PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid to play a princess in the sequel of "Desperadas"

Ogie will play half-sister to Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera and Rufa Mae Quinto.
by Archie de Calma
Published Nov 9, 2008
"I got so surprised. Hindi gay role ito. I will really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera, and Rufa Mae Quinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas," says Ogie Alcasid about his role in the upcoming Desperadas.



Minsan lang kung gumawa na ng pelikula si Ogie Alcasid. Aminado ang singer-comedian-songwriter na dumating siya sa puntong kailangang mamili na ng film assignments dahil okupado na ang oras niya sa rami ng commitments niya sa TV. Guaranteed contract ang pinirmahan ni Ogie sa GMA-7 kaya ilang taon ding hindi siya mababakante at tiyak na mayroon siyang mga gagawing proyekto rito.

"Sa pelikula ako medyo tagilid nang konti," sabi pa ni Ogie sa panayam with PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi na basta nagpo-produce ang malalaking studios. Mayroon sana kaming gagawin ni Regine [Velasquez] sa Viva Films, pero hindi na nag-materialize. Iba't ibang factors ang dahilan. Yung schedule namin, yung mismong material na talagang pinag-aaralan naming mabuti bago tanggapin."

Hindi ba siya na-disappoint na hindi natuloy yung project with Regine?

"Siyempre, medyo nanghinayang. Pero, wala naman akong magagawa roon. Mahirap humanap ng time para magkasabay kami sa schedule dahil may iba pa siyang commitments. Ako ay ganoon din, kaya kung matuloy man kami ni Regine, it will really take time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iniisip ko na lang, if it's not meant to be, hindi talaga. May ibang opportunties for me and Regine na darating. Baka nga hindi pa panahon para gumawa kami ng movie together," lahad pa ni Ogie.

PLAYING A PRINCESS. Biglang-bigla ang pagpasok ni Ogie sa cast ng Desperadas 2. Si Ogie ang pumalit kay Eugene Domingo sa original cast pero nag-back out ito for some reasons.

"I got so surprised," banggit ng singer-comedian. "Hindi gay role ito. I will really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera and Rufa Mae Quinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas.

"Nang mabasa ko yung script, approved agad ako. It's a very challenging role. Babaeng-babae talaga ako sa movie na 'yan, who happens to be a princess from a remote island somewhere near Africa. Basta ganoon. Madi-discover na lang ng mother namin [as played by Nova Villa] na nagkaroon siya ng anak sa isang royalty, at ako yun," sabi pa ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin, iikot kay Ogie ang katatawanan sa Desperadas 2 at walang problema rito dahil may rapport siya sa mga nasa cast nito, who are all happy to have him.

"May kanya-kanya pa ring kuwento sina Ruffa, P-chi [Rufa Mae], Iza, at Marian sa movie. Pansahog lang ako para may bago naman. Alam kong mahirap para sa akin ang mag-portray ng babae dahil iba ito sa bading-badingan lang. I should really emote, speak, think and move like a real woman," natatawang sabi pa ni Ogie.

Tiyak na may inputs si Regine sa pagpo-portray niya ng babae sa Desperadas 2. the same way, na pagdating sa dead-pan expression sa comedy, inamin ni Regine na malaki ang impluwensiya ni Ogie sa kanya.

"Ganoon naman kami ni Regine, hindi lang mga personal na bagay ang naise-share namin sa isa't isa, pati na siyempre yung sa kanya-kanyang career, nababanggit lang namin. Although, we don't meddle in each other's career, lightly napapag-usapan namin ang ganito paminsan-minsan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ni Direk Joel [Lamangan], hindi raw ako kinuha for Desperadas 2 dahil lang sa gumaganap ako ng female characters sa Bubble Gang. Ibang-iba kasi ang movie. Realistic comedy yun about relationships and other serious matters, kung tutuusin. Kaya medyo kinabahan ako dahil kailangang iba at mas seryoso ang atake ko, and at the same time, kailangang lumabas na nakakatawa," patuloy ni Ogie.

Frustration ni Ogie ang serious comedy sa pelikula. Muntik na silang magkatrabaho ni Direk Joel sa Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Moveeh) noon, pero nagkaroon ng hassle. Dapat ay nakapag-drama rin si Ogie sa Boses nang ialok sa kanya ang role ng violin teacher sa acclaimed indie film na dinirek ni Ellen Ongkeko-Marfil, pero hindi rin siya natuloy roon.

"May rason talaga kaya hindi ako natutuloy kapag may ganyang offer, gaano ko man kagusto yung material. Tinatanggap ko na lang na ganoon. Kasi, marami pa ring dumarating. In life, that has been my principle, kaya hindi ako nade-depress," patuloy ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SONGBOOK VOL. 2. Kunsabagay, patuloy na namumulaklak ang career ni Ogie dahil hindi lang naman sa pelikula nakadepende ito. Sa recording nga, pagkatapos ng The Great Filipino Songbook ay maglalabas uli ang Universal Records ng Volume 2 nito, pagpapatunay na nag-hit ang unang compilation ng all-original Pinoy classics na ini-record ni Ogie.

Sa February 2009, magsasama sila ni Janno Gibbs sa isang series sa Music Museum. Bukod pa ito sa ibang nakalaang trabaho sa kanya sa GMA-7, kasama na ang walang-humpay na pagpapatawa kasama ang buong barkada sa Bubble Gang na hindi mapantayan man lang ng kahit na anong itinapat dito.

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid, Regine Velasquez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I got so surprised. Hindi gay role ito. I will really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera, and Rufa Mae Quinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas," says Ogie Alcasid about his role in the upcoming Desperadas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results