Ginanap ang Appreciation Night and Launching of Metro Manila Film Festival 2009 noong Biyernes ng gabi, March 6, sa Shangri-La Cuisine sa may West Avenue. Dinaluhan ito ng mga executive committees ng MMFF sa pangunguna ni Ms. Boots Anson Roa na siyang nagsilbing host din ng programa. Ayon sa kanya, she's the only rose among the thorns of execom kung kaya't one of the boys na rin daw siya.
Tulad ng karaniwang nakaugalian na ng MMFF, ipinagsasabay na nga nila sa isang okasyon ang appreciation night at ang launching ng MMFF sa bagong taon. Tulad noong gabing yun, ibinahagi na nga ng MMFF ang kaukulang cash appreciation sa lahat ng winners ng nakaraang awards night.
This even came as a surprise lalo na sa mga first time winners sa Film Fest tulad nina Manilyn Reynes na nanalong Best Supporting Actress for One Night Only. Hindi siya nakarating noong mismong awards night, pero she made it a point na maging present sa appreciation and launching. Ni wala siyang ideya na aside sa tropeong napanalunan niya ay may matatanggap pa pala siyang cash prize.
Nagulat rin ang first time Best Actress winner para sa pelikulang Baler na si Anne Curtis who took home P100,000 for the said award pati na rin ang Best Actor winner na si Christopher de Leon. Ang Best Child Actor naman na si Robert "Buboy" Villar (na lumabas sa Shake, Rattle & Roll X) ay nakakuha rin ng kaukulang premyo mula sa MMFF Execom.
Siyempre pa ay present ang Chairman ng MMFF na si Bayani Fernando na bagama't malaki ang ini-increase sa box-office sales ng walong pelikulang nakasali sa MMFF '08 ay nagpahayag na still, hindi pa rin daw nila masasabing sapat na yun para ma-reach nila ang target na P500 million at mabigyan ng sapat na pangangailangan ang mga beneficiaries nila.
Ayon nga kay Chairman Bayani, "Revenue wise, maganda, pero, hindi pa kami satisfied. Kasi, malaki itong requirements ng ating mga beneficiaries. Malaki ang pangangailangan nila. Kinakailangan, hangga't maaari, yun ang aming masustenehan, ang kanilang pangangailangan. For the good of the movie industry rin po."
Lima raw ang beneficiaries ng MMFF '08 at ilan nga sa mga ito ay ang Mowelfund, Film Academy of the Philippines at Optical Media Board at Anti-Film Piracy. Ayaw nang sabihin ng MMFF Chairman kung magkanong cash ang nai-allot nila for each beneficiaries, pero, aniya, kulang pa rin daw.
"Hindi ko rin kabisado ang numbers, pero, kulang sa kanilang requirements."
May mga pagbabago bang magaganap sa MMFF '09?
"Meron kaming iniisip palaging bago para nga ma hit ‘yung more earnings. Gusto naming ma-overcome yung 500 million barrier na yun. Yun ang revenues, yun ang total na kita sa takilya, hindi naman yun ang total na kita ng MMFF. Ang MMFF, yun lamang ang certain percentage ng total income.
"Pero magmula naman ng hawakan ko ito ng 2002, pataas naman ng pataas ang kanyang income. Kaya lang, hindi pa rin sapat. Hahanap kami ng ibang paraan nga. Tulad ng pag-i-introduce namin ng concert na sinasabay namin sa awards night. Para mabawasan namin ang gastusin at maragdagan ang kita sa concert."
Ayon pa kay Chairman, this 35th MMFF daw ay maaga pa lang, magsisimula na silang magbenta ng mga tickets para sa concert at kumita ng husto.
Last year, MMFF staged Katy, The Musicale with KC Concepcion and Jericho Rosales as lead stars. This year raw, ang binabalak nila ayon na rin sa pamumuno ni Wilson Tieng ay ang world-class Filipino artist na si Lea Salonga.
At tulad dati, kahit ilang entries daw for a certain production ay puwede nilang tanggapin, pero tulad last year, limited lang din daw sa walong pelikula ang pupuwedeng pumasok bilang official entry for MMFF '09.
Narito ang calendar of activities ng MMFF '09 sa taong ito.
March 6 - Appreciation Pary/ Launching Ceremony
Meeting with the Producers re: Festival Rules and Regulations
June 19 - Deadline for submissions of Notarized Application Form and Screenplays
June 20-29 - Reading and Selection of all the Screenplays submitted
June 30 - Announcement of Official Entries
November 30 - Deadline of submission of trailers of official entries
December 3 - Deadline for submission of finished film entries
December 10 - Deadline of submission of graded (timed) prints
December 17 - Submission of joint certifications with laboratories concerned that prints needed to service the theatres assigned to them shall be made available on time.
Last day of submission of changes in the filmography charts such as names of the leading performers and film genres
December 17-21 - Screening of the official entries by the Board of Jurors
December 24 - Parade of Stars
December 25 - January 7, 2010 - Showing of official entries
December 28 - MMFFP 2009 Awards Night
Bukod sa mga artistang nabanggit at mga members ng Executive Committee like SM Cinema's Ric Camaligan, Atty. Espiridion Laxa, at Wilson Tieng, namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa appreciation and launching na yun sina Phillip Salvador (last year's winner for Best Supporting Actor in Baler), Nikki Bacolod, Mark Bautista, and Baler director Mark Meiley. Present rin sina Manny Valera and Roselle Monteverde-Teo of Regal Films.
Ibinigay na rin ang cash prizes ng mga lucky winners na nanood ng walong MMFF movies sa SM Cinemas sa kanilang promo na Cash Pelikulang Filipino.
Ang naging gross income ng MMFF '07 ay umabot sa P386 milllion at last year, ang 34th MMFF ay naka-raise ng P450 million.
