Bata pa lang si Carlo Aquino, nagwagi na siya ng maraming acting awards at magpahanggang ngayon ay kinikilala pa rin ang kanyang galing sa pag-arte.
Muling mapapanood ang acting versatility ni Carlo Aquino ngayong Sabado, August 8, sa TV5 show na Midnight DJ. Ang episode na ito ay may title na "Manananggal," kung saan first time ni Carlo na gaganap bilang isang lalaking manananggal, kasama ang iba pang guest stars na sina Yayo Aguila at Michelle Gallaga.
Mabubulabog
ang isang tahimik na university nang biglang may lilipad-lipad na
misteryosong night creature na mananakot sa school staff and students.
Mangingilabot ang buong eskwelahan, lalo na ang university dean na si
Ms. Gatdula (played by Yayo Aguila), at gusto niya ng mga kasagutan na
tanging sina Ramon Ibarra (played by Carlo Aquino) at ang ina niya
(played by Michelle Gallaga) lang ang nakakaalam. Pero siyempre,
nandiyan ang buong Midnight DJ team sa pangunguna ni Samboy, played by
Oyo Sotto, para alamin ang misteryo ng campus manananggal.
Witness Carlo Aquino in a career first portraying a unique role of a manananggal at alamin kung paano lulutasin nina Samboy, Andrea (Desiree del Valle), Trixie (Jenny Miller), Bodjie (Joaqui Tupas), and QT (Meg Imperial) ang supernatural disturbances sa isang university.
Mapapanood ang Midnight DJ this Saturday, August 8, at 8 p.m., pagkatapos ng talent show na Talentadong Pinoy, only on TV5.