Photo: Noel Orsal

PHOTO CAPTION: Si JM de Guzman (top frame) ang isa sa mga bida ng indie film na Pintakasi. Ang pelikulang ito ay isa sa 5 entries na kabilang sa New Wave section ng 37th Metro Manila Film Festival. Si Direk Mark Meily (bottom frame) ang nagsilbing Chairman ng New Wave section sa taong ito.

Mas exciting ang 37th Metro Manila Film Festival 2011 ngayong Disyembre, dahil hindi lamang mainstream movies ang kalahok sa nasabing taunang festival, kundi pati na ang independent films, maging ang student short films.

Sa araw ng Pasko, December 25, 2011, magaganap ang opening day ng pitong official mainstream movies mula sa major film companies.


Ang 37th Metro Manila Film Festival ay tatakbo mula December 25, 2011 hanggang January 7, 2012.

TRIBUTE TO INDIES. Last year (2010), sinimulan na ng MMFF under MMDA Chairman Mr. Francis Tolentino ang pagbibigay-halaga sa Pinoy indie cinema.

This year, sa ikalawang taong pagkilala ng MMFF sa Pinoy independent films, mas pinalawak at mas pinaghandaan na ang section na ito called "New Wave" or Independent Films Section ng naturang festival ng mga Pelikulang Pilipino.

Sa pagkakaboto sa award-winning filmmaker na si Direk Mark Meily bilang Chairman ng New Wave Section ng MMFF, nai-suggest nito sa Board of Directors ang concept na idagdag ang "student power" -- at naaprubahan--kung kaya't simula ngayong taon (2011) ay may kalahok na mula sa mga estudyante sa iba't ibang schools and universities.

Limang full length independent films at sampung student short films ang maglalaban-laban sa kanilang mga kategorya, at bukod sa mga tropeo ay mag-uuwi ng cash prizes ang winners, na ia-anunsiyo sa MMFF Awards Night sa December 28, 2011 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Mapapanood ang mga pelikula ng New Wave (indies and shorts) sa Robinsons Galleria Cinema 3 (Ortigas Center) nang limang araw--mula December 17 (Sabado) hanggang December 21 (Miyerkules), 2011.

Ayon kay Direk Mark, kung last year ay "best indie film" lang ang binigyan ng award (out of the 5 indie entries rin), this time, aside from the Best Film, ay dinagdagan ito ng MMDA ng acting awards: Best Actor and Best Actress.

Samantalang sa student short films naman, Best Student Short Film naman ang igagawad sa pinakamahusay na pelikulang gawa ng estudyanteng kalahok, at ipagkakaloob ang nasabing karangalan sa eskuwelahan ng winning short film.

Ayon kay Direk Mark Meily sa pinadala niyang email sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph),  "After an intense viewing and deliberation of 33 entries for both Full Length and Student Short Films, the selection committee has chosen the list of five (5) films as this year's official selection for the Metro Manila Film Festival's New Wave Section."

Ang nakapasang limang full length indie films ay ang mga sumusunod: Dyagwar (Waley o Havey?) ni Direk Sid Pascua; HIV (Si Heidi, Si Ivy, at Si V) ni Direk Neal Tan; Ritwal ni Direk Yeng Grande; Haruo ni Direk Adolf Alix Jr.; at ang Pintakasi, directed by Lee Meily, Rep. Imee Marcos at Nelson Caguila.

Ang Dyagwar (Waley O Havey?) ay mula sa Ogie D Productions ng movie columnist-talent manager na celebrity on his own  na si Ogie Diaz. Ito ang unang venture ni Ogie sa pagsabak sa pagpo-produce ng indie films, at binigyan niya ng break si Sid Pascua na marami na ring production works na nagawa sa ABS-CBN.

Nasa cast ng Dyagwar (binaligtad na "guwardiya") sina Eric Fructuoso and Boom Labrusca bilang mga security guards na pinaka-pangunahing mga tauhan ng nasabing comedy flick.  Kasama rin sina RR Enriquez, Marissa Sanchez, Chiokla Gaston, Arran Sese, Randolph Stamatelaky, ang movie reporter na si Rommel Placente, etc.  May special participation rin dito sina Paolo Serrano, etc.