PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rekrut depicts brotherhood of military recruits

Joem Bascon and JM de Guzman are some of the military recruits who are being trained for a classified operation.
by Kate Borbon
Published Jul 9, 2010
Rekrut is one of the nine full-length films competing in the New Breed of Filmmakers category of Cinemalaya. This action-drama film will be screened at the Cultural Center of the Philippines until July 18, 2010. (CLICK HERE to view schedules of the films in Cinemalaya 2010)

Kuwento ng pagkakaibigan at kapatiran ang tinatalakay sa Rekrut, ang debut film ng dating soundman at film editor na si Danny Añonuevo. Ang pelikula ring ito, na mula sa sinulat niyang screenplay, ang unang entry ni Direk Danny sa 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na tatakbo mula July 9-18, 2010 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).


Ang Rekrut ay isa sa siyam (9) na full-length films na naglalaban para sa New Breed of Filmmakers category ng Cinemalaya. (CLICK HERE to view schedules of the films in Cinemalaya 2010)


Ang mga sumusunod na pahayag ay mula sa ipinadalang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na malayang sinagot ng manunulat at direktor, Danny Añonuevo, sa pamamagitan ng kanyang social networking account sa Facebook.


PEP:
Ang Rekrut, bilang isang true-life based film ay inaasahang magiging matapang at mapangahas sa pagkukuwento. Ano po ang nagsilbing inspirasyon ninyo sa paggawa ng ganitong uri ng pelikula?

Danny Añonuevo:
Marami tayong magagandang pelikula; drama, comedy, love story, etc. pero nawawala ang mga action films. So na-inspire ako na gumawa ng story na may pagka action kaya nabuo ang Rekrut. The story is based on true events.


PEP: Bilang writer-director, gagawa po ba kayo ng pelikula, bilang paraan ng makasining na pagpapahayag, o bilang isang tagapaghatid ng mensaheng pan-lipunan, na sasalamin sa mga katotohanan nito? Ang layunin po ba ninyo bilang filmmaker, kung anuman ito, ay taglay ng Rekrut?

Danny:
As writer-director, I will do films not only for artistic self-expression. Dapat may social message pa rin. I think it's very clear in my film.


PEP: Sa punto ng kaibahan, ano ang katangian ng Rekrut sa iba pang katulad na pelikulang kabilang sa genre ng action?


Danny
: Rekrut is not your usual action genre movie na [dapat may] revenge ang bida; or nagbibilang ng mga sabog at putok para lang matawag na action. Mas emotional ang susundang k'wento sa Rekrut, [kaysa physical conflicts], na involved ang mga action at stunts na gagawin ng mga actors.


PEP: You have several actors getting topbilling in Rekrut, kabilang sina Joem Bascon, JM De Guzman, at Emilio Garcia. Pero sa napag-alaman naming takbo ng istorya nito, sampung ni-recruit na kabataan ang may magkakasimbigat na partisipasyon sa pelikula, bilang mahahalagang tauhan. Paano nga ba ang naging pagbabahagi ng mga papel nila, para sa kaukulang exposure at impact?


Danny:
Sa ginawang casting pa lang, alam na ng mga actors ang kanilang roles, so hindi naman sila nag-reklamo sa kanilang mga exposure. Mas tinitingnan nila ang magiging impact ng buong film kaysa mga sarili nila.


(Note: Nasa cast din ng Rekrut sina: Alwyn Uytingco, Alchris Galura, CJ Ramos, Dominic Roco, Manuel Chua, Jr., Rob Sy, Nar Cabico, Meko Buenaventura, at Edward Orgel. Si Orgel ay isang taal na Ilonggo, na nagsilbi ring tagapagsalin sa wikang gamit sa kuwento, mula sa mga dialogue [in Tagalog] na nasa script.).


PEP: Ano po ang masasabi ninyo sa naging pakikipagtrabaho ninyo sa 'ika nga'y more seasoned actors? At pagiging direktor din ng mga baguhan, o acting neophytes, sa Rekrut?

Danny:
Of course, mas maraming rehearsal para sa mga neophytes actors, compared sa mga seasoned actors, but they are very professional. Lalo na si Emilio Garcia at si Archie Adamos.


PEP: Ano po ang mga inaasahan ninyo, para sa Rekrut, sa Cinemalaya 2010?

Danny:
Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganitong entry ang Cinemalaya, so, I hope, magustuhan ng mga manonood ang Rekrut, para ma-inspire uli akong gumawa ng another film.


SYNOPSIS. Ang kuwento ng Rekrut ay isang malalim na pagtalakay sa hangganan ng kapatiran at pagkakaibigan. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagkakaibigan? Sangkot sa kuwento ang mga tauhang tulad ni Jamir Alura (Joem Bascon) na isang debotong Muslim mula sa Tawi-Tawi at si Lando dela Cruz (JM De Guzman) na isang Kristiyanong lumaki sa Cebu. Kabilang silang dalawa sa isang natatanging grupo ng mga kabataang ni-recruit ng mga opisyal ng militar para sa isang "classified operation."


Mga kabataang may tikas, katalinuhan at kakayahan para sa isang matinding pagsasanay na susubok sa tatag ng kani-kaniyang pagkatao. Sa kabila ng mahihirap na pagsubok, isinantabi muna ng dalawa ang kaibahan ng kanilang paniniwala at naging magkaibigan. Sa daloy ng mga sumunod na pangyayari, ano nga ba ang kahihinatnan ng nabuong pagkakaibigan, kung ang institusyon na kapwa nila pinanumpaan ng kaukulang proteksiyon ay siyang magsisilbing balakid na wawasak sa nabuong kapatiran?


FILMMAKER'S PROFILE.
Interesting ang naging pagsisimula ni Danny Añonuevo sa industriya ng pelikulang Pilipino. Noong 1980's, una siyang nag-trabaho bilang sound technician at mixer sa Sampaguita Pictures. At ito rin ang nagpasimula ng kanyang career sa (movie) post production, nang mag-trabaho siya para sa Unitel Pictures noong 1989.


Dito'y na-promote si Danny bilang Senior Editor. Sa Unitel Pictures ay nag-edit siya ng mga TV commercial, sa loob ng labing-limang taon, at nagtamo ng mga parangal sa kanyang trabaho, mula sa mga samahang Advertising Congress at Asian Advertising Awards.


Noong 2003, naging editor si Danny, sa kauna-unahang pagkakataon, para sa full-length film na Crying Ladies (unang pelikula ni Mark Meily). Nasundan pa ito ng humigit-kumulang sampung iba pang pelikula.


Sa mga nagawa niyang pelikula, bilang editor, ay nagtamo si Danny ng iba't ibang parangal, mula sa Metro Manila Film Festival, FAMAS, Gawad Tanglaw, PASADO, at PMPC Star Awards for Movies.


Noong 2004, nagsimula siyang mag-direk ng music videos at corporate videos. Noong taon ding 'yon pinasimulan ng editor-filmmaker ang operasyon ng sariling post-production house, ang Editcube Digital Studios, na nagbibigay-serbisyo sa mga pangangailangan ng industriya ng pelikulang Pilipino.


Tickets for all Cinemalaya entries are available and may be bought at CCP Box Office or Ticket World. (CLICK HERE to read the synopsis of other Cinemalaya 2010 entries)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Click here to buy tickets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
indie, Cinemalaya
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rekrut is one of the nine full-length films competing in the New Breed of Filmmakers category of Cinemalaya. This action-drama film will be screened at the Cultural Center of the Philippines until July 18, 2010. (CLICK HERE to view schedules of the films in Cinemalaya 2010)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results