PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

George and Cecil sitcom moves to new timeslot

Zoren Legaspi will be a special guest in tonight's episode, which will air at 8:30 pm.
Published Oct 11, 2009
Zoren Legaspi (not in photo) will be a special guest in the October 11 episode of George and Cecil. ABS-CBN's romantic sitcom, starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo) will air on its new timeslot tonight at 8:30 p.m.

Aminado ang guwapong-guwapo pa ring si Zoren Legazpi na nakikita niya sa bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang samahan nila ng partner niyang si Carmina Villaroel.

"Tulad kasi namin ni Carmina, dinadaan lang naming sa biro lahat ng isyu na ipinupukol sa aming dalawa," paliwanag ni Zoren.

Napuna ito ng dating matinee idol sa set ng romantic comedy na George and Cecil kamakailan kung saan nakasama niyang muli si Juday at nakatrabaho sa unang pagkakataon si Ryan. Halatang click na click silang tatlo sa isa't isa at nakuha pang payuhan ni Zoren ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

"Dapat give and take lang and be satisfied sa partner mo kasi ayan na ayan. Siya na ang napili mo," sabi niya.

Pagdating naman sa pagiging isang ama, simple lang ang paalala ni Zoren kay Ryan at yun ay ang tamang pagtantya kung kelan gagampanan ang maraming papel ng isang tatay sa kanyang anak.

"Bilang ama dapat flexible ka. Alam mo dapat kung kelan ka magiging father, kaibigan, kaaway, yaya, teacher o kung ano pa man sa anak mo," dagdag pa nito.

Tila beterano na nga si Zoren sa mga nabanggit na papel na kanyang ginampanan pero sa darating na Linggo (October 11) isang bagong papel ang kanyang susubukan bilang miyembro ng sindikato na naging witness sa George and Cecil.

Malalagay nga sa alanganin sina George ng wala siyang ibang magawa kung hindi iuwi sa kanilang bahay ang state witness na si Rico at protektahan ito sa mapanganib na kalabang sindikato kung saan siya tumiwalag. Saan kaya hahantong ang mga eksenang ito?

Tunghayan iyan ngayong Linggo (October 11) sa George and Cecil sa bago nitong oras na 8:30 p.m. sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
ABS-CBN, TV, television
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi (not in photo) will be a special guest in the October 11 episode of George and Cecil. ABS-CBN's romantic sitcom, starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo) will air on its new timeslot tonight at 8:30 p.m.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results