"Wala
kayo sa lolo ko" ang sikat na biruan, ngunit simula sa ika-8 ng Pebrero,
mapapasigaw ang buong bayan ng "Wala kayo sa tatay ko!" sa pagdating ng isa sa
pinakamalaking game show sa Pilipinas at sa Asia. Mula sa Mark Burnett
Productions, aarangkada na ang pinaka-maaksyong pagtutunggali ng mga mag-aama
sa kasaysayan ng telebisyon.
Pinangungunahan ng multi-talented actor na si Paolo Contis, ang My Dad Is Better Than Your Dad ay kinabibilangan ng mga tatay at ang kanilang mga chikiting na 8 hanggang 10 taong gulang. Sabay-sabay nilang haharapin ang mga pagsubok ng lakas at katalinuhan upang mahirang na pinakamagaling.
Ang
bawat episode ay may mga rounds kung saan makikipag-kumpitensya ang apat na
pares ng ama-at-anak.
Tuwing Linggo, mapapanood ang My Dad Is Better Than Your Dad sa Kapuso
Network. Ang mga maglalaro sa pilot telecast nito ay sina Bobby Andrews at ang
kanyang anak na si Miguel; si William Martinez at ang anak niyang si Adam;
Joshua Zamora at ang anak niyang si Javen, and Lander Vera-Perez at ang anak
niyang si Reign.
Sa "Ang
Daddy Kong Fast," mag-uunahan ang mag-aama sa mga obstacle courses bago
maubusan ng oras. Sa "Ang Daddy Kong Strong," magpapakitang-gilas si
Tatay sa mga palarong kikilatis sa lakas ng kanyang mga bisig. Katalinuhan
naman at mabilis na pag-iisip ang kailangan sa "Ang Daddy Kong Smart,"
at kasama ang moral support ng kanyang anak, katapangan ni Tatay ang huhusgahan
sa "Ang Daddy Kong Brave."
Ang
pares na makakalampas sa lahat ng pagsubok ng apat na rounds ang siyang sasali
sa jackpot round na "Ang Daddy Kong Da Best," kung saan maaaring manalo ang
mag-ama ng P100,000!
Nang pumunta ang ibang miyembro ng press sa set ng bagong GMA-7 show ni Paolo
Contis, naitanong namin siya kung sino ang mga celebrity fathers na gusto
niyang maglaro sa kanyang bagong palabas. Ayon sa male TV host, gusto niyang
makasama sina Aga Muhlach, Dolphy, si Raymart Santiago, Joey de Leon at Vic
Sotto.
Kaya
simulan na ang tagisan ng galing upang makita kung sino ang may karapatang
magsabi ng "Wala kayo sa tatay ko!" Abangan ang kapana-panabik na banggaan ng
mga bigating tatay at chikiting sa My Dad Is Better Than Your Dad,
simula ika-8 ng Pebrero, kapalit ng Family Feud: Celebrity Edition (tuwing Linggo) sa
GMA-7. Mapapanood pa rin ang game show ni Richard Gomez mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapuso Network.
Ito ang mga rounds na dadaanan ng mga contenders:
Round 1: Ang Daddy Kong Strong
Must-Haves: energy, resistance and determination
Sample Challenges:
- Magwasak ng isang office desk.
- Tumakbo paakyat ng isang giant slide habang bitbit ang isang
malaking bola.
Round 2: Ang Daddy Kong Fast
Must-Haves: speed, endurance and alertness
Sample Challenges:
- Kumuha ng letter sa isang giant messy soup bowl at bumuo ng isang salita mula sa letters na makukuha.
- Makapagdikit ng pinakamaraming dart sa giant board gamit ang
naka-harness na anak.
Round 3: Ang Daddy Kong Brave
Must-Haves: agility, mental toughness and spirit
Sample Challenges:
- Humuli ng mga ibon sa itaas ng puno habang hinahagisan ng bola ng kalaban
- Harangin ang mga ikakanyong newspaper roll ng kalaban.
Round 4: Ang Daddy Kong Smart
Must-Haves: knowledge and awareness
Challenge:
Sagutin ang mga tanong na madali para sa
anak pero mahirap para kay Daddy. (Halimbawa: sino ang malaking batang kaaway
ni Nobita sa Doraemon?)
Jackpot Round: Ang Daddy Kong Da Best
Must-Have: Daddy instinct
Challenge:
Sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa anak. (Halimbawa: ano ang nasasabi ng iyong anak kapag siya'y nagugulat?)