PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Mario O'Hara back out from Cinemalaya 2010?

Alfred Vargas is supposed to play Andres Bonifacio while Coco Martin is cast as Emilio Aguinaldo in "Ang Paglilitis ni Bonifacio."
by William R. Reyes
Published Mar 17, 2010
Alfred Vargas is supposed to play Andres Bonifacio while Coco Martin is cast as Emilio Aguinaldo in Ang Paglilitis ni Bonifacio. However, director Matio O'Hara is still contemplating whether he will join this year's Cinemalaya or not.

May iba't ibang kuwento, o bersiyon ng katotohanan, tungkol sa umano'y hindi na matutuloy na pagsali sa competition ng pelikulang Ang Paglilitis ni Bonifacio, ang entry ni diretor Mario O'Hara para sa Cinemalaya 2010 Open Category.


Kamakailan ay naiulat dito sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang panayam namin kay Direk O'Hara kunsaan sinabi niyang nakatakda nang magsimula ang shooting para sa naturang indie film. Ang kuwento nito ay tatalakay sa pagkakahuli't paglilitis sa bayaning si Andres Bonifacio, hanggang sa pagkakapatay sa kanya (kasama ang kapatid na si Procopio); na ang nabanggit sa kasaysayan bilang mastermind ng assassination ay si heneral Emilio Aginaldo, naging unang Pangulo ng ating Republika.


Mayaman sa kaisipang pang-kultura, mula sa kasaysayan ng ating lahi, ang kuwento ng Ang Paglilitis... kaya isa itong kaabang-abang na Cinemalaya entry ngayong taon.


WORTHY PROJECT
. Noong Marso 8 naitakda ang unang araw ng shooting. Ang main cast ng pelikula ay sina Alfred Vargas, bilang Andres Bonifacio; Coco Martin, bilang Emilio Aguinaldo; Kristoffer King, bilang Procopio. At sa papel ni Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan, na itinatag at pinamunuan ni Bonifacio bilang samahang laban sa mga Kastila noong ika-19 na siglo, ay kinunsider ni direk Mario O'Hara ang beauty queen na si Danielle Castano, Bb. Pilipinas-World 2008. Walang naiulat na kaganapan, o aktuwal na pagsu-shooting nang araw na nabanggit.


Nagkataong may nakatakda kaming panayam kinabukasan sa producer na si Robbie Tan, na ngayo'y kabilang sa Monitoring Team ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, at siya ang nag-kumpirma ng tungkol sa proyektong ididirek ni Mario O'Hara.


"Ayaw niyang makipag-usap," nabanggit sa PEP ni Robbie Tan, hinggil sa nangyaring hindi pagkatuloy ng [supposed] first day of shoot ng Ang Paglilitis. Pero inamin ni Robbie Tan sa PEP na totoong may kalabuan sa ngayon ang pagkakasali ng Ang Paglilitis Ni Bonifacio bilang isa sa Cinemalaya 2010 Open Category finalists.


"Nag-back out yung producer niya, and we're trying to ask the FDCP (Film Development Council of the Philippines) to help because, let's face it, it's a worthy project and you're talking of Mario O'Hara," paglilinaw ni Robbie Tan. "But I learned na malabo raw, hindi makakatulong ang FDCP."


"Laurice [Guillen, Cinemalaya 2010 director for competition] and I wanted to sponsor the post-production [of the O'Hara project], kaya lang, out of delicadeza, we cannot. Kasi [competition] entry siya. At kasama kami sa committee ng Cinemalaya. What if manalo ang pelikula? Eh, 'di may 'color' na naman? Nakakahiya!"


MARIO O'HARA'S STATEMENTS
. To shed further light on the matter, PEP again contacted direk O'Hara and, luckily, natiyempuhan namin ito at nagpaunlak ng maikling interview. Abala pa si Direk O'Hara sa rehearsals para sa final weekend run ng dulang Tatlong Mariya, sa CCP Little Theater na nagsimula noong Biyernes, March 19. May kaibahan ang naipunto ni Direk Mario O'Hara hinggil sa nangyaring pagba-back out—at the last minute—ng kanyang producer para sa Ang Paglilitis Ni Bonifacio.


