Long-overdue na raw ang guesting ni Dr. Manny Calayan para sa Showbiz Central. Finally, nagpaunlak si Doc Manny na maging live guest sa April 12 episode kung saan umupo siya para sa "Intriga Crossfire" segment ng talk show.
Ang unang nagbato ng tanong kay Doc Manny ay ang endorser rin niya na si Pia Guanio. Ang tanong niya: with everything that happened in the past, how do you feel now about the competition in the cosmetic surgery industry?
"Wala lang...hindi naman ako nakikipag-compete. Kahit kanino, kahit saan. Basta ako, ginagawa ko lang ang profession ko as a doctor and as long as marami akong napapasaya at napapaganda, fulfilling yun, e."
When it was Raymond Gutierrez's turn, sinabi niyang nang makita niya ang pangalan ni Doc. Manny as their guest, he feels that it's a sort of reunion for them dahil matagal na rin silang hindi nagkikita since their family has availed of the services of Dra. Vicki Belo.
At diretso niyang tinanong si Doc Manny kung may sama raw ba ito ng loob sa family niya?
"Crossfire talaga! Hahaha! Wala...wala...alam ko naman na ganoon talaga. Minsan lumilipat sa akin. Minsan punta sa kabila galing sa akin. Okey lang. It's business, e."
DOCTOR-TURNED-RECORDING ARTIST. Ang tanong naman ni Rufa Mae Quinto kay Doc Manny ay ano raw ba ang rason at bigla siyang nagkaroon ng interes na gumawa ng isang album?
"Siguro gawa noong nagka-contest kami noon, yung Celebrity Duets. Tapos after nun, yung Belle Entertainment, kinontak ako through e-mail. Nasa States kami noon at kung puwede raw ako gawan ng album.
"So, siguro mga third e-mail nila. Sabi ko, mukhang totoo na ‘to ah? So, sinagot ko at sinabi kong when I get home, let's talk. Tapos, pag-uwi ko, totoo nga. I was surprised. It's about friendship. Ang title nito ay Calayan duets with the Icons."
Ayon kay Direk Manny, mari-release ang album sa 2nd or 3rd week of May.
John Lapus then asked Doc Manny about the issue raw na may nagsasabing hindi naman daw totoong naka-confine sa isang hospital si Dra. Pie Calayan at may sakit ito. But instead, she was just in a hotel dahil kaka-undergo ng cosmetic surgery since both of them are, of course, beauty surgeons?
"Ang totoo kasi sa isyung ito, nag-start talaga ang sakit ni Doctora Pie noong November. Noong December, galing ako ng L.A., nagkaroon na siya ng paralysis ng paa. So, dinala ko sa Cedar sa L.A. So, doon nagkaroon siya ng sakit na. Yung hydromyoma. Ngayon, naghi-heal na siya. Before the debut of our daughter, dinala ko siya sa L.A. nag-second opinion kami run at tinanong nga namin kung ano talaga ang sakit.
"So, noong dinala ko siya sa L.A. naggagamot na siya. Pag-uwi namin from L.A., sa Hongkong, nahirapan siyang huminga, so ini-oxygen siya."
This time, tinanong naman ni Pia si Doc Calayan kung totoo bang he's getting Katrina Halili as their endorser?
"Ah, why not? E kasi, si Katrina naman, pagkatapos ng StarStruck, naging alaga ko na si Katrina. Naayos na namin kung anuman yung nangyari."
