Patuloy na nagiging kapanapanabik ang mga tagpo sa nangungunang drama anthology para sa mga kabataan tuwing Linggo, ang Dear Friend.
Sa pagpapatuloy ng Part Two ng 3 Bachelors episode, namuhay bilang mag-asawa sina Vince (Jay-R)
at Sarah (Kyla) maging sina Emily (Jennica Garcia) at Miguel (Mart Escudero).
Isang
araw ay nagdesisyong bumalik si Miguel sa bahay nila at ipinakilala si Emily na
asawa niya. Hindi matanggap ni Don Vicente (Paulo Avelino) ang pagpapakasal ni Miguel kay Emily.
Samantala, sa pagkikitang muli nina Miguel at Sarah, hindi nila napigilang maihayag na mahal pa rin nila ang isa't isa. Napamahal na si Vince kay Sarah pero pinakawalan niya ito dahil alam niyang si Miguel pa rin ang gusto niya.
Nalaman ni Emily na hindi pa rin nalilimutan ni Miguel si Sarah kaya't nagdesisyon siyang umalis pero bago pa man makaalis ay malalaman niyang buntis siya kay Miguel.
Ipagtatapat kaya ni Emily ang kanyang kalagayan kay Miguel o tuluyan na lamang siyang aalis at ililihim ang kanyang pagbubuntis?
Huwag palampasin ang ikalawang part ng 3 Bachelors episode ng Dear Friend pagkatapos ng S.O.P. sa GMA-7.