talagang nakakatawa rin.
Isa pang guest ang sexy star na si Michelle Esteves na nagbabalik pelikula sa
pamamagitan ng indie film na Paupahan.
Nagbigay naman ng kanilang mga bonggang-bonggang song number ang Cercado
Sisters at ang diva na si Ms. Faith Cuneta na may nakakatawang number kasama si
Brod Pete.
Mabibili ang tickets para sa Ka Pete Na, Ka Long Pa! sa Ticketworld.
