Cristine Reyes and Jake Cuenca will be the first love team to be featured in Precious Hearts Romance presents Bud Brothers. It will be aired on ABS-CBN starting May 2009.
Precious Heart Romances to be dramatized on television
Sunday, April 5, 2009
03:43 PM
Rating
Pagkatapos i-adapt sa telebisyon ang mga kuwentong hango sa pelikula na ang
karamihan ay hango rin sa mga kuwento na serialized sa iba't-ibang pahina ng
komiks noon, ngayon naman, ang bagong ihahandog ng ABS-CBN sa panghapong
programa simula sa May. Ito ay ang mga kuwento ng pag-ibig na unang nabasa sa
mga pahina ng libro ng pocket book ng Precious
Heart Romances or PHR, ang "Bud Brothers" na isinulat ng romance writer na
si Rose Tan.
Spearheading the project is Direk Lauren Dyogi na siyang unang nakakita ng
potensiyal ng mga sikat na kuwento sa Precious
Hearts Romances na hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa iba't-ibang
bansa in-terms of readership.
Isang buong season ang itatakbo ng "Bud Brothers" na magtatampok every two
weeks ng iba't-bang love team sa isang natatanging kuwento ng pag-ibig.
Bukod sa "Bud Brothers," nakuha na rin ng ABS-CBN ang rights ng Kristine Series, isa sa pinakasikat at well-read
series ng PHR. Pero ayon kay Direk Lauren, they have decided na unahin na
munang i-feature ang "Bud Brothers" dahil sa mas lighter approach ng mga
kuwento rito.
"It's light, it's romantic. It's also well-recommended by the publisher. Si
Rose Tan kasi, sila yung mga sikat na writers. ‘Yung Kristine naman, we're already on a pre-production for it. Malaki
kasi ang magnitude ng Kristine. It's
something na kailangan naming planuhin."
Ayon kay Direk Lauren, this will be a long-running show na ang talagang
title ng programa raw ay Precious Hearts
Romances at ang pilot presentation nito ay ang "Bud Brothers."
Sa mga nakakabasa ng libro, posibleng hindi maiiwasan ang pagkumparahin ang
mga characters na mababasa nila at kuwento mismo sa libro at sa mapapanood. Nakahanda
na ba sila sa bagay na yun?
"Well, inevitably, but there was a lot of limitations kasi. Hindi naman
lahat ng artista sa atin will fit dun sa description sa libro. So, we made
adjustments. Pero, marami rin naman ang hindi nakabasa that will enjoy it. I
suppose, meron talagang maiinis na bakit ganyan, hindi ganyan sa libro? But story,
we'll keep it."
Aminado si Direk Lauren na casting pa lang daw, nahirapan na sila.
"Mahirap talaga. Unang-una, ang mga lalaki sa pocket books, hindi katulad ng
mga artista at hindi ganoon karami ang artista. Like right now, sa Star Magic,
we're willing to have a search sa kung sino ang puwedeng maging bida and find
who can fit. Baka nga minsan, mas safe pa yun dahil kapag artista, meron na
silang image ng artista sa isip nila."
JERRY SINENENG TAKES OVER. Ang PHR presents Bud Brothers sana ang TV
project na ididirek ni Direk Cathy Garcia-Molina. Pero dahil sa biglaang
pagkamatay ng kanyang asawa, Direk Jerry Sineneng will now be the director of "Bud
Brothers."
"Dapat kasi, nag-taping na kami noong
Tuesday [March 31]. Biglaan, Sunday nangyari yun [the death of Direk Cathy's
husband]. Tapos, kausap ko siya kaninang umaga, siyempre, hindi ako maka-buwelo
sa kanya dahil sa nangyari. But she called me up. Nagpaumanhin siya na hindi
niya muna magagawa.
"Ako yata ang una niyang tinawagan noong Sunday dahil worried siya sa
taping. Pero sabi ko nga, huwag na muna niyang intindihan, pinak-ap ko na yung
Tuesday, so, sabi ko, kung kakayanin mo, hindi ko ipa-pack-up yung Monday and
Wednesday. Ang hirap kasing buuin ng schedule ng mga artista, walo yan,
pagsasama-samahin mo sa pilot. So, kanina nga, sinabi niyang parang hindi
niya kakayanin dahil parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya yung lahat. At
saka, mahirap yata na namatayan ka, tapos love story ang gagawin mo."
(Click HERE to read related story about the tragic accident of Direk Cathy's
husband.)
In terms of kakayahan, hindi nga naman matatawaran din ang kakayahan ni
Direk Jerry Sineneng na ayon kay Direk Lauren Dyogi, mabuti na lang daw na may
oras pa na nailaan para sa PHR.
Personally, inamin ni Direk Lauren na tila nagsawa na rin daw siya na isang
movie ang pinaka-babasihan ng kuwento sa mga afternoon series. Nagbasa raw siya
ng mga PHR novels at para sa kanya, it's about time na ang medium naman na ito
ang isalin sa telebisyon.
"Gut feel ko lang, gut feel ko lang
na magugustuhan ng public. Plus the fact na meron na rin siyang following. So,
sa mga hindi nakakabasa, this is their chance to get to know rin kung gaano
ka-rich ang pop-literary culture ng Filipino."
Ngayong May na ie-ere ang pilot episode ng "Bud Brothers" na tatampukan for
the first time ng team-up nina Jake Cuenca at Cristine Reyes.
Bukod dito ay ang iba pang Kapamilya pairs na sina Mariel Rodriguez and
Rafael Rosell; Joem Bascon and Wendy Valdez; Janna Dominguez and Manuel Chua;
Guji Lorenzana and Roxanne Guinoo; Will Devaughn and Valerie Concepcion; at Aaron
Villena and Maricar Reyes.
Tapos na ang story conference nang makita ng PEP si John Prats na dumating
habang kasalukuyan pang nagpi-pictorial ang cast sa Pinoy Dream Academy building. Napag-alaman ng PEP na si John
at isa pang aktres (who identity is still under wraps) ang kukumpleto ng walong
pares ng love teams para sa Precious
Hearts Romances present Bud Brothers.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Pilipinas Win Na Win begins airing on ABS-CBN
- Sarah Lahbati and Steven Silva's characters share an unexpected kiss in Exchange of Hearts
- Wowowee co-hosts have a tearful farewell sans Willie Revillame
- Kantar Media/TNS National Household Ratings (July 26-29): Noah and Agua Bendita slug it out for primetime supremacy
- AGB Mega Manila People Ratings (July 26-29): Eat Bulaga! still the undisputed noontime program
- Rio Locsin plays a teacher who experiences sexual harassment
-
Babies and Kids
Mark says there's more heavy drama ahead in the fashion-based series Magkaribal.
-
Health and Beauty
John Lloyd Cruz feels energized whenever he goes biking
John Lloyd Cruz says keeping a healthy lifestyle is one of his top five priorities.
-
Starbiz
Mickey Perz shares passion for dancing in his dance studio
Mickey Perz doesn't see himself much of an actor, so he focuses on dancing.
Most Popular
- Red carpet rolls out for fashionistas at P-Noy's first SONA
- Gerald Anderson on breakup rumor with Kim Chiu: "Paano namang magbi-break yung magkaibigan lang?"
- Gretchen Barretto's Goyard Trunk
- Kelly Misa tells Women's Health her Wowowee experience
- Ruffa Gutierrez reveals she was still with John Lloyd when he began his relationship with Shaina
- Sharon Cuneta to showcase Megadrama at the Big Dome on August 7
Advertisement




