PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:
"Kahit pa first love ang pagkanta, pinahayag ni Vina Morales sa isang panayam na miss na niya ang umarte. Kaya naman todo bigay sa akting ang singer/actress sa episode ng Wansapanataym na pinamagatang Ulo na eere na ngayong Sabado, January 15, sa ABS-CBN.
"Noong binigyan ako ng ABS-CBN ng chance na bumalik sa pag-arte via Agua Bendita, natuwa talaga ako. Mahal ko ang pagkanta pero nakakamiss rin talaga ang pag-arte," saad ni Vina. Dagdag pa nito, "Ngayon naman after Agua [Bendita], Wansapanataym naman. Maganda yung episode na ito. Promise. Nakakatuwa pa si Miguel [de Guzman]."
"Sa kuwento, si Miguel de Guzman ay gaganap bilang isang batang pinanganak na may malaking ulo. Madalas itong ulanin ng tukso dahil sa kakaibang katangian nito. Kalaunan ay madidiskubre nito na may kakaiba siyang kakayahan na siyang mag-aangat sa buhay ng pamilya niya. Gaganap na ina nito si Vina Morales.
"Abangan ang magandang kwentong hatid ng Wansapanataym ngayong Sabado, Ulo, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN."
Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.