Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang multi-awarded filmmaker na si Brillante Ma. Mendoza after his recent trip from Berlin, Germany, kung saan naging bahagi siya ng isang film seminar para sa Berlin International Film Festival (BIFF).
"Nagturo ako doon, at may retrospective ng mga pelikula ko sa Berlin," ang banggit ni Direk Brillante sa PEP.
Medyo matatagalan this time ang pamamalagi ni Brillante Mendoza sa bansa dahil marami siyang natanguang advocacy projects para sa mga pribadong sangay.
Isa na rito ang AmBisyon 2010 ng ANC at ABS-CBN, kung saan isa si Brillante sa dalawampung direktor na napiling mag-ambag ng maikling pelikulang bubuo ng isang anthology, na tatalakay sa sampung makabuluhang paksa na pampulitika at panlipunan.
"I'm done na with my AmBisyon 2010 [short] film. Poverty ang topic ko," ang sabi ni Direk Brillante. Umere na iyong teaser nito na pinamagatang "Ayos Ka," kung saan nag-rap recording ang mga streetchildren—na sina Mandarhyme, Rusty and Camille, among others—habang ipinapakita ang mga imahe ng kahirapan sa Pilipinas. Nakakaantig ng damdamin ang mensahe ng rap song, na ang unang bahagi ng lyrics ay: "Sa Pilipinas, ayos ka-hahaa/ Sa Pilipinas, ayos ka-hahaaa/ Sa Pilipinas, ayos ka... masasabi nating buhay ay maganda-ha-haaa."
Ipinalabas ang AmBisyon 2010 noong Linggo, March 7, simulcast sa ANC Channel 27 at ABS-CBN.
Bukod sa nabanggit ay nagkaroon din ng proyeyekto ang kilalang indie film director para sa kay Ms. Gina Lopez-Roy, ang pangkalahatang namamahala sa ABS-CBN Foundation.
Kaugnay naman sa darating na halalan, may documentary film na natanguan si Brillante, bagama't hindi pa niya ito natatapos gawin.
"Gusto kong tapusin this year ang mga documentary. Iba pa rin yung tungkol sa Ilog Pasig, also with Gina Lopez," sabi pa ni Direk Dante. "I'm also meeting with some organizations which have projects dealing with climate change and advocacy projects about the environment."
Tuluy-tuloy lang sa pagbanggit si direk ng mga pinagkakaabalahan niya:
"Sa March 10-14, bibigyan ako ng homage sa Deuville, France. From there, pupunta ako ng Fribourg [Switzerland] to attend Lola's screening on March 15. Lola is the first Pinoy film to have theatrical release in Switzerland.
Mauuna rito ang pormal na parangal ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring Akademik ng Aninong Gumagalaw) kay Brillante bilang direktor ng Lola, isa sa tatlong pinakamahuhusay na pelikula ng 2009.
"On March 20, I will fly to Hong Kong to attend the Asian Film Awards, where Lola is nominated for [the categories] Best Film, Best Direction, and Best Editing.
"On March 26, [I] will again go back to Hong Kong, for the Hong Kong International Film Fest as jury member."
33rd GAWAD URIAN NOMINATIONS. Natutuwa rin si Brillante dahil sa mga natamong nominasyon ng mga pelikula niyang Kinatay (Journey Into Darkness) at Lola (Grandmother) sa iba't ibang kategorya sa gaganaping 33rd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 sakanalovelife
3 bataanmatamit
anyway, pareho kaming capampangan ni direk, kaya proud ako sa kanya dahil magaling syang director.
mabuhay ka cabalen!!!
2 bettybloop
1 puting_bagwis
sana naman may dvd releases ang mga pelikula mo. i'm a collector of original Pinoy films na makabuluhan!