"E, busy na sa kampanya si Alfred [Vargas, who's running for councilor in Quezon City], ngayong buong March," banggit ni direk Mario. "Kaibigan niya yung producer. Ngayon, puwedeng ituloy, at magagawa ko pa rin, after the elections na. Pero hindi na [para] sa Cinemalaya."


May kasunod na pahayag si Direk Mario, bilang paglilinaw. "Naging malabo ang posibilidad na ituloy namin, para sa Cinemalaya, kasi nabasa namin 'yung Memorandum of Agreement (MOA), na 'yun pala, ang Cinemalaya entry, hindi pag-aari ng producer ang pelikula niya. E, sabi ko sa producer ko, nasasa'yo 'yan, kung gusto mo pa ring ituloy, pero hindi magagarantiyahan na mababawi mo ang puhunan."


Sa ilalim ng naturang agreement, ang final product, o ang pelikulang na-prodyus bilang Cinemalaya entry, ay pag-aari ng Cinemalaya Foundation, na siyang nagbibigay ng kaukulang initial seed investment, o seed grant, sa halagang five hundred thousand pesos (P500,000). Ito'y sa kabila ng katotohanang may bahagi sa pagpu-produce ang co-investor o co-producer ng pelikula.


"Nanghihinayang kasi kami sa project, dahil malaki ang scope nito, na puwedeng magawa pang mas malaking pelikula kung madadagdagan ang puhunan," katwiran din ni direk Mario. "Nasasa producer ko na 'yon, eh, ako naman nandito lang, anytime gagawin ko ang pelikula, basta available ang mga artista at kung gusto ng producer na ituloy."


"Ang isa pang option diyan, nai-suggest ko rin sa producer, puwedeng isali ang project sa Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil mas malaki ang audience nito, sa mas maraming theaters. Sa April, o sa May, yata ang deadline para sa mga sasali. Ewan din, hindi pa sigurado ang tungkol dito. Ang FDCP, meron ding pa-kontes para sa mga historical screenplays, baka isali ito ng pamangkin ko [scriptwriter of Ang Paglilitis...], at pag nanalo, property na ng FDCP ang material, baka hindi na rin ako ang kuning direktor," at natawa na lang si Direk O'Hara sa mga pagbanggit ng mga naturang posibilidad.


KEEPING OPTIONS OPEN.
Still on the part of Cinemalaya committee, sabi ni Robbie Tan ay bukas pa rin ang kanilang options hinggil sa proyekto ni Mario O'Hara.


"We're still trying to look for other possibilities," pahayag pa ni Robbie. "We're not keeping the doors closed yet." Maaari nga raw na magkaroon din ng magandang balitang pagkakatuloy pa ng Ang Paglilitis Ni Bonifacio hanggang sa katapusan ng Marso 2010.


"We'll wait up to the end of the month," sabi rin ni Robbie. "We don't want to let it go, because we want director Mario O'Hara to be a part of this year's Cinemalaya. Mario is very organized, wala talagang problema sa kanya. 'Yun din ang advantage ng seasoned directors."


Bukod sa Ang Paglilitis Ni Bonifacio ni Mario O'Hara, ang iba pang finalists, para sa Open Category ng Cinemalaya 2010 ang mga pelikulang Isang Pirasong Buhay ni Mark Meily, Two Funerals ni Gil Portes, Pink Halo-Halo ni Jay Altarejos, at Sigwa ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Cinemalaya, indie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas is supposed to play Andres Bonifacio while Coco Martin is cast as Emilio Aguinaldo in Ang Paglilitis ni Bonifacio. However, director Matio O'Hara is still contemplating whether he will join this year's Cinemalaya or not.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results