PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valerie Concepcion received a birthday surprise from her co-hosts in Pilipinas Win na Win

The Hitmakers serenaded Valerie while giving their gifts to the birthday girl.
Published Dec 22, 2010
Pilipinas Win na Win host Valerie Concepcion received special gifts from the Hitmakers during her surprise birthday celebration held recently on the game show.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Mangiyak-ngiyak si Valerie Concepcion matapos siyang makatanggap ng isang umaatikabong birthday surprise mula sa kanyang mga kasamahan sa hit na hit na Pilipinas Win Na Win (PWNW).


"Noong una, akala ng magandang noontime show host ay magpe-perform lang siya para sa kanyang birthday special sa PWNW. Bigay-todo si Valerie sa pagkanta ng You Belong With Me na pinasikat ni Taylor Swift at lubos naman siyang pinalakpakan ng audience


"Pagkatapos ang kanyang pinaka-aabangang birthday performance, isang anunsiyo ang ibinigay ng kanyang co-hosts na sina Pokwang at K Brosas. Iyon ang sorpresang awitin ng Hitmakers para lamang sa birthday girl na si Valerie.


"Simpatikong inawit ni Marco Sison ang "She" para kay Valerie, sabay abot ng rosas at regalo nitong stuff toy sa magandang host. Chocolates naman ang handog ni Rey Valera sa co-host na inawitan niya pa ng "She's always a woman to me." Kinanta naman ni Nonoy Zuñiga ang "Pure imagination" habang iniaabot ang handog niyang libro sa dalagang mahilig magbasa.


"Makabagbag-damdamin naman ang naging mensahe Rico J Puno kay Valerie. Ani ng Hitmaker "walang iwanan" at mananatili silang magkaibigan. Nakakatawang "My Way" ang inawit ni Rico J kay Valerie, sabay abot sa bolang pang-basketball na regalo nito.


"Matapos ang kakaibang sorpresa, buong-pusong nagpasalamat si Valerie sa mga tapat at totoong kaibigan na nakilala niya s PWNW. Nangigilid ang luha niya nang siya ay magbigay ng pahayag.


"Di ba nga't milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na't makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pilipinas Win na Win host Valerie Concepcion received special gifts from the Hitmakers during her surprise birthday celebration held recently on the game show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results