PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alessandra de Rossi plays a hooker in indie film Romeo at Juliet

But the actress says that she avoided having torrid kissing scenes in this Adolf Alix film.
by Kate Borbon
Published Mar 24, 2010
Alessandra de Rossi plays a hooker in the Adolf Alix film Romeo at Juliet. It is currently being screened in the following cinemas: SM Cinemas (Megamall, Southmall, Bacoor, Sta Mesa, Fairview, North Edsa, Manila), Isetann Recto, Robinsons Galleria, ABC, and Gotesco Grand Central in Cebu.

Bagong experience para kay Alessandra de Rossi ang pagganap bilang hooker sa bagong indie film na Romeo at Juliet. Nakaganap na siya ng wholesome roles tulad ng teacher sa pelikulang Mga Munting Tinig (2002). Pero ito ang unang pagkakataong gumanap siya bilang babaeng nasangkot sa esc0rt service para lang mabuhay.


"Pumayag ako dahil sinabi ko lahat kay Direk Adolf [Alix] ang mga limitasyon ko," sabi pa ni Alex, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong March 22 sa preview ng nabanggit na pelikula sa SM Megamall.


Patuloy niya, "Doon sa script, sinabi ko sa kanya kung anu-ano ang kakayanin ko. Pumayag naman siya. Pinag-usapan talaga namin dahil ayoko namang tumanggap ng role na hindi maganda ang kalalabasan with my limitations. Okay lang daw sa kanya."


Hindi pala pupuwede si Alex sa matinding kissing scenes kahit isang professional hooker ang role niya sa pelikula. At dahil sensitibong direktor si Adolf Alix, nagawan ito ng paraan.


"Puwede namang makagawa ng koneksyon doon sa dalawang magkaeksena na hindi kailangang graphic ang depiction ng sex," paliwanag pa ni Alex. "Sa akin, kahit sabihin nilang hindi ako aktres, okay lang. More than anything else, I'm a human being. Kung may mga conviction ako na lalabagin sa sarili ko, for a role, hindi ko papayagan."


'Yun lang patakaran sa buhay ni Alex. Hindi siya kayang pilitin sa mga ayaw na ipapagawa sa kanya. Napapag-usapan naman daw nang maayos kung may kissing scene na kailangan. Mararamdaman naman daw niya 'yun.


"Ang kapatid ko [Assunta de Rossi], tumahak din siya sa pa-sexy image. Paniniwala naman niya 'yun. Nirespeto ko 'yun, the same way, iba naman ang paniniwala ko, and I have nothing against people na naniniwala sa ganoong paraan to prove themselves as good performers," sabi pa ni Alex.


Hindi naging halata ang mga limitasyon na ito nang gampanan ni Alex ang role niya bilang prostitute na inilihim ang pagkatao sa boyfriend niyang ginampanan ni Victor Basa. Iba rin ang dating ni Alex sa mga maiinit na eksena nila ng baguhang si Lemuel Pelaya na tampok sa pelikula.


Ang passion sa acting ni Alex ay napagbibigyan ng indie films. Sa TV, naipagtapat pa ng aktres, "'Yun at 'yun din lang ang naibibigay sa akin, gaya sa Agua Bendita na magkokontrabida ako, papasok sa buhay ni John Estrada na guguluhan ang buhay nito at ng kambal nitong anak. Laging ganoon ang dating ko, panggulo, pero okey rin lang, may challenge pa rin. At saka naririto ang datung, kapag may regular kang trabaho, 'di ba? Ayoko nang magreklamo."


Kasalukuyan nang pinapalabas ang Romeo at Juliet sa mga sumusunod na sinehan: SM Cinemas (Megamall, Southmall, Bacoor, Sta Mesa,
Fairview, North Edsa, Manila), Isetann Recto, Robinsons Galleria, ABC, and Gotesco Grand Central in Cebu.


SYNOPSIS. Two young lovers, both having sprung from toxic, abusive families, find their only hope in the freedom of a burgeoning love. But the past is never far behind, and family inevitably gets in the way.


Producer: Kisapmata Productions

Executive Producer: Jean Altavas

Written by Jean Altavas

Directed by Adolfo Borinaga Alix, Jr.

Cast: Victor Basa, Alessandra de Rossi, Rosanna Roces, Max Eigenmann,
Jay Manalo, Daria Ramirez, Bing Pimentel, Paolo Rivero, Lara Morena and
introducing Lemuelle Pelayo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Alessandra de Rossi, indie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi plays a hooker in the Adolf Alix film Romeo at Juliet. It is currently being screened in the following cinemas: SM Cinemas (Megamall, Southmall, Bacoor, Sta Mesa, Fairview, North Edsa, Manila), Isetann Recto, Robinsons Galleria, ABC, and Gotesco Grand Central in Cebu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results