Nag-imbita ang kilalang fashion designer, make-up artist, at actor na si Fanny Serrano ng ilang members of the press, kabilang ang Philippine Entertainment Portal, upang ipakita ang kanyang indie film na Tarima (Love Nest). Ito ay isinulat at idinirek ni Neal "Buboy" Tan.
Sa magandang tirahan at dress shop/beauty salon ni Tita Fanny sa Scout Rallos, Quezon City, ginanap ang preview last Thursday, July 22.
Bukod kay Fanny Serrano, o TF (tawag sa kanya ng mga ka-close sa local show business at fashion industry), at Direk Neal dumalo rin sa preview ang manager ni Tita Fanny na si Bibsy Carballo at ang kaibigan nilang fashion designer na si Renee Salud.
"Siya [Renee Salud] sana ang gaganap sa papel ni Chokoleit, bilang Gringo, ang best friend kong nakulong dahil sa pagkakapatay sa 'hinadang' call boy [played by Raymond Cabral], but he's too old for the role!" birong-totoo ni TF, nang interbyuhin ng PEP matapos ang preview. Sang-ayon si Direk Neal sa binanggit ng naturang designer.
LOVE INTEREST. Bukod kina Fanny Serrano at Chokoleit, kabilang sa pangunahing cast ng Tarima (Love Nest) ang mga beteranang aktres na sina Gloria Romero at Rustica Carpio.
Sa minor supporting cast ay kabilang sina Gina Alajar, Ana Capri, Tita Swarding, Oskar Peralta, Raymond Cabral, Alvin Fortuna, Tiya Pusit, ang child newcomer, named Rap-Rap Leuterio, at ang santambak na male inmates, na walang takot magpakita ng anumang gusto nilang ipakita; at gay inmates, na rumampa sa piitan nang bonggang-bongga!
Love interest naman ni Fanny Serrano ang former Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Rocky Salumbides. Ang hunk actor ang gumanap ng character na si Bryan, ang tahimik na inmate na natipuhan ni Fanny, na gumanap sa character na si Roselo.
Sa madalas na pagdalaw ni Roselo sa kaibigan (Gringo), ay unti-unti rin niyang kinilala't inunawa si Bryan; binigyang-pag-asa sa kinikimkim na pait sa buhay, hanggang mapalapit din ang loob nito at mag-respond sa bidang "golden gay" character.
"Thankful ako at nagkaroon ako ng artistang tulad ni Fanny Serrano," sabi naman ni Direk Neal. "Saan ka makakakita ng artista, na, lahat, from pagbubuo ng kuwento at paggawa ng script... hanggang sa shooting at post-production, nakatutok?! Napaka-dedicated! Thankful ako kasi kahit papa'no, na-carry din niya ako. Kahit papa'no, nakikinabang ako sa kanya.
"Alam mo naman 'yung lawak ng coverage ng isang Fanny Serrano; sa showbiz, sa fashion world..." matapat na banggit pa ng direktor, na unang naidirek si Fanny last year para sa pelikulang Tulak. Ang kuwento naman nito ay umiikot sa isang gay benefactor ng gumanap na bidang si Rafael Rosell.
"Katakut-takot na pakiusap ang ginawa ko, mapapayag ko lang siya to play the role of Bettina, in Tulak. Then, after that, sabi ko, meron akong new movie concept; ikinuwento ko sa kanya 'yung kuwento nitong Tarima, so dinivelop namin 'yung istorya. Ito talaga, collaboration namin."
GAY-THEMED INDIE. Palibhasa'y gay actor si Fanny Serrano, ang common impression ng manonood ay puro gay-themed o gay romance-drama movies (at TV drama episodes) ang tinatampukan niya.
Truth is, first time ni Tita Fanny gumawa ng isang gay-themed movie, sa pamamagitan ng Tarima (Love Nest). Ang kuwento nito ay naka-sentro sa pag-iibigang sexual ng mga pangunahing tauhan na sina Roselo at Bryan. Nagkaroon ng torrid kissing scene at mahabang love scene sina Fanny at Rocky para sa pelikula. Apat na araw rin sila nag-shooting sa Manila City Jail.
"'Tarima' is a Spanish word for "love nest," pagtukoy ni Fanny, which explains the film's title. "Gamit ang tarima sa conjugal visit ng mga mag-asawa, o magsing-irog, including gay lovers. "Sa kulungan, merong room o tarima, at 'itinarima' ako ni Bryan, kasi 'yun ang gift niya sa akin sa 50th birthday ko. Nag-kuntsaba lahat, pati si Chokoleit... 'yung mga guwardiya, naka-ready... Para daw mabago ko siya [Bryan]."






quot;Dahil kay Tita Glo, napalaki namin ang moviequot;
ibang klase talaga ang Queen....