Jerrold Tarog (left) directs Lovi Poe in the Cinemalaya entry Sana Dati.

Photo: William Reyes


Muling mapapanood si Lovi Poe sa isang indie film: ang romance-drama titled Sana Dati.


Ang indie film na ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Jerrold Tarrog. Ang Sana Dati ay ang entry ni Direk Jerrold sa Directors Showcase category ng 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gaganapin mula July 26 hanggang August 4, 2013.


Masaya si Lovi Poe sa kanyang pagbabalik sa Cinemalaya. Ang huli niyang Cinemalaya entry ay ang Mayohan na ipinalabas noong 2010. Ito ay New Breed entry written by Paul Sta. Ana and directed by Dan Villegas.


That year, si Lovi Poe ang nanalong Best Actress sa New Breed category. Sa coming-of-age story na Mayohan, gumanap si Lovi bilang isang probinsiyana na object of affection ng isang binatilyong mangingibig.


Nangiti si Lovi sa pagbabalik-tanaw.  "Yes, back to Cinemalaya," sambit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in an interview held last March 27 sa set ng Sana Dati sa isang memorial park sa Marikina City.


COMPLICATED.  Nagkataong tapos na ang trabaho ni Lovi sa GMA-7 afternoon soap na Yesterday's Bride nang matanggap nila ng kanyang manager (Leo Dominguez) ang offer ng Metric Films na magbida sa entry ni Jerrold Tarog.


Si Direk Jerrold rin ang naging direktor ni Lovi Poe sa mainstream horror-drama na Aswang na pinalabas noong 2011.


Kaiba naman ang role ni Lovi sa Sana Dati dahil hindi siya dito isang "supernatural" being.


"She is complicated, as in, magulo yung utak niya," pagtukoy ni Lovi sa ginagampanang tauhan.


Romance-drama ang Sana Dati.  Tatlo ang magiging leading man dito ni Lovi: Paulo Avelino, TJ Trinidad at Benjamin Alves.


"She's someone who is stuck in the past," banggit pa ni Lovi about her character. "Hindi siya maka-move on. Iba ito. Maganda ang story.


"That's why I'm very happy na ibinigay sa akin itong project na ito.


"Ano siya, [she's] very complicated and very totoo. Totoong tao siya.  Hindi siya over-dramatic... how we are in real life."


Ayon kay Lovi, comparable din daw sa ginampanan niyang lead character sa Mayohan ang character niya ngayon as the confused bride-to-be sa Sana Dati.


"Oo, gano'n.  Very real!" excited pang

wika ni Lovi.


ON BEING PITTED AGAINST VILMA SANTOS. This early, matunog ang usap-usapan na "pang-best actress" ang pagganap ni Vilma Santos sa 9th edition ng Cinemalaya. Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay bida sa Directors Showcase entry na Ekstra. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jeffrey Jeturian.


Meaning, ang isa sa makakalaban ni Vilma, among other actresses na may entry sa nasabing category ay si Lovi Poe for Sana Dati.


Nang tanungin si Lovi tungkol dito, inamin ng young actress: "Well, ako... for me, I don't even think about those things.


"But then, for me, nabigyan ako ng proyektong ganito, especially for Cinemalaya again, so it's something na I also look forward.


"Hindi ko na iniisip [ang award]. Na-surprise din ako noon... [sa pagkapanalo for Mayohan]," sabi rin ni Lovi.


PEP sought Jerrold Tarog's comment hinggil sa napipintong "labanan", if ever, between Vilma and Lovi, sa Cinemalaya 2013 Best Actress race at ito ang nasabi niya:

"Tingnan natin.  Sabi ko, hindi ko iniisip yun, e."

Naniniwala naman si Jerrold na may laban, kung sakali, ang bidang aktres niya.

"Ah, oo.  Magaling naman si Lovi, e," aniya.


MUTUAL ADMIRATION.  Sa isang naunang interview, sinabi ni Direk Jerrold na masaya siya sa naging final casting choice nina Lovi at Paulo, bilang dalawa sa mga bida ng Sana Dati.


"These are two very talented actors," ani Jerrold.  "It's exciting to watch them perform. 

"And with TJ Trinidad and Benjamin Alves, plus the rest of the supporting cast [including Noni Buencamino, Chinggoy Alonso, Ria Garcia]-- ang gagaling nilang lahat.  I'm proud of my cast."


Sa tatlo niyang leading men, kanino mapupunta si Lovi Poe, sa ending ng Sana Dati?


"Well, yung story, sadya na ano... kasi, tatlo yung lalaki [male leads]. So hindi mo talaga alam kung nasaan, o para kanino yung feelings niya [referring to Lovi's character].


"Confused but thinking character" daw ang ginagampanang tauhan ni Lovi, ayon din sa direktor.


"'Yun ang character niya... may maku-curious sa kanya; may maaasar.

"It was written na parang hindi niya alam kung magku-compromise siya.  Totoong tao, kumbaga."


Was the inspiration in writing the script personal for director Jerrold?


"Hindi naman, pero may character sa wedding na videographer, which is character ni Paulo.  


"E, dati nagku-cover ako ng weddings. So, medyo naka-base doon yung ibang bagay, pero yung mga characters, naisip ko lang."


Para kay Lovi, major consideration naman ang direktor sa pagtanggap niyang magbida sa Sana Dati.


"Si Jerrold kasi, I really trust him a lot," aniya.  "So, when they said the director is gonna be Jerrold, 'okay'!


"Kasi, sa Aswang pa lang... that one is make-believe kind of story.  Pero nagawa niyang maganda; nagawa niyang believable. E, what more pa 'pag something that's more real?  


"And, I guess, mga kaibigan ko din yung mga  kasama ko dito; Benjamin Alves, Paulo Avelino, TJ [Trinidad], mga nakasama ko na before.


"So, I'm really looking forward to this film," banggit pa ni Lovi.


Bukod sa Sana Dati, bidang aktres din si Lovi Poe sa The Bride and the Lover ng Regal Films.  


Makakasama ni Lovi si Paulo Avelino at Jennylyn Mercado sa The Bride and the Lover na ipalabas simula sa May 1, 2013.