PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boys of "Pinoy Big Brother" Season 2 treated to a night out

Last June 7, the male housemates had a "good time" with three mysterious women.
by Jocelyn Dimaculangan
Published Jun 12, 2007
The five boys (Bruce, Bodie, Mickey, Nel, and Robert) of Pinoy Big Brother Season 2 get to interact with masked women while the girls are fuming mad about their night out.

Para subukan ang tatag ng mga lalaking housemates laban sa tukso, nagplano si Kuya ng isang boys' night out para sa kanila.

Huwebes (June 7) ng gabi nang sabihin ni Kuya sa mga kalalakihan na sila ay lalabas para sa isang exclusive boys' night out at kailangan nilang maghanda para dito.

Tulad ng inaasahan, nag-alburuto ang mga babaeng housemates sa balitang paglabas ng mga boys, lalo na itong si Wendy na kitang-kita ang pag-aalala na baka may gawing hindi kanais-nais si Bruce, "Bakit ganun, saan galing 'yang boys' night out na yan? It's so unfair! Bakit kami wala? Hindi pwedeng sumama si Bruce kasi may sugat siya...ayoko ng boys' night out na yan!"

Sa kabila ng pag-apila ng mga girls, tuloy pa rin sa pagpapa-pogi ang mga lalaking housemates kaya't lalong nainggit ang mga ito at panay lamang ang paalala sa mga lalaki, "Be good ha!"

Sa limang natitirang lalaking housemates sa Big Brother House ay apat lamang ang nakasama sa boy's night out dahil hindi na pinagising pa ni Kuya si Bodie na mahimbing nang natutulog sa loob ng boys' bedroom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magising si Bodie, agad na itong sumugod sa confession room at nag-apila kung bakit hindi siya pinagising ni Kuya. Matapos ang ilang paliwanagan ay pumayag na rin si Big Brother na sumunod si Bodie sa boys' night out.

Nilubos-lubos ng mga lalaking housemates ang kanilang exclusive mini-party sa tabi lamang ng Bahay ni Kuya. Nakasama nila ang ilang naka-maskarang dalaga na mula sa Maxim Bongbus.

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa Pinoy Big Brother Season 2 sa ABS-CBN Primetime Bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The five boys (Bruce, Bodie, Mickey, Nel, and Robert) of Pinoy Big Brother Season 2 get to interact with masked women while the girls are fuming mad about their night out.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results